Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mama of 1 fun loving prince
Heaven sent an Angel - Dos Euan Valdez
Hi Momshies, Nakaraos na po kami ng baby ko. ♥️ Thank God he came out healthy and kicking. Malakas naman sya for 32week old baby. Pero dahil kulang pa ng ilang weeks para mafull term, He really needs to undergo incubator recovering period. But hopefully and in God's will, hindi na tumagal ng isang buwan at makafully recover na sya. 🙏 Thankyou for all your prayers mga Mommies! 😘 Stay safe and healthy para sa mga babies nyo sa tummy! Godbless us all. 🙏✨
Preterm Labor
Hi mga Momshies, Share ko lang yung current situation ko right now. I've posted few days ago regarding preterm labor and hindi ko aakalain na aabot sa puntong maaadmit ako kasi nagprogress yung contractions ang blood discharge ko. Yesterday, mga bandang 12midnight, medyo nagtataka ako kasi parang may tumutulo sakin. Akala ko naihi lang ako. When I checked, malagkit sya then I smelled it. So, confirmed dugo yun. Sobrang dami. I was wearing that time panty liner. And soaked na soaked sa blood ung liner at may buo buo pa. So ginising ko husband ko then kinontak namin OB ko. Around 6am nagreply OB ko na dalhin na ko sa ER para ma-IE ako. So immediately, nagpunta kami ng hospital. To my surprise, 2-3cm na ako. OMG. My baby just turned 32weeks pa lang and sobrang kulang pa talaga. 🥺 Walang ibang choice kundi ipaadmit ako. Nilagay ako sa labor room for monitoring ng contractions and heartbeat ni Baby. Inultrasound din ako few hours after ako makapagpahinga sa labor room. Pelvic ultrasound ang inuna. Active naman si Baby. Sobrang likot. Okay ang amniotic fluid. Okay ang heartbeat. Nasa 1.9kilos pa lang sya. Pasok naman for 32weeks. But I am sooo worried if talagang maggigive birth ako sakanya ng ganito kaaga, sobrang liit nya pa at hindi pa talaga fully developed ang lungs. 🥺 To check kung gaano kanipis na ang cervix, tinransvaginal ultrasound ako. The saddest part is, 80% effaced na ang cervix ko. 😞 20% na lang, as in wala na makikita. Dun ako sobrang nababother. 2-3cm 80% effaced. Anytime this week if nagprogress yung cm ko, mailalabas ko na si Baby. Pero ayoko pa. 🥺 Hindi pa sya handa. Hindi pa pwede. 🥺 To all Momshies reading this na preggy din, please take good care of yourself. As much as possible wag kayo magpapakastress and all. Sobrang hirap ng pinagdaraanan ko ngayon. Oo, gusto ko na sya makita. Mayakap. Makapiling. But not this early. 🥺 Kung kakayanin mapagstay sya sa tummy ko for more weeks pa, please Lord, magstay po muna sya. 🥺 He really needs to develop his lungs muna. Please pray for the safety of my Baby. 🙏🙏
I am 31 weeks and 4 days today and I've been experiencing preterm labor since last Saturday up to now. Saturday morning, pagkagising ko meron ng blood stain sa panty ko. Tapos pagkaihi ko, may sumama sa bowl. May pumatak din sa panty. So I messaged my husband saying na may dugo ngang lumabas. Immediately, umuwi sya sa bahay kahit kakapasok nya lang sa work. Then, pinainom nya ako nung nireseta sakin ng OB ko na pamparelax ng uterus (actually matagal na nireseta sakin un ng OB ko pero since wala naman ako nararamdaman na anything unusual, hindi ko inintake). Then after few minutes, ayan na. Nakakaramdam na ko mg contractions. Chineck ko ung panty liner ko kung may blood stain, ayun meron parin. So kinontak na namin ung OB ko. Then niresetahan nya ako ng gamot na iniinsert mismo sa vagina. 2x a day for 2 weeks. Hindi ko alam kung bakit up to now nagccontract parin ako. Sobrang sakit parin. Every 15mins bumabalik ung sakit. Ung tagal nya almost 20-30 secs tapos mawawala. Pero ung intensity, sobrang lakas. Napapaluha ako sa sakit. 😞 I'm praying na hindi magtuloy tuloy 'to at hindi ko mailabas si Baby. Nakaschedule ako ng CS operation on Oct20 pa. Ang tagal pa kaya wag muna sana lumabas. 💔🥺
Help! Ano po solution for ngalay sa kamay? 🥺
Hi Momsh, I'm 30wks and 5days preggy. Sino po may same case sakin na nakakaexperience ng matinding ngalay sa kamay. Both hands po. Di ko matiis lalo pag may hawak ako. Ang saki sakit nya. Yung legs ko nagccramps din esp sa gabi kaya ineelevate ko. Pero yung sa kamay kasi, hirap tiisin. Lalo ang daming chores sa umaga. 🥺
Baby Boy's name
Hi Momshies! Any idea kung ano pwede idugtong sa name na DOS sa baby boy? :)
Toothache
Hi Mommies, Naeexperience nyo rin ba yung sobrang pagsakit ng ngipin? Pero dahil harmful kay baby ang paginom ng any pain killers, tiis tiis lang talaga. ☹️ Anong home remedies ang ginagawa nyo para kahit papaano ma-ease yung pain? Thank you!
Folic Acid
Hi Mommies, How long have you taken folic acid? I googled it kasi and nakalagay dun na until 12weeks lang dapat i-take. My OB recommended that I should take folic together with mamawiz and calvit continuously until 9months.
Pregnancy Acne
Hi Mommies, I wanna ask if ano ginamit nyong skin care products during pregnancy period? I have lots of breakouts kasi due to pregnancy. Medyo nakakabother and nakakawala ng self confidence. :(