Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mum of 1 sunny boy
Labor napo ba to?
Hi mommies! 40 weeks and 4 days napo ako. Wala pakong bloody show or brown discharge pero marami napo akong discharge. Right now panay hilab na ng tyan ko at kada hilab masakit na sobra yung puson ko. Possible po ba na labor contractions na to? Salamat!
Hi mommies, need help
Hi mommies, ask ko lang if need ba ng prescription ng OB bago bumili ng evening primrose oil? Due date ko napo nung March 6 pa pero hanggang ngayon wala parin si baby, puro paramdam lang although naka pwesto na daw si baby. I was given another 1 week or else induced or cs napo ako. Gustong gusto ko napo manganak at mairaos to kasi masakit na lalo pag nakahiga ako or tatagilid sa kama. Naka ilang beses napo akong patagtag (nag patatag napo ako sa pagmomotor, sayaw at lakad)
Mucus plug napo ba to?
Mucus plug napo ba to? Today is my due date (March 6) mababa na at nakapwesto nadin si baby panay sakit narin po ng tyan ko at hilab pero hindi pa dirediretso. Parang kinukurot narin at sumisiksik sa cervix ko si baby. Not sure kung mucus plug po ito, para syang sipon. Yung sa una ko kasi na baby, bloody show ang lumabas bago ako nag labor.
breastfeeding w/ german measles (tigdas hangin)
Sino dito na nagpapadede parin kahit may tigdas hangin? Nahawaan po ba baby nyo? O need ko muna i stop magpadede? Salamat
TIGDAS HANGIN WHILE PREGNANT
Sino po dito ang nagkaroon ng tigdas hangin ang anak habang buntis pa sa isa pang anak? Nahawaan po ba kayo? May naging complications po ba c baby? I'm almost 40 weeks na at nagka tigdas hangin ang panganay ko (1 year old), late na nung nalaman naming tigdas hangin kaya exposed nako. Worry lang ako na incase mahawaan ako, baka magkaroon ng complication si bunso ko. Salamat!
Evening primrose oil
Effective po ba ang evening primrose oil and what way po sya effective sa inyo thru oral or yumg ilalagay sa vagina? Incoming 39 weeks napo ako at gustong gusto ko na manganak pero paramg ayaw pa ni baby. Need din po ba ng reseta ng OB? Sa next check up ko palang tatanong sa OB ko about sa eveing primrose oil.
Tingling feeling in cervix
Almost 38 weeks na po ako. May time na parang tinutusok yung cervix ko, ano kaya meaning nun? Salamat
Labor
Ano pong pain reliever meds ang ininom nyo nung naglalabor po kayo? Just curious.
Severe toothache
Hi mommies, I'm almost 37 weeks na and I've been experiencing a severe toothache yung tipong kalahating muka mo apektado na, pati ulo ko nananakit na. My OB only prescribed paracetamol, sabi nya okay lang ako magpacheck sa dentist o magpapasta. I opt not to muna since I know na hindi na pasta ang need ng ngipin ko, baka bunutin na o i root canal. I'm afraid na baka kasi mag radiate yung sakit at mapaanak ako ng de oras, sa Batangas pa naman dentist ko while my hospital and OB ay sa Manila pa. Any advice or remed that you tried and works for you to soothe the pain? Or any meds na binigay sa inyo ni OB (don't worry i'll still consult my OB about it)? Or meron po sa inyong nakapagpabunot while pregnant and okay naman? Sobrang sakit na talaga. :'(