Amoy na nakakahilo 👃
Sensitive ba ang pang-amoy mo noong/ngayong buntis ka? Anong amoy ang hate na hate mo?
Sa 1st and 2nd Trimester ko wala akong kinaartehan na pagkain, kahit ano basta masarap pero not too much sa maalat at matamis. Sa 3rd trimester ko, sa sibuyas ako nababahuan, luto man siya o hindi basta ang baho niya 😂 pero kinakain ko pa din. Kapag may nag gigisa na sa kusina, naaamoy ko na as in ang baho haha. Tapos ayoko ng lasa ng manok kahit anong luto. Pero nung 1st tri ko gustong gusto ko ung tinolang manok na native na niluto ng MIL ko, ginisang hipon, talong with bagoong at pritong tuna. napakain talaga ako madami dun which is di ko pa alam na juntis na pala ako nun 😂 mga mag10weeks na cguro un.
Đọc thêmsame lang. cigarette smoke, paints, matapang na pabango. mas matindi lang reaction ko nung buntis ako. pero same lang kasi yan din yung mga ayaw kong amoy kahit di preggy. yung amoy ng gisa medyo di ko type pero natotolerate ko naman. tapos nung minsang uminom si husband nung buntis ako, pinagtoothbrush ko sya kasi amoy na amoy ko yung beer. ang pangit ng amoy. vinegar din pala ayaw ko kaya pag nagsusuka si husband dapat di papunta sakin yung hangin na natapat sa kanya para di ko masyadong maamoy yung suka. fave pa naman nyang nagsasawsaw sa suka pag mga pagkaing breakfast gaya ng longganisa, tuyo, etc.
Đọc thêmpaborito ko ang sisig. pero 1 time. grabe. itinakbo ko talaga palabas ng pinto yung sisig. nag tiis ako sa cup noodles. nahilo talaga ako. kasi may atay pala yung sisig na nabili ko. paborito ko din mga SILOG-SILOG. pero nahilo na naman ako dahil nung Garlic rice. nag tiis lang ako sa tocino at ilog. wala na ako kanin. at minsan pag nag dedeliver sila nakakalimutan ko irequest na plain rice. ayuuuun. tiis ako sa ulam lang. nd kasi nakakapag luto dito kaya nabili lang lagi.
Đọc thêmYung amoy pawis ng asawa ko. Hindi ko talaga matolerate ang amoy ng asawa ko noong nasa 1st trimester ako. Minsan pagpawisan lang sya ng kaunti, paliliguin ko sya agad or bubuhusan ng baby powder para lang mawala yung amoy. Pero disclaimer lang, hindi po talaga mabaho ang asawa ko 😅😊😊. Sadyang yung scent nya lang ang napagbalingan 😂
Đọc thêmManok 😔 Fried man yan or kahit anong luto.. Bahong baho nga ako sa jollibee nun kasi amoy manok.. Naiinis na ko sa sarili ko kasi alam ko masarap yun tapos nasusuka ako sa amoy.. 😭😭😭 Sa ethyl alchohol din at ginisang bawang. Ska sa siga na mga tuyong dahon ng kapitbahay grabe ang hilo ko dun doble kesa nung di pa ko buntis
Đọc thêmgarlic
Wala sakin. Sobrang thankful kami ni hubby at di ako maselan magbuntis. Di man lang ako nakaramdam ng pagsusuka at pagkahilo miski sa food di rin ako naging maselan. Laging sinasabi ng ka work ko na buti na lang daw di ako maselan magbuntis at ang lagi ko lang sagot syempre ipinag pray namin yan kay Lord lalo na't sa nature ng work ko stress is real 😅
Đọc thêmDowny. Nung di pa ako buntis gusto ko lagi may fab con mga damit ko pero nung nagbuntis ako, jusko ang inayaw ko sobrang baho para sakin hahahaha. Well, nagtaka nga ako eh kasi kahit gang ngayon na nakapanganak na ako di ko pa rin gusto amoy ng downy hahaha. Feeling ko na su-suffocate pa rin ako
noong naglilihi hate ko lahat ng amoy na matatapang.. ngayon yung amoy nalang ng fresh na hinihiwang bawang, sibuyas, luya, sabon na safeguard pink at white.(nakakainis lang maamoy pero hindi ko na sinusuka)😅 hindi tulad noon na pag naamoy suka agad. pero pag luto naman yung bawang sibuyas at luya kumakain naman ako.
Đọc thêmsa first baby ko ayokong naamoy yung burger steak ng jollibee sobrang favorite ng asawa ko yon, nasusuka talaga ko sa amoy. tapos ngayon yung amoy ng usok, kahit anong usok sigarilyo o katol. grabe talaga nahirapan ako huminga, kahit sobrang layo na sakin amoy na amoy ko pa din. tsaka yung ginigisang bawang. nakakahilo.
Đọc thêmGustong-gusto ko yung perfume ng hubby ko before ako magbuntis. Lagi pa nga ako yumayakap sakanya kasi napakabango. Pero nang magbuntis na ako. Never ko ng pinagamit sa kanya, kasi nakakasuka talagaa!!! Nahihilo ako and di comfortable kapag naaamoy ko. Kaya ngayon di na lang sya nagpapabango 😅😅😅
Đọc thêm
Preggers