Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
First time mom-to-be to my little princess
POOP AFTER 10 MINS
Hi po mga mie. Normal lang ba na kakapoop lang ni baby 10mins ago and then nagpoop nanaman siya ulit now? Ngayon pa lang naman nangyari. Whole day di siya nagpoop naman. Consistency nung poop is the same naman as poops before. Medyo mas marami lang now like puno ang diaper.
NoRmal or diarrhea?
Normal lang po ba to or too watery? Formula-fed po
manas @ 37 weeks
Mga mamsh, 36+6days na po ako. Medyo manas na ko since 35 weeks pero nawawala naman siya pero kahapon parang biglang manas na manas na ata paa ko. Normal naman BP ko every check up. Medyo kulang nga lang ako sa lakad kasi sa office ako nagwowork, pero start na din naman ng leave ko so maglalakad lakad na talaga ako. Normal lang ba to? Should I be concerned?
ANO ANG SIGNS
Hi mga mommies! 35th week ko na, konti na lang! hehe. Gusto ko sana matanong, lalo sa mga nag-anak na, pano ko ba malalaman pag oras na? haha Never pa ko nakafeel talaga ng contractions netong pregnancy ko (Sa pag kakaalam ko. Never naman kasi may sumakit sakin). Alam ko iba iba ng experience, kaya nalilito na din ako. May work asawa ko kaya baka mamaya ay mag isa ako sa bahay datnan kaya gusto ko sana malaman kung ano ba mafeel ko dapat para tatakbo na ba ko sa hospital or what. hehehe
Contractions?
Hi all, FTM here. Currently 34 weeks preggy and gusto ko sana maprepare as much as I can sa darating na Labor day haha. So far di ko pa din ma-gets ano ba feeling na contractions? How would I know if it's labor na? I hear so much of False labor (Di ko din alam feeling non) so gusto ko sana malaman ang difference and what I should expect. So far smooth naman pregnancy ko, and want to keep it that way haha. Hope I can get some info here
33 weeks preggy kicks
Mga mommy! Talaga bang masakit na madalas mga kicks ni baby sa panahon na to? Hahaha minsan napapapikit na lang talaga ko sa sakit ng sipa niya, stretch kung stretch. Haha. Thankful naman ako at malakas ang movements niya. Minsan lang parang lamog na ata organs ko sa loob haha napapasabi na lang ako ng "sige lang nak okay lang kaya ko pa" haha hehe
DRY THROAT
Hello mga mommies. 33 weeks preggy here, normal lang po ba na parang ang bilis madry ng throat? Di naman masakit, pero parang kahit lagi nagtutubig, mamaya feeling ko dry siya
LOOKING FOR SOME ENCOURAGEMENT
Ayoko na talaga sana isipin, and tinatatak ko na lang sa utak ko na normal lang ito, pero sa totoo lang sobrang kinakabahan ako at nababahala. Hindi to nawala sa isip ko. Currently 32 weeks preggy. Had an ultrasound 2 days ago kasi irerefer ako ni OB sa ibang doctor na magapaanak. Everything is normal naman according sa result, pero may single loop umbilical cord si baby na nakawrap sa neck. Hay. Alam ko it's out of my hands at wala akong control, which makes me more anxious. Prinepare ko na saraili ko sa ganito umpisa palang, pero pag andito na pala talagang nakakabahala. Minsan kinakausap ko talaga si baby na wag siyang umiikot masyado, at sumuntok sipa lang siya. Pero hay. Nakakakaba talaga. Konting konti na lang, sana makaraos na din. Gusto ko na makita si baby na happy and healthy sa outside world.
MUKHANG MANAS
Mga momsh question, dalawa na ang nagsasabi sakin na mukha daw akong manas or maga. Ang kulit nga at naiinis na ko parang nilalait lang ako. Pag tinitignan ko naman sarili ko di ko makita san banda. Asawa ko naman sabi parang di naman. Mula mukha hanggang paa okay naman daw, tyan lang ang limaki sakin. Question ko lang is pano ba maptunayang manas? Wala naman din sinabi ang OB ko kay dedma lang ako sa mga marites pero bak may nakikita silang di ko nakikita. For me di naman ako maga, pero pano po ba? Di ba usually lumulubog yung laman pag ichecheck ganon? Hehe
Curious - Hearing inside tummy
31 weeks preggy, Gaano kaaccurate na nakakarinig na si baby sa loob ng tyan? Super active kasi niya, pero tinatry namin if magrerespond siya pag kausap siya ni daddy niya, pero so far wala siyang kick pag tinatry ni daddy niya na kausapin siya. Pero pag touch, nagrerespond naman siya and nagkikick. Di ako super worried, pero posible kayang may hearing problems si baby? or normal lang?