Preterm Labor
I am 31 weeks and 4 days today and I've been experiencing preterm labor since last Saturday up to now. Saturday morning, pagkagising ko meron ng blood stain sa panty ko. Tapos pagkaihi ko, may sumama sa bowl. May pumatak din sa panty. So I messaged my husband saying na may dugo ngang lumabas. Immediately, umuwi sya sa bahay kahit kakapasok nya lang sa work. Then, pinainom nya ako nung nireseta sakin ng OB ko na pamparelax ng uterus (actually matagal na nireseta sakin un ng OB ko pero since wala naman ako nararamdaman na anything unusual, hindi ko inintake). Then after few minutes, ayan na. Nakakaramdam na ko mg contractions. Chineck ko ung panty liner ko kung may blood stain, ayun meron parin. So kinontak na namin ung OB ko. Then niresetahan nya ako ng gamot na iniinsert mismo sa vagina. 2x a day for 2 weeks. Hindi ko alam kung bakit up to now nagccontract parin ako. Sobrang sakit parin. Every 15mins bumabalik ung sakit. Ung tagal nya almost 20-30 secs tapos mawawala. Pero ung intensity, sobrang lakas. Napapaluha ako sa sakit. 😞 I'm praying na hindi magtuloy tuloy 'to at hindi ko mailabas si Baby. Nakaschedule ako ng CS operation on Oct20 pa. Ang tagal pa kaya wag muna sana lumabas. 💔🥺
Mama of 1 fun loving prince