What are you thankful for in 2021?
Ang pinakapinagpapasalamat ko sa taong 2021 ay yung kapiling ko padin hanggang ngayon ang buong family ko. Alam naman natin na sobrang madaming naapektuhan ng pandemic, may mga nawalan, o biglaang lumisan. I am so thankful kahit na isa sa member ng family ko ang dinapuan ng covid, dahil mild symptoms lang ang naramdaman niya, and ngayon ay ok na siya. I am so thankful dahil healthy ang buong family ko, at ndi nagkakasakit ng malala. Thankyou Lord, yun palang po ay sobrang laking biyaya na lalo na po sa panahon na ito. I am so thankful, dahil lahat kami ay vaccinated nadin. 😊 Madami man tayong kinakaharap na pagsubok sa bawat araw, maging thankful padin tayo, dahil lagi tayong binibiyayaan ng panibagong umaga o araw. Thankyou Lord, for the gift of life. Salamat sa pamilya na meron ako, salamat dahil after 3years of TTC namin ni Hubby ay biniyayaan niya dn kami ng healthy baby boy na ngayon ay toddler na 😅 At higit sa lahat, Salamat TAP, sobrang laking part niyo sa motherhood ko, ang dami kong natutunan dito lalo na sa mga mommies na member dito 😊 #TAPpyHolidays2021
Đọc thêmSigns na hindi Ideal Partner ang Asawa mo.
Minsan sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao, ini-ignore natin yung mga red flags, kahit harap harapan na natin itong nakikita/nararamdaman. Una, yung walang respeto sayo. Kung paano ka niya kausapin o tratuhin, kung napagsasalitaan ka niya ng masama or namumura ka niya, You should run from him. Sakit sa ulo yarn 😅 Second, mabisyo. Babae, sugal, sigarilyo, alak. Parang kumuha ka ng batong ipupukpok mo sa sarili mo. 🤦♀️ Third, Pag galit ka, mas galit pa siya. Ma-pride. 😅 Sunod, yung hindi ka man lang tulungan sa gawaing bahay, nagaalaga ka ng baby niyo, laba, luto, linis ng bahay, pero siya puro cp lang. 🤦♀️ Ayun mga mommies, skl 😅 wala naman perpektong tao, kaya walang perpektong relasyon 😊 Its all up to us, kung pano natin mapapabuti o maaayos ang relasyon natin sa ating partner. Lahat naman nadadaan sa magandang usapan 😅🤦♀️ #RedFlags
Đọc thêm