Salamat po 🙏 , share ko lang din❤ .
Btw mga ka mamshie , lasttime nag post ako about sa pagleleak ko , halos umabot ako ng 5days na nag leleak at wala pang nararamdaman na labor oh anuman , to the point na baka macs ako pag di pa sha lumabas , more on dasal at usap lang talaga ako kay baby para maging okey ang lahat❤🙏 .
At ayun na nga , Sept 10 nangyari na ang lahat❤ , by 12am grabe na sakit ng balakang ko , at may lumabas na na dugo sakin na may sipon kaya pumunta nako sa lying-in na pag aanakan ko , inay.e ako at 3cm palang , balik nalang daw ako pag di ko na kaya yung sakit pahinga daw muna ako . Pag uwi sa bahay as in kahit idlip diko nagawa , grabe na yung labor na naramdaman ko , di ko na alam san hihiga , tatayo , uupo at tutuwad😁🤣 . Tas umabot sa point na napapaire nako at di ko mapigilan automatic na pag hihilab sha umiire ako , nung una sa pwet lang e , tae lumalabas( sorry po sa word) then mga 5:30am feeling ko iba na talaga sha e parang ulo na kasi sa pwerta na yung pakiramdam e . Kaya punta na ko sa lying-in namin pero malapit lang naman sha samin pero grabe hirap ko sa paglalakad , pagdating ko dun inay.e nako at pag kapa andun na nga daw ulo ng bata pinaanak nako , at pinaire .
At 6am ayun na nga lumabas si baby😘❤ , salamat papagod at normal and safe delievery at syempre okey kaming 2 ni baby❤❤❤🙏🙏🙏 .
CHARLS R-A ❤
Baby born : Sept.10, 2020
Due date : Sept.23,2020
37weeks&& 5days
Đọc thêm