Mag three (3) months na din si LO simula nung ipinasok ko siya sa center para mag therapy. Bago siya mag therapy ito yung mga signs niya: 1. Hand flapping, ito talaga una kong napansin sakanya. Agitated siya pag nanunuod sya ng cocomelon or mga fish and birds. 2. No eye contact, simula nung nag 11mos siya or 1 year old sya wala na sya eye contact due to too much screen. 3. Di lumilingon pag tinatawag, di naman siya bingi kasi once marinig nya intro ng cocomelon kahit mahina naririnig niya. 4. Snob, ayaw niya mag Hi or bye. Dati nag bbye biglang ayaw na niya. 5. Lakad ng lakad in one spot, pabalik balik siya sa paglalakad. Di ko sure kung nasanay na lang sya dahil maliit lang space sa kwarto namin. 6. More on jumbled words. Di akma sa age niya. 7. Hahawakan kamay ko pag may gusto siya. 8. Di makaupo ng matagal. 9. Flipping and spinning objects And more! But now, he can do long sitting, less hand flapping, flipping and spinning. Mas mataas na eye contact nya, can do simple instructions, lumilingon na pag tinatawag ang pangalan, he can press buttons, di na takot sa slides still aloof sa tao. Medyo introvert itong anak ko sanay kasing kami lang dalawa sa bahay. Masakit sa bulsa pero worth it! Malaki inimprove ng LO ko. Kung dati umiiyak sya pag ipapasok ko sya sa center, ngayon kusa na niyang pumapasok and he can do all the tasks na pinapagawa ng Teacher niya. 😊 #Ausomomma #Ausomekids #ASDawareness
Đọc thêmToday, my baby was diagnosed with ASD or Austism Spectrum Disorder. Expected ko na ito. Hindi lang environment ang problema samin, it's also my fault. Kung nagtyaga pa siguro ako "noon". Dapat December pa ma'assess si baby. Mabait si Lord, pinaaga Niya. God is good talaga! God is always with us. Kaya hindi ako ganon kaworry and I know na malalagpasan ulit namin ni baby ito. Kita ko sa anak ko na he's smart! Need niya lang ipush. 🥰 #firsttimemom #asdfighter #soloparent
Đọc thêmILANG ARAW NA BANG CONSTIPATED SI BABY?
Share ko lang yung bigay samin ng Pedia ni baby. Duphalac yow! Around 5-6mos si LO nung nag start syang uminom ng Duphalac. Kahit umiinom na sya ng water, constipated pa din siya. Meron ako laging 3 day rule. Kung three (3) days di pa sya dumudumi, paiinumin ko na siya ng Duphalac, hinahalo ko siya sa gatas ni LO as per Pedia. Isang oras lang dumudumi na si baby. 😊 Para maiwasan din pagiging constipated ni LO, binawasan ko ang scooping. Dati kasi pinupuno ko ng gatas yung measure spoon at simula nun di na masyadong nagiging constipated si LO. Magiging constipated na lsng sya pag di siya masyadong nag iinom ng water. Di ko madalas gamitin ag Duphalac dahil ayaw ko din naman inom ng inom si LO ng meds. Ngayong matanda na siya di ko na ginagamitan ng Duphalac kasi kaya naman na ni LO at madami na syang uminom ng water. 😁 Sana makatulong! #1sttimemom #sharingircaring #constipatedbaby
Đọc thêm