Welcome to the Christian World Baby.

Name: Kaiden Lucas Weight: 2.8kg Type of Delivery: Normal Spontaneous Delivery Date of Birth: May 9, 2020 Time of Birth: 1:27am I want to share my experience with my son mga momsh. Hehe 1 hour lang po ako naglabor. 37 weeks and 3 days palang si baby pero nanganak na agad ako, May 27 pa dapat due date ko. ? Ilang days na sumasakit puson ko pero keri ko pa naman yung sakit. Pero nung May 8 ng gabi nakatulog pa ako kahit masakit. 3-4 minutes intervals. Hanggang sa nagising ako ng around past 11pm na. Ramdam ko na naman yung sakit, pero mas lalong sumasakit. Chill lang ako kasi akala ko di pa ko maglelabor hanggang sa pasakit ng pasakit at may brown discharge na pala sa pepe ko. Ayun nagayos na kami at nagpaadmit nako sa Hospital. Ilang minutes din ako nagtitiis sa sakit, ramdam ko talaga yung labor, naiinip na din ako kasi gusto ko na talaga siya ilabas.. Nung na IE ako. 2-3cm palang daw ako kaya wait lang na magbuka pa.. hanggang sa umabot ng 30 minutes dun na nag 7-8cm at dun palang pinapunta yung OB ko.. Hanggang sa pumutok na pala pitubigan ko at di ko na natiis di umire kasi lalabas na sya. Sabi nung nurse. Wag muna daw ako iire dahil ililipat na ako sa labor room. Pero di ko na natiis kasi ramdam ko ng lalabas na talaga siya.. ayun nailabas ko agad si baby hahahaha. Nataranta na sila di alam ang gagawin kung ako ba yung uunahin o si baby. ? Wala pa kasi OB ko. Naunahan ko na sya. ?? Labas na labas na kasi eh, pipigilan ko pa ba diba hehe.. Nabadtrip pa OB ko pagkarating kasi nanganak nako bigla.. Joke lang naman yun kasi kavibes ko naman sya hehe sa tagal nya daw akong inalagaan, hindi sya yung nagpaanak sa baby ko. ? Ayun binigyan nya ako ng discount.. Tinahi din kasi pempem ko.. Yun lang po mga mommies. Pangatlong anak ko na to pero never akong nahirapang manganak talaga.. Thankyou Lord..

Welcome to the Christian World Baby.
29 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Tips naman po para manganak agad at normal delivery po

5y trước

Kelan po magstart maglakad lakad?