Preterm Labor

Hi mga Momshies, Share ko lang yung current situation ko right now. I've posted few days ago regarding preterm labor and hindi ko aakalain na aabot sa puntong maaadmit ako kasi nagprogress yung contractions ang blood discharge ko. Yesterday, mga bandang 12midnight, medyo nagtataka ako kasi parang may tumutulo sakin. Akala ko naihi lang ako. When I checked, malagkit sya then I smelled it. So, confirmed dugo yun. Sobrang dami. I was wearing that time panty liner. And soaked na soaked sa blood ung liner at may buo buo pa. So ginising ko husband ko then kinontak namin OB ko. Around 6am nagreply OB ko na dalhin na ko sa ER para ma-IE ako. So immediately, nagpunta kami ng hospital. To my surprise, 2-3cm na ako. OMG. My baby just turned 32weeks pa lang and sobrang kulang pa talaga. 🥺 Walang ibang choice kundi ipaadmit ako. Nilagay ako sa labor room for monitoring ng contractions and heartbeat ni Baby. Inultrasound din ako few hours after ako makapagpahinga sa labor room. Pelvic ultrasound ang inuna. Active naman si Baby. Sobrang likot. Okay ang amniotic fluid. Okay ang heartbeat. Nasa 1.9kilos pa lang sya. Pasok naman for 32weeks. But I am sooo worried if talagang maggigive birth ako sakanya ng ganito kaaga, sobrang liit nya pa at hindi pa talaga fully developed ang lungs. 🥺 To check kung gaano kanipis na ang cervix, tinransvaginal ultrasound ako. The saddest part is, 80% effaced na ang cervix ko. 😞 20% na lang, as in wala na makikita. Dun ako sobrang nababother. 2-3cm 80% effaced. Anytime this week if nagprogress yung cm ko, mailalabas ko na si Baby. Pero ayoko pa. 🥺 Hindi pa sya handa. Hindi pa pwede. 🥺 To all Momshies reading this na preggy din, please take good care of yourself. As much as possible wag kayo magpapakastress and all. Sobrang hirap ng pinagdaraanan ko ngayon. Oo, gusto ko na sya makita. Mayakap. Makapiling. But not this early. 🥺 Kung kakayanin mapagstay sya sa tummy ko for more weeks pa, please Lord, magstay po muna sya. 🥺 He really needs to develop his lungs muna. Please pray for the safety of my Baby. 🙏🙏

Preterm Labor
134 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Pray lang po. Mommy, nag preterm labor din po ako kasi may tubig na biglang lumabas sakin, turning 31 weeks palang si baby that time, wala naman akong masakit na naramdaman kahit contractions or blood wala. Din parang normal. Lang buti maagap si mister dinala agad ako sa hospital, naka open na pala cervix ko nasa 1 cm sya, tapos maraming ininject sa akin pati yung para sa baby para magmature daw agad lungs nya, akala. Ko talaga manganganak na ako, nanalangin talaga ako kasi sbi nila sobrang laki ng gastos kapag premee ang baby, Luckily 2 days lang akong naconfine then advice sakin bedrest muna ako hanggang 37 weeks, as in bedrest talaga, sa ngayon po 38 weeks na po si baby schedule ako ng CS sa Sept 12 kasi dual nuchal cord coil si baby, masaya ako. Kasi full. Term sya lalabas hehe Pray lang tayo mga mommy, malalagpasan naten lahat to.

Đọc thêm
4y trước

Buti kapa malapit na.preterm labor din ako 26weks palang next pa ako ingect doc ung para sa lungs daw.c lord n bhala saw atin. ..

Thành viên VIP

Praying for you and your baby's safety, mommy. I know how difficult your current situation is. I hope maagapan pa talaga. We almost had the same situation with my second baby though ung start ng close interval contractions ko at home was a bit lighter than yours..I did not have any bloody discharge. Pero pagdating hospital my cervix was already 6cm dilated. My OB gave steroids hoping to speed up the development ng lungs ni baby sa tummy ko. I was only on my 33rd week of pregnancy back then. Hindi na npigilan un and I gave birth after trying to hold it off ng 12 hours. Na NICU si baby ng 3 weeks after that due to low birth weight and other complications pa.

Đọc thêm

be strong mommy! sa sitwasyon naten ngayon hindi maiiwasan ang stress just hold on to God and pray. i know makakayanan mo yan andyan naman si hubby and family mo to support you. matapang tayo mga mommy kaya kayang kaya mo yan. when i was reading this sabe ni hubby wag na daw ako magbababsa ng mga ganito kase magccost pa ng stress saken naka mahirapan daw ako. ang saken naman awareness to para alam ko ano dapat gawin at hindi dapat gawin for the big day. kaya mommy relax ka lang be strong for baby 💖

Đọc thêm

hi mommy. be strong po. ako rin nagpreterm labor nung 32weeks ako kasi sinumpong ung gallstones ko and need na operation asap. tinurukan si bb ng steroids para sa lungs nya kasi malambot na raw ang cervix ko and anytime pde na mag open at manganak ako. ayun habang inoopera ako (gallbladder removal) @32weeks, nakabantay na rin OB, at pedia ni bb. pero awa ng Diyos, di naman ako nanganak. un nga lang, 36weeks lumabas na si bb. kaya mo po yan. pray lang..

Đọc thêm

hold on baby.. mommy and daddy will fight for you.. sis.. sana may gamot c OB na ibinigay sayo when the time na nagcocontract ka.. dami kasing factors bakit may contractions tayo.. pero usually tayo ang may prob Hindi c baby.. nag worry din ako when I had pre term contractions. timing kc when I had UTZ at 30 weeks ha. kaya may gamot agad c Sono at magkakilala cla n OB.. kaya naagapan. bed rest at wag mag Pa stress moms. kakapit c baby. Amen.

Đọc thêm

Mummy medyo same tayo ng situation pero yung akin naagapan ng OB ko. I had contractions nung 1stweek ng September. Tumitigas yung tummy ko good thing no discharges at all. Naworried din ako that time. So he advise na bedrest and take medication for 2 weeks. I was diagnosed with mild UTI. Then he advice na magpaturok ako for baby's lungs. Ayun. Awa ng Dyos. Okay na ko. Waiting nalang ng sched ko next month for delivery operation. Cs mum here.

Đọc thêm
Thành viên VIP

I've experienced preterm labor also. Nag early conraction din ako when baby was 32weeks pa lang. Immediately ER agad and sa Labor room for contraction monitoring. Thank God hindi oa open ang cervix ko and nakuha sa gamot ang contractions. Kaya after nun, nag stop na talaga ako magwork. Mas importante sakin si baby. Full bedrest ulit until mag full term na. Dun na lang ako nagkikilos ulit. Praying for you and your baby momsh 🙏🙏

Đọc thêm

momsh na admit din ako when I was 33weeks Pa Lang to think nagkaron din ako ng blood discharged, and by our God's help, napigilan ang paglabas nya. tinurukan ako sa swero ng pampakapit, with 2 vaccine for my baby's lungs. and God is good, now I'm on my 36weeks and 2days ilang araw nalang pde na siya lumabas at matured na din lungs nya. thanks to my OB and to God. pray Lang momsh. 🙏😊😊😊

Đọc thêm

Same tayo ng worry mommy. 33weeks na si baby ko now but nagpreterm labor din ako at 29weeks. Bedrest ako now and araw araw praying and hoping na umabot kami maski 37 weeks para malabas ko ng maayos si baby kasi ayoko din maincubator sya. As much as possible iniiwasan ko magisip at magworry kahit mahirap kasi di mo alam anytime pwede na lumabas si baby. Pray lang tau mamsh. Di tayo papabayaan ni God.

Đọc thêm

Nako ganyan din ako mag bleed pa. Sobrang nakakakaba kasi alam kong hindi pa handa lumabas si baby. Mabuti nah stop yung bleeding. Syempre yung partner ko walang pake. Gusto pa mag do. Nag do pa kamk nung 31 weeks tyan ko after nun nagla contractions ako na parang nag le-labor. Sarap ng tulog nya ako sakit na sakit. Nakakahiya naman gisingin ano kasi baka sabihin nakakaistorbo ako sa tulog nya. Lol

Đọc thêm