Hello mga mhie, need ko ang advise niyo. Partner ko kasi ayaw na ayaw iiagamit yung sasakyan namin sa magulang ko. As in inis na inis siya. So eto ngayon, magulang ko nag paplanong umuwi ng probinsya gamit yung sasakyan namin, syempre ako di ako papayag nang hindi kami kasama kaso ang mangyayare ngayon is hindi sasama yung partner ko so magiging ending nito ay magagalit siya sakin at hindi siya papayag. Cavite kase kami pero uuwi kami ng leyte for 1 week lang naman. Masyadong malayo gusto ko sana kasama siya pero alam kong aayaw siya. Di ko pa sinasabi sakanya na pumayag na ako sa magulang ko na sasama Kami ng anak ko. Ako nag babayad ng sasakyan simula una hanggang ngayon, alam ko naman na saamin to pero galit na galit kase talaga siya sa magulang ko kaya ngayon di ko alam paano ko sasabihin sakanya na uuwi ng probinsya. Iniisip ko tuloy baka wala na akong uwian na partner pag balik namin from province. Pero sa totoo lang gustong gusto ko din talaga umuwi, siya lang ang may ayaw dahil ayaw niya kasama magulang ko sa sasakyan. Nag dadamot na siya sakanila feel niya kase inaabuso na ng magulang ko lahat lahat eh.iisang anak lang din nga pala ako na babae kaya wala din naman ibang matatakbuhan or mahihiraman yung magulang ko ng saskyan or ng tulong. Need your advise mga mhieee This friday na kami uuwiiiii :((( #1sttimemom #JustMoms #advise
Đọc thêmHi mga mommies, linggo linggo na kami nag aaway ng partner ko sobrang hirap na hirap na ako. Di ko sure kung ako ba di makaintindi sakanya or di niya ako maintindihan. Working po ako 2 jobs day and night. Almost 15hrs ako nag work. Day job ko is office and night job ko is sa bahay naman. Si partner is walang work so need ko talaga mag double kayod para sa mga bills namin. Siya nag aalaga sa 3 year old baby boy namin. Ang problema ko is alam niyo yung feeling na hindi masaya partner mong makita ka after work? Ako super daldal ko pag sinusundo niya ako dami ko kwento tapos siya wala sa mood so ending naiinis ako at nag aaway kami. Dahilan niya pagod daw siya kakadrive and kakaalaga sa baby namin, ang sakin naman pareho kaming pagod pero sa akin masayang masaya ako pag makita ko sila nawawala yung pagod ko. Alam niyo yun pag wala siya sa mood, wala talaga siya sa mood di niya kaya mag adjust para man lang mapagaan loob ko ganon pero ako kahit wala ako sa mood gusto kong maipakita sakanila na masaya ako ganon. Gets niyo ba? Ang sakin lang kahit konti adjust lang dahil pareho naman kami pagod. Di ko iniinvalidate yung feeeling niya pero sinasabi niya lagi na “bawal ba ako mawala sa mood dahil wala akong trabaho tapos ikaw meron?” Ganon naiinis ako, wala naman akong sinasabi sakanyang ganon pero ganon bukang bibig niya naiinis na ako sobrang nakakapagod. Di na ako naging masaya, ginagawa ko lang naman lahat ng to para saamin eh nag sasacrifice ako. Masakit sakin na di ko makasama anak ko ng matagal pero feeling niya masaya pa ako na makawala sa anak namin. Ang bigat bigat na sa pakiramdama. Di to na lang ako sa app na to nakakapag labas ng sama ng loob sa totoo lang. Hindi ko din naman kayang hiwalayan sobrang mahal na mahal ko pero parang hindi na ako importante parang wala na lang ako kase hindi niya naiisip nararamdaman ko parang ang importante sakanya is yung nararamdman niga lang hay. Sobrang nakakaiyak. Sobrang pagod na ako ilang buwan na kaming ganito paulit ulit na lang :((((((#advicepls #respect #bantusharing
Đọc thêmHello momshies, si LO ko po is sinisinat na morethan 3 days, nung una po nilalagnat siya tapos after 2 days gumalis naman tapos ngayon sinisinat pa din pabalik balik, malambot din and poop niya, masigla naman siya. Nag ngingipin din po kase siya yung canines niya lumalabas up and down. Ano po pwede gawin? #firstmom #firsttimemom #advicepls
Đọc thêmHello mommies! This is super sensitive but I really need to ask, can abortion cause bleeding for a month? Because this one person who I really care about has been experiencing bleeding for almost a month and she’s not telling me why. She doesn’t really want to talk about it but I’m really concerned and scared. I don’t know if she is pregnant or not. I have a feeling that she had an abortion , but obviously she will not tell me. Please help me, and can you also please tell me what are other causes of bleeding for that long. I also want to confirm if she’s doing something I don’t know.#pleasehelp #bantusharing
Đọc thêmHow to teach breastfed baby to take a bottle
Hello mommies! Nahihirapan po ako na padedehin si lo sa bottle. 1 year old na siya and direct latch siya sakin. Gusto ko na po kase siya i bottle feed pero wala din naman ako katulong para ma train siya mag take ng bottle, so ako lang talaga ang pwede mag train sakanya. Any suggestions po will be much appreciated. #pleasehelp #1sttimemum #advicepls #TeamBakuNanay
Đọc thêm