Ara Nievera profile icon
Kim cươngKim cương

Ara Nievera, Philippines

Contributor
Bài đăng(76)
Trả lời(622)
Bài viết(0)

#TeamJuly

#TeamJuly EDD: July 30, 2020 DOB: July 14, 2020 Weight: 3.3kgs Delivery via CS Been using this app since nalaman kong pregnant ako and very useful tong app na to lalo na saming mga FTM. 💙 Thank you The Asian Parent team and sa lahat ng mommies na willing sumagot sa mga tanong namin! 💙 Share ko lang po experience ko. 😊❤ July 13, check up pa namin. 37w closed cervix and no signs of labor pero anytime pwede na magpop kasi manipis na daw panubigan ko. 10pm nafeefeel ko na yung pain, inoobserve ko yung interval, nakakatawa pa ko so iniisip ko hindi pa to. Sabi kasi nila di ka na daw makakatawa pag naglalabor na. Pagihi ko, may blood. Nagpunta na agad kami sa lying in. PagIE sakin, closed cervix parin naman daw and nagspot lang kasi naIE ako earlier. Pinauwi kami. Paguwi namin nakaidlip pa ko. Then 2am biglang sumakit, inobserve ko ulit and inorasan. 2 mins nalang interval bawat pain. Di na ko mapakali, sobrang sakit na. Lakad lakad lang ako kasi di na talaga ko mapakali. Di na ko nakatulog the whole time. 7am bumalik kami sa lying in. PagIE sakin 6-7cm na daw. Laking relief samin. Pinahiga na ko and ipprepare na daw yung DR. Sinedate na ko and nilagyan ng dextrose. Inaantay ko nalang OB ko. PagIE sakin ng midwife, sabi nya bakit biglang nagfloat? Di ko naiintindihan kasi sobrang sakit parin ng tummy ko, naiiyak na ko sa sakit. Ang tagal dumating ng OB ko. Pagdating nya inIE ulit ako sabi nya 5cm nalang to. Nagtataka na ko bakit lumiit nanaman? Sumasakit parin sya ng sobra. Di na ko mapakali sa sakot hanggang sa naramdaman ko nalang pinutok na nya panubigan ko, sabay sabi na may meconium na or nadumi na si baby sa loob. Alam ko pag ganun delikado na kasi makakain na yun ni baby. Oorasan daw ako within 1 hr. Naramdaman ko nalang biglang umumbok yung tummy ko and sobrang sakit. Pag doppler kay baby 187 bmp na HB nya, narinig ko sabi ni dra. na pakitawag yung husband and sister. Alam ko mabilis na yung HB kasi hanggang 160 lang. Sobrang lutang narin ako nun, alam ko yung nangyayari naririnig ko sila pero di ako makareact basta alam ko lang sobrang sakit ng tummy ko. Trinansfer ako sa hospital, kinakausap nila ko pero utal yung words ko, nagmamadali narin sila. Pagpasok sakin sa OR sobrang antok na ko, may kumakausap parin sakin, biglang magtatanong naiintindihan ko naman and nakakasagot naman ako. Last na naalala ko nung nakacurve ako and may nakadagan sakin, alam ko na gagawin yung anesthesia sa spine, ineexpect ko na na sobrang sakit nun pero wala akong naramdaman and di narin ako makapiglas and kilos sa sobrang antok ko. Nakita ko na yung operating table na may mga ilaw and andun mga staff. Last na tanong ko "may oxygen po ba to? Nahihirapan akong huminga". Ang sagot sakin ng OB ko "meron yan". Inaantay ko na yung paghiwa kasi naririnig ko yung mga scalpel hanggang sa inaantok na siguro ako. Wala na kong maalala. Pagdilat ko na patay na yung ilaw ng operating table. Magisa nalang ako dun nakatali nanlalamig and nanginginig. Unang tanong agad sa isip ko "nasan baby ko"? "Bakit walang umiyak"? "Bakit wala akong naririnig na baby"? "Okay kaya baby ko"? "Nasan sya bakit hindi pinapakita sakin"? Hanggang sa dinala ko sa recovery room. Di ako makapagtanong, nanginginig lang ako. Nagiisip parin ako "nasan baby ko"? "Nasan asawa and ate ko"? Ilang oras na ganun hanggang sa nagcooldown ako, wala ng chills. Sabi nung nurse maam ito na po baby nyo baby boy nievera. Biglang nagiba mood ko, nawala yung mga tanong ko. Okay yung baby ko, malinis na and nakabalot na ng blanket. Ang kapal ng buhok, kamukha ng daddy nya. 💙 Sobrang sarap ng feeling ko. Thank you Lord okay yung baby namin. Thank you Lord nakaraos na. Thank you Lord okay kami pareho! 💙 Paglabas ko ng OR dun ko na nakita MIL and mama ko, asawa and ate ko. Napulupot na pala leeg ni baby sa pusod nya kaya pala nag 187 HB nya and buti naagapan and okay syang nailabas. Groggy ako ng 1 day, antok na antok ako. Puro tulog ako. Ginigising lang pag ichecheck yung BP and sasaksakan ng pain killer and antibiotic. Kinabukasan ang sakit pala nung tahi hahaha. Hirap na hirap akong kumilos. Di ako makabangon ng walang alalay ni hubby. Nakauwi na kami ni baby and nagpapagaling ng tahi. 💙 Salute to all moms na naggive birth via normal or CS. 💙 Hindi pala madali. Yung literal na pain, yung kaba, and takot para sa baby mo. Yung di mo na maiisip yung gastos, yung sarili mo, wala ka nang pake kung anong itsura mo basta okay yung baby mo. 💙 #TeamJuly kaya nyo yan! Pray lang! 💙

Đọc thêm
#TeamJuly
 profile icon
Viết phản hồi