What smell do you hate the most?

May mga amoy talaga na nakakasuka kahit isang langhap pa lang. Minsan nga mabango para sa karamihan pero para sa'yo, kadiri. Ano'ng pinaka ayaw mong amoy?

What smell do you hate the most?
188 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ako ayaw ko amoy ng mabango. Pabango, shampoo, fabric conditioner, alcohol, anything na pampabango masyadong extra para sakin ang amoy kaya parang nasusuka ako or nahihilo. Pero sa amoy ng pagkain wala pa naman ako naexperience na ayaw ko ang amoy. #1sttrimester

amoy ng mainit na mantika, ginisang bawang at sibuyas, amoy ng scented bath soap pati shampoo na mga dati ko ginagamit kaya nagpalit ako. pero nung first trimester lang siya, nagsubside naman pagdating ng 16th week

3y trước

same sa mainit na mantika. as in gusto ko sigawan ung kapitbahay namin. sana after first trimester ok na rin ako 😭

Amoy ng nilulutong fried chicken sa Jollibee at amoy ng kape. dati kahit amoy palang sa Jollibee nagugutom na ako bigla ngayon, lumalayo talaga ako sa counter nila. 😂

Ako lang ba yung halos lahat ayaw? Hindi ako makakain ng kahit anong pag kain kasi parang lason tapos sa pang amoy naman lahat mabaho:< Simula 1st trimester ko ganon hanggang ngayong 3rd trimester normal po ba yun?

3y trước

ganyan din ako sis, Sobrang stress hindi mo alam kakainin mo dahil isusuka mo lanh

Ayoko po yung amoy ng luto na munggo which is my favorite naman at kape, tapos amoy din ni hubby kahit pa bagong ligo at tooth brush, dati naman gustong gusto ko hayssss 😢

amoy na Tuyo , grabe kahit prito nag kakasipon ako dahil sa baho Ng Tuyo , pag alam ko nag luluto Ang Lola ko umaalis na ako sa bahay dahil di kaya Ng apoy ko

Pabango , Amoy Sibuyas and bawang. tapos amoy nang pritong daing pati lahat nang piniprito. ayaw ko din nang amoy nang kape pati lahat nang Fast food 🤮

amoy ng bawang sigarelyo usok ng sasakyan kulo ng sinaing pabango at marami pang iba ayoko talaga ng amoy sobrang nanghihina ako pag naamoy ko na..

Amoy ng usok ng sigarilyo at alak. parang sumasara ilong ko pag nakakaamoy ng ganyan. Tsaka pabango na amoy bulaklak, ayokong ayoko makaamoy 🤧

Cigarette talaga, noon pa man di ko na talaga kaya amoy nun. Di naman ako nasusuka pero irritable ako kapag nakaka amoy ako ng usok ng sigarilyo.