Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Got a bun in the oven
Positive or not. Sana may maka notice po.
Hi sana may pumansin po, nalilito po kasi ako. May nagcomment po sa unang post ko positive daw po so nagtry ako ulit magka sunod na araw, ayan po lumalabas. Puro ganyan po, positive po ba yan? #pregnancy #advicepls
Baby's Weight
Hi mamsh, simula po mag paultrasound ako nalaman ng ob ko na maliit si baby. Pinilit nmin habulin then nung nag 25weeks ako nahabol nmn na daw. Then nag change ob kmi kasi lumipat kmi sa mas malapit na hospital, nung nakita nung doc na may record si baby about weight nya pina ultrasound ako at sabi maliit padin daw. So pinainom nya ko ng pampalaki for 4weeks 3x a day ang inom ko, then nagpa emergency ultrasound ako kc april ang due ko. Nung pina check kay doc ung result maliit padin daw, pero nakalagay dito sa app dapat 2100grams daw. Eh 2300grams na ko, nagwoworry kc ako baka lumaki ng lumaki si baby tas ma-cs ako. Ang bilang po ni baby sa utz is 33weeks 4days pero po 34weeks dito sa app base sa due. Si doc nmn 35weeks ang bilang nya, kaya d ko po alam kung maliit or sobra na sa bigat si baby, salamat po sa sasagot. Sobrang worry lng po ako.
Vitamins (Sana may pumansin)
Mga momsh, may sangobion kc ako na vitamins and nagdagdag si ob ng Obimin plus. Then may calvit gold at onaima sa morning sabay din, ok lng kaya yon? Lately kc napapansin ko kada iinom ako ng vitamins mas nagiging malikot si baby. Safe lng po kaya yon? Currently at 33weeks po. Thankyou po.
almost...
Hi momsh pls pasagot nmn po, kanina kc nadulas ako paharap pero nakatuhod nmn po ako and ndi ako natamaan sa tummy. Kc super nagwoworry ako, baka kc may nangyare sa baby ko wla pa nmn po akong sched sa ob ko and ndi pwedeng pumunta agad kc madami syang patients, nagasgas tuhod ko which is proof na sa tuhod ung impact ng pagbagsak ko. And nafifeel ko movements ni baby pero barely lng. 8months na po ako going 33weeks po, and muntik na ko mag pre-term labor nung 27weeks kaya pinagiingat ako kaso nadulas nga po ako. May effect po kaya kay baby yon? Pls answer po, nanginginig po ako sa takot at pag aalala first baby po.
April 21 Duedate
Hi momsh, sabi po ng ob ko end of march pwede na ko manganak. 1week before or after april26 daw po pinaka due ko. May paraan po kaya para ndi muna lumabas si baby? Gusto ko po sana around april 20 or exact 26 sya lumabas since kulang pa po ung ipon nmin sa dami ng gastusin, by april 15 po kc masasakto ung goal nmin na pambayad sa hospital. And ndi din po sure kung magagamit nmin philhealth kaya gusto nmin may xtra cash na kmi incase na magkulang. Pwede po kaya yon? Ano ano po kayang pwede gawin para d muna sya lumabas by march or first week of april?
Baby's position
Hi mommies, ask ko lng po nung nag 24weeks po ako si baby po naka breech position then nung 27weeks po nag cephalic na po sya and ung kicks nya lagi ko nafifeel sa bandang taas ng tyan ko. Pero nitong 31weeks ko na po nararamdaman ko nanaman po kicks nya sa bandang puson, magalaw po c baby and minsan lang sumipa. Madalas po sinisinok sya pero dun ko din po nafifeel sa bandang puson. Nag breech po kaya ulit c baby? Or normal lng po na duon sa bandang puson movement nya? Iniisip ko po kc baka kamay nya yon, pero malakas po kc na parang kicks. Nagwoworry po ako baka bumalik sya into breech, maliit po kc baby ko. Sana po may pumansin.
Breech to Cephalic
Hi mamsh, ask ko lng po. Nung una po kc na ultrasound ko breech po c baby, then nitong last po cephalic na po sya. May chance kaya na umikot sya ulit? Mag 30weeks na po ako, nagwoworry lng po kc ako baka umikot ulit sya eh. thankyou po sa sasagot.
FTM
Hi momshies, tanong ko lng po kung may same case ako, nahihirapan po kc ako magdumi. Nagstart po to nung uminom ako ng moriamin forte, ung pampalaki po para kay baby maliit po kase bby ko. Araw araw po ko nadudumi pero hirap na hirap po ako ilabas, parang lagi po akong may kabag. Thankyou po sa sasagot?
Yuko/Upo
Momsh sorry po kung makulit ako, natatakot lng kc ako. Ung baby ko is maliit daw for 6months sabi ng ob ko, tapos suhi pa po si baby, sabi po nung sister in law ko maglakad lakad ako para daw po umikot c baby. Kada papasok nmn po ako naglalakad lng ako kahit medjo malayo ung papasukan ko, then nagdagdag po vitamins para pampalaki ni baby. Kaso po natatakot ako baka pag lumaki c baby tas kumilos ako baka maipit nmn po sya. Lagi po kc ako nakayuko tas naka indian sit kapag nakaupo. Minsan naman po need ko mag squat, ok lng po kaya c baby? Iikot padin kaya sya kahit madalas ako yumuko/indiansit at squat? D po kaya maipit lng sya? Thankyou po sa sasagot.
Breech baby (Suhi)
Sana po may sumagot na, ftm po ko and kaka ultra ko lng 6months and half na po ako. Breech baby daw po si bby kaya ndi po makita gender nya, lagi nmn po ko nagpapatugtog ng music sa may bandang puson po. Pano ko po kaya malalaman kung umiikot po sya?