Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
mom of 1 and upcoming angel
Planning to use Cloth Diaper
Hi mga mamsh out there na user ng cloth diaper. I hope makapagshare kayo ng inyong thoughts or ideas about using cloth diaper for your baby. I will give birth sa 2nd baby ko this coming July and im planning to use cloth diaper nga. Sa 1st ko exclusive disposable diaper kasi sya. Kinausap ko si husband about my plan na mag cloth diaper kami sa second baby pero ayaw nya. Wala naman daw pinagkaiba sa gastos kasi maglalaba ka gagamit ka ng tubig at syempre sabon. Kailangan ko din daw ng extra time para sa paglalaba imbes daw na ung time focus sa baby eh mahahati na. At ito pa daw once babalik na ako sa work after my ML pano kung tamad.ang.makuha naming katulong at hindi aayusin an paglalaba baka daw magka rashes anak nya. Kaya against sya sa plan ko.. Paadvise naman mga mamsh. Thank you.
Pasensya VS desiplina sa anak
Share ko lang mga mamsh nasasaktan ako everytime napapalo ko ang aking 8 y/o son. At that age ang lakas na nya sumagot sa amin ng asawa ko. Nag aaway kami kasi my times tlaga na ang tigas tigas ng ulo nya lalo na pag andito ang papa nya pag kami lang naman sinusunod nya ako peaceful kaming dalawa. Everytime na pinagsasabihan ko sya at nandito ang husband ko sinasagot nya ako. Ako bilang nanay gusto ko itama ung maling inaasal nya kasi madadala nya un paglaki. Kaso kami ng asawa ko ang nag aaway ksi ayaw ng asawa ko ung way ko sa pagdesiplina. Ginagawa ko na lahat kinakausap ko na ng mahinahon. Ung pamamalo ko un na ung pinakalast ko na ginagawa pag sumusubra na sya. Like ung nsa labas sya ng bahay sigaw sigawan ako sa murang edad nya. Wla po kami sa area na nakakarinig sya ng ganun sa environment kaya d ko maisip saan nya un nakukuha. Hindi naman kami nagbabangayan mag asawa. Ang hirap maging mabuting nanay.