Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Baby Boy
EDD: July 7, 2020 DOB: June 21, 2020 Super thankful ako sa app na ito kasi ang laking tulong sa mga ftm like me ❤️❤️❤️ God bless us all!
37 weeks
Kaka-IE lang po sa akin today and 3 cm na raw po ako. May chance po kaya na manganak ako this week? Thank you po
Philhealth
Hi po. July po ako manganganak and wala pa po akong hulog sa Philhealth. Sabi po sa akin ng Philhealth online, kahit daw po Apr-June muna bayaran, magagamit ko na raw po. Sabi naman sa hospital, need ng 9 months na hulog. Alin po kaya susundin ko? Thank you!
Birth Certificate
Good day po! Magkalayo po kasi kami ng fiance ko ngayong pandemic and di rin talaga siya makakapunta sa amin dahil mahigpit po sa lugar namin, kaya napagdesisyunan po namin na ipa-late process na lang birth certificate ni baby. Itatanong ko lang po sana if paano po kaya process nun? May need po ba asikasuhin prior to that or wala naman po? Thank you so much!
Baby Needs
Hi, okay na po ba ito? :) Di pa po ako bibili ng baby bottles and breast pump kasi di pwede sa hospital/lying in na pag-aanakan ko po pero balak ko po bumili soon. Okay na po ba yan for my hospital bag? If may kulang po, ano pa po? Thank you so much po!
Hospital bag
Help naman mga sis hehehe. 35 weeks na ako tomorrow pero di ko pa napapack hospital bag ko ?? Ano pa po ba need ilagay dun liban sa damit namin ni baby? Thank you!
Huggies Sale
Share ko lang, mga sis! Sale po huggies ngayon sa shopee :) I was able to buy 1 pack of newborn diaper (40 pcs) and 1 pack of baby wipes (80 sheets) for 204 pesos ?? Kaunti muna binili ko kasi sabi ng mother ko baka mamaya hindi mahiyang si baby hehehe pero if you're okay with this brand, grab this chance po. :)
Baby Needs!
Flex and share ko lang po yung nabili kong gamit ni baby ? Wala pang 925 pesos po lahat ng nagastos ko and super dami ko na nabili, kasi naglalaro po ako ng shopee farm and shopee coins kaya maraming discount hehehe. Nagdedeliver yung 2 shop na napagbilhan ko and yung 1, on vacation po pero kahit walang discount, mura lang and okay po talaga quality ng products, I swear! Wala po akong actually picture as of now kasi tinago na ni mama ko yung mga gamit ni baby pero narito po mga pics nung products sa shop. :) Here the list of products I bought: 1. Newborn set package (3 pajamas, 3 long and short sleeves, 3 pajama and shorts, 3 mittens, booties and hats) 2. 1 set of Carter's baby onesies 3. 2 pieces of receiving blankets 4. 5 pcs bib and lampin 5. Mattress Set List of shop names: 1. michaella1031 2. dh00808 (on vacation po) 3. samarahcristobal Tip: Para po mabilis lang delivery, choose J&T courier. I'm from Laguna po and kahit total lockdown dito, nadedeliver po nila yung orders ko 4 days after ship out. Pag ninjavan po kasi, naiistuck lang sa sorting hub. I'm not sure lang sa ibang courier.
Baby needs ❤️
Got all of these for 219! ❤️ Buti tuloy pa rin delivery ng shopee kahit ecq. I'm from Laguna (total lockdown po dito) and nakakapagdeliver pa rin sila sa area namin. Kudos to shopee! PS. Yung screenshot ng store name and items po, nasa comment section. As of now po, on vacation si seller pero marami pa namang shop na nagbebenta until now. God bless us!
Fetal ventriculomegaly
Hi! Meron po ba sa inyo nakaencounter ng "consider fetal ventriculomegaly" sa ultrasound? Okay po ba baby nyo? Natatakot po kasi ako. :( Thank you po.