Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
And So The Adventure Begins♥️
Color Ng Poop Ni Baby.
Mga mamsh ask ko lang po ano ibig sabihin pag ganto color ng poop ni baby, pina vaccinan ko sya kahapon then pinainom ko tempra, lactum milk nya then pag poop nya ngayon ganyan na color then ang baho na. Ano po ibig sabihin nyan? Normal po ba or hindi? TIA?
Formula Milk.
Hi mga mamsh any idea po, yung LO ko kase na 2 months old turning 3 on June 4 pinalitan ko yung gatas nya Lactum sya before to Nan Opti pro one. Kaso napapansin ko po pagka gabi di sya masyado nadede and hindi din masyado napupuno ng wiwi yung diaper nya, nauubos din naman po nya yung 5oz or 4oz, sguro nakaka 3x lang sya na dede pagka gabi dahil di nga sya masyado nag dede di napupuno diaper nya konti lang wiwi nya unlike nung Lactum sya every 2-3 hrs nag dedede talaga sya kahit umaga at gabi and nakaka 4-5x syang dede sa gabi. Pero pag sa Nan opti pro naman pag umaga malakas sya magdede every 2-3 hrs din ang dede nya. Tinitibi po kase ang poop nya sa lactum kaya pinalitan ko. Tingin nyo po ba hindi gusto ng LO ko yung formula milk na pinalit ko? Or sadyang may pagbabago lang talaga sa baby every month lalo na turning 3 mos. na sya. FTM po ako, any suggestion din po naa magandang milk sa baby? TIA po?
Water Sa Baby.
Hi mga mamsh, ask ko lang po pag more on formula ba ang dinidede ni baby okay lang sya painumin ng water kahit konti? Tinitibi kase si baby eh, nagbawas na din ako ng gatas sakanya. Almost 1 month pa lang po sya. Nagdedede naman sya sa gatas ko pero konti lang kase nag p.pump pa ko pero konti lang nakukuha ko di kase sya maka dede saken. Btw, lactum po gatas nya. TIA?
Dahon Ng Ampalaya.
Hi mga mamsh, ask ko lang po okay lang ba talaga painumin si lo ng dahon ng ampalaya yung katas nun. Na s.stress na po kase ko sa nanay ng lip ko ilang beses nya na pinapainom si lo ko nun e almost 1 month pa lang po si baby halos gusto nya ata araw araw painumin si baby kase daw para matanggal yung sawan na sinasabi nya. Kaso sabi naman ng iba at mother ko okay na isng beses lang painumin or pag may halak lang si baby. Any opinion po? TIA?
Baby 1 Month Old
Hi mga mamsh, ask lang po any idea ano kaya tong nasa tyan ng LO ko kahapon ko lang kase napansin may ganyan sya sa tummy nya di naman sya nasasaktan pag hinahawakan di din nagtutubig medyo namumula lang sa may bilog po. Diko alam kung rashes or what po eh. Any idea po sa inyo mga ka mommy? Salamat.
Breastfeeding
Nakagat po ako ng aso, pero nakapag pa inject naman na po ako ng anti rabbies. Okay lang po ba na magpa breastfeed pa din ako? TIA.
Newborn Baby (5 Days)
Bakit po kaya ganun mga mommy may konting dugo yung pagdumi ni baby diko sure kung sa pagdumi nya ba yun galing or sa private part nya galing. Pagkita ko na lang sa diaper nya after nya mag poop may konti ng dugo. Nakaka worried po??
Labor?
38 weeks and 5 days. Masakit po balakang at puson ko sobra kahapon, palipat lipat ng sakit tapos diko alam kng white discharge or brown discharge na po FTM po kase. Then nag do kami ni LIP kagabi sabi kase nila mas nakakatulong daw po yun lalo na pag manganganak na, then pag gising ko may konting konting dugo na buo sa undies ko. Sign na po ba ng labor yun? Pa help po. Salamat??
Sign Of Labor.
38 weeks and 4 days, puro pananakit ng balakang papuntang puson, pag nawala sa puson balakang naman (vice versa) sakit ng binti parang puputok na, at pag naglalakad ako parang mahuhulog na si baby, diko sure kung brown discharge na ba or white discharge pa din FTM po kase. Sign na po ba ng labor yun???
Movement
34 weeks na po ako, pero parang di na masyadong malikot si baby sa tummy ko like nung mga nakaraan na grabe sya manipa. Madalas na lang sya manigas or umumbok. Nakaka worry po kase, okay lang po ba yun? And ano po ibig sabihin pagka ganun? FTM. Thank you?