Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
1st time mommy
Sinok and rashes
mga mommy ask ko lang anong ginagawa nyo pag sumisinok si baby madalas yung pag sinok nya eh normal po ba yun at ano pwedeng gawin para ma-stop? Isa pa po may mga tumtubo sa kanya all over her body parang butlig, di ko madescribe ng maayos pero sa una sya tumubo nawala din tas umabot na sa face nya? ano pong pwedeng gawin? 2 weeeks old pa lang po ang baby ko. thank you po sa response.
Sign of Labor
July 29, 2020 around 2:30 am ng madaling araw nakakaramdam ako ng pananakit sa puson ung feeling na pag meron tayo masaket sya tas konektado pa sa likod ko. Tolerable naman yung saket, kayang kaya. Nung una kala ko di na babalik yung saket tas bumalik na naman, nag try ako i-track ung time interval nya 10-15 mins medyo matagal sya bago ulit sumakit tas ganun lang yung feeling ko hanggang ngayon at gabe na, 8:41 pm same padin ang nararamdaman ko medyo masakit na sya parang may bulate pa nga sa ilalim ko parang kinakalikot yung feeling sa ibaba. And nung na-IE ako nung July 24 1cm na daw po ako sabi ng OB, posible kaya na nag-contract na ko? Ito na ba yung sign of labor grabe na po kaseng namamanas yung paa ko as in hita at bandang binti ko manas na po. I'm on my 41 weeks of pregnancy po kaya need your help mommy, ito na ba ang start na naglalabor na ko? Kinakabahan po ako ung lying in po kase di pa nagrereply sakin di ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko walang nag guide sakin. Help po! Please Reply thank you!
Over due
Help naman po, I'm on my 41 weeks of pregnancy and 1 cm po nung chineck ng OB neto lang July 24. Nakakaramdam po ako ng paninigas ng tyan and sobrang namamanas na yung paa ko. Is it safe parin po ba ng gantong week? Hindi ko po alam ano na next kong gagawin? Dapat bang antayin ko na lang sumakit ung tyan ko/contractions tsaka ako pumunta ng lying in or punta na kong hospital para mag pa-induced na? Hindi ko po alam na gagawin, 1st time mommy po. Need your advice mga mommies, please reply. Thank you po.
AUA Vs. LMP
Mga mommies, ask ko lang ano po bang nasusunod sa dalawa AUA or LMP kasi po magkaiba ung naging result ng ultrasound ko. Please reply.
BPS
Mga mommy, ask ko lang if may alam kayong nag rush result ng BPS near at Cabuyao Laguna lang and how much po? Salamat. Need help, please comment down below.
Team July
Good afternoon po, until now wala parin signs of labor nakakakaba kasi bukas na po ung due date. 3 days na po akong umiinom ng EPO pero wala parin nangyayari, naglalakad and squat na po wala parin akong nararamdamang saket. Nakakalungkot at nakakakaba. Ano po ba pwede pang gawin? Gusto ko nang makita ang baby ko ayoko po sana lumagpas pa sa due date ko, baka delikado pa kay baby yun. Lagi ko naman syang kinakausap, help naman po mga mommy. 1st time mom here! Thank you po.
EPO
Mga mommies, ask ko lang po. Pano po ba i-take ang evening primrose sa pwerta? Di ko lang po alam kung paano sya nilalagay? Yung iba kasi mas mabilis daw kung i-take direct thru vagina kesa oral? Im on my 38 weeks and 1 day here. Salamat po.
Lalamove
Mga mumsh, sino po sa inyo nagtry mag-send ng forms through lalamove? Yung bf ko po kasi nasa makati now, sya ang magpapasa ng maternity leave ko sa trabaho ko, since nasa laguna ako ipapa-lalamove ko sya. Ask ko lang kung pwede ung bayad sa lalamove, doon na sa drop off location? wala kasi akong pera bali ung bf ko na lang ang magbabayad. Pwede po ba yun? Salamat sa sasagot :)
Philhealth Requirements
Good day, mumsh! need help po. Pano po ba makukuha yung CSF-2 and Certification of Contribution? Sa makati pa po kasi ako nag-work, nasa laguna ako now. Hindi naman makapunta dun gawa ng walang public transpo. May iba pa bang way, di ko na po alam gagawin? Ang dami pang kailangan asikasuhin. Please, pa-help naman po. Maraming salamat sa sasagot.
OB History Form
Good afternoon po, ask ko lang po kung may idea kayo about Ob history form? ma-fill out po ba ng Ob/midwife ito after manganak? kailangan po kasi ito sa requirements pag pasa ng maternity leave. Please help po, salamat po.