Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Queen of 1 sunny cub
vitamins for breastfeeding
Tanong lang po mga mommy ano po kayang pedeng vitamins sakin na 100% effective pampataba like Lin Zhi kaso bawal daw kasi yun sa nagpapadede yung pede sa nagpapadede sobra na kasi yung payat ko talaga thanks sa sasagot ?
40weeks and 4days
Baby Girl ? Amara Rei Garcia ? 4 kilo / NSD EDD: March 15 2020 DOB: March 20 2020 So ayun na nga nagpost pako dito na 40 wks and 3days nako pero wala pa rin nangyayare nung araw den na yun sobra akong nagpagod sobrang dami kong ginagawa general cleaning ng room Fyi malaki pa yung room namin kaya nakakapagod tulak tulak ng kama aparador then naglalaba pako sampay dito sampay dun alaga ng 2yr old kong baby nagluto pako ng lunch nun habang nagluluto at naglalaba lakad lakad sa malawak naming bakuran tulak tulak baby ko sa stroller kaya ayun mga bandang hapon nakaramdam nako ng sakit ng tyan kasabay balakang sa likod tyaka isa pa den sa tumulong sakin mga mamsh ang pag squat every may gagawin ako squat like pag kikilos squat pag magpapahinga squat 30 squat lagi kahit kakasquat ko lang squat ulit then 2days ako nag buscopan 3x a day kasabay primrose 5weeks ako nag ganun 2x a day and 1 sa gabe nagiinsert ako sa pwerta ko at pinapasok ko sa pinaka dulong dulo. So ayun na nga hapon sumakit tyan ko pabalik balik na yung sakit pero sobrang layo intervals kering keri pa sakit every sasakit sinasabayan ko ng squat babang baba then kinagabihan lumalala yung sakit pero keri pa ren hanggang umaga ginising ko si hubby sabe ko ang sakit na talaga pero pag nawawala ang layo ng intervals ang tagal bumalik kaya kalma pa kami pero nag ready na sya bandang 10am may lumabas na sakin na parang sipon na may bahid ng dugo kaya nagpasya na kami na pumunta na since sa cavite city pa ako manganganak kasi dun ako nanganak sa panganay ko cavite city from imus otw na kami nawala yung sakit bumabalik pero oras na ata bago bumalik hindi minuto then pag dating namin dun IE muna 3cm pa ren daw pero nakitaan na ren nila ako ng sumilim sinalpakan ako primrose 10 para lumambot na daw at mamayang gabe manganak na daw ako then ayun nagstay muna kami dun sa tita ko para malapit na lang kami hindi nako natulog ng hapon ginawa ko every sasakit sasabayan ko ng squat then lakad lakad ako tas akyat panaog sa hagdan hanggang gabe mins na lang ang interval pero kering keri kopa kinagabihan ulit 4-5 mins na lang interval tas palala na ng palala yung sakit nakakatulog nako pero nagigising ako sa sobrang sakit mga bandang 11pm ginising kona si hubby sabe ko punta na kami diko na kaya pag dating dun ready na mga staff ng lying in tyaka doctor ko kasi alam nila na manganganak na talaga ako nung araw na yun dun nako umiiyak at nanginginig na mga paa hita ko pag IE sakin 6cm na daw kaya inadmit nako ng 12am then kada hihilab iniire kona sa pwerta tas ihip ihip sa bibig nakahiga nako nakaready na sila naglalabor pako that time kada hihilab iniire kona kaya saktong 3am nailabas kona sya ? 4kilo na inormal ko na may varicose pako sa pwerta at may almuranas pako at sobrang payat kopa kaya bilib na bilib sila sakin sya ang pinaka malaking baby na nasa record. THANKYOU LORD AT NAKARAOS NA KAMI DININIG MO MGA PRAYERS NAMIN ILOVEYOUUU PO ALWAYS ???
40weeks and 3days
Wala pa rin kahit anong sign or discharge ? kaka pa bps ko lang at nakita na 4.2kilo na sya jusmeee! Sana kayanin ko inormal ?
lockdown
Sana manganak na tayong mga team march bago pa mag lockdown nakakatakot ?
May pinagbago ba ?
Bumaba naba mommies ? 40weeks nako today still wala pa rin nararamdam feeling ko hindi pako manganganak dahil hindi pako hirap pero due kona nagwoworry nako talaga ginawa kona lahat lakad umaga tanghali hapon gabe 30mins ng 30mins squat den diet na ren take oral ng eveprimrose tyaka tuwing gabe nagsasalpak ako sa pwerta ko 1-3 piraso nag do na ren kami ni daddy pineapple juice den bago mag sleep. Diko na alam ano pa dapat kong gawin second baby kona to pero bat maooverdue pa ren ako ? enge naman tips mga mommy ano ginawa nyo sa mga nakaraos na jan ?
what's in my hospital bag naman ?
First of all yung checklist na binigay sakin ng Ob ko yung mga gagamitin nila sakin anjan yung -Adult diaper 10pcs -underpads 8pcs -sanitex maternity pads 8pcs -cotton rolls -tissue -baby oil -shaver Yung nasa bag ko naman Clothes ko (pajama,tshirt,maternity dress,jacket) Clothes ni daddy ( 1short,2tshirt,1pair socks,2underwear) And 2 nursing bras , 3underwear, 2pair of socks, breast pads Toiletries ( bath wash, 2shampoo,2conditioner,toothpaste,toothbrush,facial wash, hair band and ponytail) Betadine ( feminine wash) Tissue Skincare and makeup kit ko kung makakaya kong magayos kahit konti para hindi haggard pag may mga bisita hehehe Chargers / earphones First aid kit ( efficascent, vicks, white flower favorite namin ni daddy pag nahihilo kami, biogesic , bioflu) And nagdala ako ng 5face mask para sa mga bisita and acohol. So ayun lang ang hospital bag ko sana makatulong hehehe
what's in my baby's hospital bag ?
Tips ko mommy ihiwalay nyo yung gamit ni baby like yung ibibigay nyo sa nurse and ibang gamit at damit nya yung box andun lahat ng baby essentials nya yung gagamitin lang sa kanya ng nurse hindi kona dinala yung mga hindi naman kailangan anjan yung -alcohol -baby oil -aceite -petroleum jelly -lactacyd baby bath -cotton balls And 3pcs NB diaper wipes And receiving clothes nya lang -1 longsleeve (tiesides) -1 pajama -1 bigkis -1 bonnet -1 pair mittens -1 pair booties -lampin 3pcs -1 receiving blanket Tig iisa lang yung isusuot nya lang talaga ang nilagay ko sa box and malilit lang konti lang yung baby essentials nya kasi sabe nila sa iba daw kinukuha daw gamit damit hindi daw sinosole mga ganun. And yung baby bag nya naman andun yung ibang gamit nya Nagdala ako ng 1 baby bottle in case na hindi sya makadede agad sa akin Extra diaper Extra lampin , bib , bigkis ,mittens, booties, bonnet Extra clothes 4 set (hindi kona iisa isahin madami ? ) Frogsuit 2set Going home outfit set Swaddle / blankets So ayun sana makatulong sa ibang mommies na nagreready na ren ? post ko later yung hospital bag ko naman ?
Baby bed space
Hindi na muna namin sya ibubukod kasi balak ko ibf sya. 39weeks and 5days excited so much hahahaha ??
fresh milk and biscuit ?
Mga mamsh ok lang poba to puro ganto na lang kinakain ko as in kahit butil ng kanin hindi na talaga no sweet and salty food and anything drink only milk lang and matabang na biscuit 39 weeks na kasi me wala pa rin any sign of labor worry nako sa laki ng tyan ko baka ma cs ako kasi sobrang diet kailangan
primrose oil
Mga sis kahapon kasi follow up checkup ko normal lang po ba na 5 na evening primrose sinalpak sa pwerta ko ?