Pa advice...

Hello po mga sis. Gusto ko lang e share story ko. First time mom po ako, 15weeks pregnant po ako. Ngayon po dito ako sa bf ko nakatira, since nalaman po namin na buntis ako, hindi ko pa po nasasabi sa parents ko. Natatakot po kasi ako, balak po sana namin, ngayong pag graduate ko, college na po pala ako, kaso dahil sa pendimic baka august pa po graduation namin at bibigay nalang deploma. Na sstress po ako kasi ako po yong panganay, at may dalawa pa po akong kapatid sa elem. 3years na kami ng bf ko, at di naman niya ako pinapabayaan, at nag trabaho po sya ngayon. Alam na rin naman ng mama niya, at sinusuportahan kami kahit papaanu. Worried lang po ako pag nalaman ng mga magulang ko na buntis ako. This week po uuwi ako saamin, kasi mag bibirthday ako, medyo may umbok na po tiyan ko. Hindi ko po alam kong mapapansin na nila ito pag uwi ko or hindi pa. natatakot po ako. Pa advice naman po :( salamat...

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Sabihin mo na agad asap. Kasi darating ang araw na manganganak ka. Mas masakit sakanila na tinago mo buong pagbubuntis mo. Kung di mo masabi ng personal, idaan mo sa text or chat. Natural na magagalit sila. Mas maganda sabihin mo before ka uuwi sa inyo. Ako kasi nagtatrabaho na ako. 25 years old. Nung sinabi kong buntis ako, nagalit pa rin sila kahit suportado ko na sarili ko at hindi na ako humihingi sakanila. Normal reaction lang po ng parents lalo na nasa Pinas tayo. Conservative po ang mga families dito. Tanggapin mo lang kung ano sasabihin nila sayo. At kung uuwi ka, mas maganda na kasama mo si bf mo. Sabihin nyo sa parents mo kung ano ang future plans nyo.

Đọc thêm
5y trước

Salamat sis... Sana nga matapos na ng hindi ako na sstress kawawa naman baby😢

Sis, kahit naman Kasi anong tago malalaman pa din nila soon. If mapansin nila na buntis Ka, dapat handa Ka. Face the consequence. Sympre magugulat sila or magagalit, pero they will accept naman yan as long as Di Ka papabayaan ng bf mo. Keep safe sis. Stay strong!

5y trước

salamat sis. Kahit papanu nadadagdagan na din lakas ng loob ko🙂