Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Momsy of 3 Little Loving Kids
2 Months Old Today
Normal lang po ba to mga momsh. Bago sya nag 2 months ngayun lumitaw sya.. Vaccine niya po yan nung pag kapanganak ko sakanya. Para kasing namamaga na may nana. 😔 Yung dalawa kong anak di naman nagkaganyan nung navaccine sila dati..
Going 1 Month On June 9
Hello. Ano po kaya to mga sis? Nung pagkapanganak ko po kasi sakanya mejo flat lang ngayun nakaumbok na siya.
Welcome to the Christian World Baby.
Name: Kaiden Lucas Weight: 2.8kg Type of Delivery: Normal Spontaneous Delivery Date of Birth: May 9, 2020 Time of Birth: 1:27am I want to share my experience with my son mga momsh. Hehe 1 hour lang po ako naglabor. 37 weeks and 3 days palang si baby pero nanganak na agad ako, May 27 pa dapat due date ko. ? Ilang days na sumasakit puson ko pero keri ko pa naman yung sakit. Pero nung May 8 ng gabi nakatulog pa ako kahit masakit. 3-4 minutes intervals. Hanggang sa nagising ako ng around past 11pm na. Ramdam ko na naman yung sakit, pero mas lalong sumasakit. Chill lang ako kasi akala ko di pa ko maglelabor hanggang sa pasakit ng pasakit at may brown discharge na pala sa pepe ko. Ayun nagayos na kami at nagpaadmit nako sa Hospital. Ilang minutes din ako nagtitiis sa sakit, ramdam ko talaga yung labor, naiinip na din ako kasi gusto ko na talaga siya ilabas.. Nung na IE ako. 2-3cm palang daw ako kaya wait lang na magbuka pa.. hanggang sa umabot ng 30 minutes dun na nag 7-8cm at dun palang pinapunta yung OB ko.. Hanggang sa pumutok na pala pitubigan ko at di ko na natiis di umire kasi lalabas na sya. Sabi nung nurse. Wag muna daw ako iire dahil ililipat na ako sa labor room. Pero di ko na natiis kasi ramdam ko ng lalabas na talaga siya.. ayun nailabas ko agad si baby hahahaha. Nataranta na sila di alam ang gagawin kung ako ba yung uunahin o si baby. ? Wala pa kasi OB ko. Naunahan ko na sya. ?? Labas na labas na kasi eh, pipigilan ko pa ba diba hehe.. Nabadtrip pa OB ko pagkarating kasi nanganak nako bigla.. Joke lang naman yun kasi kavibes ko naman sya hehe sa tagal nya daw akong inalagaan, hindi sya yung nagpaanak sa baby ko. ? Ayun binigyan nya ako ng discount.. Tinahi din kasi pempem ko.. Yun lang po mga mommies. Pangatlong anak ko na to pero never akong nahirapang manganak talaga.. Thankyou Lord..
37 weeks
Hello po. Baka may nakakaalam if normal ba mga findings saken. Di pa nakapagcheck up. Salamat po mga momsh.
36 Weeks And 4 Days PREGNANT
This is my 3rd pregnancy po. Dito lang talaga ako nahirapan magbuntis. Sa dalawa kong babae okay naman. Ito kasi lalake ganun ba sobrang hirap pag lalake? Normal lang po ba na sobrang bigat na ng katawan, hirap na din po akong kumilos at maglakad. Lalo na pag tatayo kailangan inaalalay. Sobrang bigat po ng tiyan ko parang sumisiksik na si baby sa puson. Ang sakit pa naman. ?? Wala naman discharge o kung ano. Kailangan ko padin kasi gumalaw galaw dahil need ko mag exercise kahit lakad lakad lang. Nandun na rin pag aasikaso ko sa dalawa at pagwawalis ng bahay..
SSS
Ako nalang ata mag 3 anak ko pero wala pakong SSS, hays. ?? Nakakapanghinayang sobra.. Self employed lang ako, online business.. Wala din valid id. Tin ID palang. Sorry po mga momsh.. Di nakakapag asikaso. ??
34 Weeks And 4 Days
Ilang kilos na po kayo mga momsh??? nung 7 months po tiyan niyo? 68kilos na po ako bigla dahil sa lakas kong kumain. ? Normal naman po ba yun? Hehehe.. Di naman po ako mataba.. Di po kaya lumaki si baby sa kakakaen ng rice?.. Hirap na po akong kumilos, may times na masakit kasi sumisiksik na siya sa puson ko.
Alcohol
Pwede po kaya to sa pusod ni baby? Hirap po talaga sa stocks eh. Lapit na pa naman ako manganak. Nagpasuyo nalang ako dun sa nagtatrabaho sa Puregold kaso yan lang daw dumating na stocks. ?
Fever- 3 years old daughter
Hello mga momsh. Share ko lang sa tuwing nilalagnat anak ko, katulad sa nangyare ngayon lang.. bigla kasi siyang nagising eh and then parang takot na takot. Biglang tumayo at di alam saan pupunta. So sinindi ko yung ilaw. Nakita ako and then bigla nalang umiiyak, takot na takot, ayaw na lumapit saken. Parang nag hahallucinate. Buti nalang andito si hubby, niyakap at pinapikit yung mata. Kung ano ano ata kasi nakikita.. Kinakabahan tuloy ako. Na experience niyo na ba yun sa anak niyo? Ano po kaya ibig sabihin nun?
PUS/ CAS
Mga momsh ano pinagkaiba ng PUS sa CAS ultrasound?