Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
mommy ni ady
Pacifier
Hi mga mommies! sino po dito yung mga napag-pacifier mga babies na 3months and up. Kamusta po mga babies nyo? Tunay po bang nakakadelay ng speech at nakakadeform ng gums or teeth? Hindi ko po kasi mapigilan si lo na papakin yung kamay nya kaya pinagpa-pacifier ko ngayon 😅. Any advice please. Thank you!!
Insect Bites
Hi mga mommies! ilang months po si lo nyo nung ini-start nyo syang lotion-an ng pang anti insect bites? Si lo ko turning 3 months old pa lang, pwede na kay syang pahiran ng mga lotion or ointment for insenct bites? Any recommendations yung unscented sana kasi allergic si lo sa matatapang na amoy eh. Thank you in advance!!
Water for 6 months below
Mga mommies may masama bang epekto sa mga 6 months below ang water? Nalilito na kasi ako iba iba ang mga pedia napupuntahan ko, merong pinagbabawal muna ang water, meron namang more water daw for babies wag daw maniwala dun sa bawal pa ang tubig
BCG VACCINE💉
Hi mommies! 1 month and 12 days na si lo ko at nitong mga nakaraang araw napansin kong parang namamaga at may nana(?) yung pinagturukan na part sa kanya. Is it normal? (see picture below) Thank you in advance and Godbless!
Confuse !!!
Hi mga mommies 1 month old na si lo, Pure breastfeed as of today, madalas hirap akong ipaburp sya and nagsearch ako its NORMAL naman daw na bihira/hirap magburp si lo dahil nga breastfeed pero nito lang may napansin ako ang lakas ng halak nya at napag alaman ko cause pala yun ng overfeeding at ang makakatulong lang is proper burping every feeding pero HOW? since ang hirap nga ipaburp ni LO. Halak pa lang napansin ko kay lo, NO ubo at sipon kaya dito muna ako nagtanong before magpacheck up, hirap din kasing labas ng labas kasama si lo. Hope you can help me mga mommies! Thank you in advance!!
Burp
Mga mommies okay lang po ba na kahit hindi makaburp si lo basta maka utot naman sya?
Muta sa mata
Hi mga mommies sino po same case ko dito, ano po kaya magandang gawin sa muta ni lo ko? Pagkapanganak ko sa kanya meron na yun at 18 days old na sya today, niresetahan sya ng pedia eye ointment for 7 days pero hindi pa totally nawawala muta nya pwede ko pa rin kaya ituloy yung ointment kahit tapos na yung 7 days na sinabi ng pedia? Thank you po sa makakapag advice!
Brown Discharge after manganak
Pahelp mga mommies! Almost 2 weeks na since nanganak po ako, normal po kaya tong brown discharge after ng dugo at medyo may amoy sya? Continuous pa rin paggamit ko ng betadine feminine wash, mahapdi pa rin yung tahi ko. Makakatulong kaya yung paglanggas ko sa paggaling nung tahi? hirap kasi umihi minsan. Thank you po sa makakasagot! God bless you 😊
Newborn Screening
Hi mga mamsh sino pong same case ko dito na walang NBS sa pinag anakang Public Hospital ? Sa labas pa kasi ako nagpa NBS pwede ko kayang ma-reinburse sa philhealth yun? Salamat po sa makakasagot!
Pahelp!!
Still No discharge, pero panay panay na po sakit ng puson ko within 5 to 10 mins tolerable pa. Kahapon 3cm na ako Ano po pwede ko gawin??