Away mag asawa
Hi mga mommies, linggo linggo na kami nag aaway ng partner ko sobrang hirap na hirap na ako. Di ko sure kung ako ba di makaintindi sakanya or di niya ako maintindihan. Working po ako 2 jobs day and night. Almost 15hrs ako nag work. Day job ko is office and night job ko is sa bahay naman. Si partner is walang work so need ko talaga mag double kayod para sa mga bills namin. Siya nag aalaga sa 3 year old baby boy namin. Ang problema ko is alam niyo yung feeling na hindi masaya partner mong makita ka after work? Ako super daldal ko pag sinusundo niya ako dami ko kwento tapos siya wala sa mood so ending naiinis ako at nag aaway kami. Dahilan niya pagod daw siya kakadrive and kakaalaga sa baby namin, ang sakin naman pareho kaming pagod pero sa akin masayang masaya ako pag makita ko sila nawawala yung pagod ko. Alam niyo yun pag wala siya sa mood, wala talaga siya sa mood di niya kaya mag adjust para man lang mapagaan loob ko ganon pero ako kahit wala ako sa mood gusto kong maipakita sakanila na masaya ako ganon. Gets niyo ba? Ang sakin lang kahit konti adjust lang dahil pareho naman kami pagod. Di ko iniinvalidate yung feeeling niya pero sinasabi niya lagi na “bawal ba ako mawala sa mood dahil wala akong trabaho tapos ikaw meron?” Ganon naiinis ako, wala naman akong sinasabi sakanyang ganon pero ganon bukang bibig niya naiinis na ako sobrang nakakapagod. Di na ako naging masaya, ginagawa ko lang naman lahat ng to para saamin eh nag sasacrifice ako. Masakit sakin na di ko makasama anak ko ng matagal pero feeling niya masaya pa ako na makawala sa anak namin. Ang bigat bigat na sa pakiramdama. Di to na lang ako sa app na to nakakapag labas ng sama ng loob sa totoo lang. Hindi ko din naman kayang hiwalayan sobrang mahal na mahal ko pero parang hindi na ako importante parang wala na lang ako kase hindi niya naiisip nararamdaman ko parang ang importante sakanya is yung nararamdman niga lang hay. Sobrang nakakaiyak. Sobrang pagod na ako ilang buwan na kaming ganito paulit ulit na lang :((((((#advicepls #respect #bantusharing