Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Momsy of 1 Bouncy Magician
Updated App
Naaliw ako sa updated app, daming features na. You can even reply GIFs sa comment section 😍Good job, TAP! 💖
Recommended Sellers sa Shopee/Lazada
Hello mommies, tanong ko lang po ano/sino recommended sellers nyo sa shopee or lazada for baby items especially sa toys (educational or kahit hindi)? Salamat po sa sasagot 💖
SHOUTOUT TO ALL SINGLE MOM!
So proud of you 💖
Mga Dapat Kainin Pagkatapos Manganak ni Mommy
(Advice by the Hospital Under 5 Dietician) 1. Water A lot of water, habang nagbibreastfeed ang mommy, madali tayong madehydrate. Ito ay para mapalitan ang tubig sa ating katawan. Ang unang nadedede ni baby tuwing breastfeeding ay tubig, at habang tumatagal ay nakukuha na nito ang minerals at bitamina. 2. Pagkaing Mataas sa Iron Ang iron ay kinakailangan ni mommy habang nagbubuntis, dahil sa kanya manggagaling ang dugo na kinakailangan ni baby sa paglaki at pagkabuo nito. Ito ay kinakailangan pagkatapos manganak upang mapalitan ang dugong nawala sa katawan ni mommy. Ito rin ay nakakatulong upang hindi mamutla at mahilo si mommy dahil sa puyat at pagod sa pag aalaga kay baby. Sa hospital kung saan ako nanganak, may libreng bitamina para sa dugo(Ferrous Sulfate+Folic Acid) ang binibigay kada buwan para sa mga ina. *Mga Pagkaing Mataas sa Iron _Spinach,Liver,Tofu,Red Meat,Egg yolk,buto ng Kalabasa,Lentils, Broccoli, Black Beans, Kidney Beans, Potato, Chicken Breast at Salmon ( mag ingat lang kung merong allergy) 3. Mataas sa Calcium Ang calcium ay higit na kinakailangan tuwing nagbubuntis at pagkatapos manganak. Hindi mabubuo si baby kung hindi sapat ang calcium na nakukuha nito mula sa ina. Ang pag inom pagkatapos manganak ay upang mapalitan ang calcium na nakuha ni baby. Ito ay magdudulot ng pagrupok ng mga buto ni mommy. *Mataas sa Calcium _Milk-may mga gatas sa naangkop sa nagpapadedeng ina tulad ng "Prenagen Lactamom". _ Almonds & Sardines- mag ingat kung merong allergy _Broccoli, Watercress, Okra, Green Cabbage, Green Turnips, Collards 4. Fruits and Vegetables Especially Green leafy vegetables. Upang healthy si mommy, healthy din si baby. Reminder Mommies: "Ang kalusugan at paglaki ni baby ay bunga ng ating kinakain at pag aalaga."
GRAPES FOR LO
Mommies, ask ko lang if okay na ba pakainin ng ubas si LO ko na 8mos na? (Alam ko papaano pakainin, yung tanong ko lang po if pwede na ba sa edad nya) Salamat sa sasagot po :)
Vitamins for BF Babies
Aside from Nutrilin ano po magandang vitamins for infant? 8mos na po sya
Breastfeeding Mommies or planning to breastfeed their babies.
Save this, it might help you po.