my boyfriend's parents

Hello po! Gusto ko lang po i share to. Una po kaming umamin na buntis ako sa parents ng magulang ng boyfriend ko. Pinalayas sya sakanila. Kahapon po nalaman na ng magulang ko na buntis ako. Sobrang kalmado kami kinausap ni papa unlike sa parents ng boyfriend ko. Ang gusto ni papa na mag uusap usap sila ng magulang ng bf ko saka sila papa bukas. Ang sabi ng mama ng bf ko problema daq to ng bf ko kaya sya daw mag solusyon. Sabi naman ng papa niya na di sya kakausap sa magulang ko. Nakaka chat nya po ung kapatid nya, bale kapatid nya nag sabi nyan sakanya nabasa ko sa chat nila. Ang sabi pa ng kapatid nya narinig nya sa usapan ng mama at papa nila ako daw sinisisi kung Bakit nasira buhay ng anak nila. Susuportahan daw sa pag aaral bf ko pero saken daw hindi daw susuportahan. Ano pong gagawin nyo kung kayo yung nasa sitwasyon ko? Ako kasi naiyak ako kanina. At yung bf ko di nya susundin ung mga magulang nya.

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Alm mo b ang kasabihan n, 'qng ayaw ng babae, walang magagawa ang lalaki'? matagal ng kasabihan yan kataga n yan.. Kya ikw ang sinisisi ng side ng bf mo.. Anyways, ang dpat lng jan is mgtrabho ang bf mo pra mei png gastos xa senio, tas ikw xmpre stay ka s family mo.. Atleast s side mo kalmado cla peo hnd mo dn msisisi ang side ng bf mo bka xe iba dn ang gsto nla mngyare meaning aftr graduate eh mkpg work s mgndang compny.. Parents is parents knya knyang pananaw at pngarap s anak.. And one thng more malamang xe hnd pa kaio nkkpg tpos ng pgaaral, big disppointment for them.. Lets say iba lng n ugali ng parents mo kya kalmado lng but still nsaktan dn cla deep inside.. Hyaan mo nlng ang side ng bf mo, palamigin muna ulo nla.. In d end bka cla dn mka icp pra mgreach out senio.. Just Pray n maayos ang lahat..

Đọc thêm

Iba iba talaga ang ugali ng mga magulang. May madaling makaunawa, may hindi. Eto ate girl observation ko to ah. Sa mga pagkakataon tulad nito, na kapag nakagawa ang anak ng ikadidisappoint ng parents nila, ang katwiran eh "wala namang parents ang makakatiis sa anak. matatanggap din nila". Oo totoo yan. Pero sana hindi lang parents ang laging naga-adjust, sana yung anak din. Bago nyo sabihin yan sa mga magulang nyo, dapat tanggapin nyo kung anuman ang sasabihin nila. Nasaktan nyo sila. Syempre hindi yan ang buhay na gusto nila para sa inyo. Gusto nila kayong nasa maayos na kalagayan. Pero minsan, kelangan ng mga anak na matuto ng leksyon. Part yan ng pagdidisiplina nila. Patunayan nyo sa kanila na sa nangyari, natuto kayo at magiging maayos ang buhay nyo someday.

Đọc thêm

In shock pa ang lahat, very normal sa human behaviour. Let days pass muna para makapag sink in lahat sa parents nya. Swerte mo na kalmado tinake ng family mo, given na ikaw yung babae. In case walang pinagbago ang side ng bf mo, okay lang din kasi strong ang support system mo. You will never go through it ng mag-isa. How do I know? Yung ex ko, after ako buntisin nakitira na sa other girl niya at kinunsinti ng parents nya. I walked away at 2.7 years n ang baby ko .with the help of my parents, nakabangon ako from chronic to postpartum depression. Everything will fall into place in time.

Đọc thêm

Ganyan ang ex ko. Catholic ako tas born again sila. Anak pa siya ng pastor. Jusko wala pa kaming anak ayaw na nila sa akin. Ang tagal na ng relasyon namin walang plano ang ex ko para sa future namin. Magka batch kami. Graduate nako lahat lahat siya 2nd year pa rin. Ang tamad puro dota. Sunud sunuran sa magulang. Kapag hindi umuuwi sa bahay nila ako ang pinapagalitan. Jusko hindi ko masikmura ang mga ganyang tao napakahihirap pakisamahan ng mamas boy at pamilya na hindi ka maituturing na kapamilya kailan man.

Đọc thêm

Pinag daanan na namin yan ng asawa ko yan. Halos maiyak iyak kaming dalawa kasi sa side ko mahigpit si papa gusto nya lahat legal. Hindi kaso nag pakita parents ng asawa ko pero pinanindigan naman ako ng asawa ko hindi naman sya ang tinakasan or what unexpected din na mabubuntis ako nun. Nung una nagalit parents ng asawa ko spe. yung mother nya, pero hindi naman kame natiis 5months na bby namin nung pinilit na kameng umuwi and now dito kame sa side ng asawa ko sobrang bait naman nila. Thanks god

Đọc thêm
Thành viên VIP

Alam mo ganyan din saken, swerte ka pa rin ase kahit ganyan yunng hilaw mong inlaws hindi ka pa rin iniwan at nagpabrainwash si bf mo. At kudos sa parents mo sis, ganyan ang tamang magulang, ngayon kung ayaw nila 'wag. Magsisisi yan pag labas ng apo nila hahabol habol yan, gaya saken na nung una hindi daw anak ng anak nila to, tas ngayon habol ng habol. Nasa sayo kung aaccept mo sila or cut them away para si ka adepress at mastress.

Đọc thêm

gnyan din nangyarin samin ng bf ko .. 1year and 1month na baby ko but until now di pa din kami okay mother at ate nya , sabi pa nila pag nakita ng lola ang apo lalambot ang puso ewan ba parang pinatawanan pa nila yung baby ko ,pero kebir nalang basta alam namin na masaya kami.. nakakalungkot lang din talaga isipin pag nasa ganyang sitwasyon .sa ngayon magfucos kayo ng bf mo sa pag bubuntis mo at sa baby mo .

Đọc thêm

Stay ka sa family mo, yung bf mo dapat mag trabaho siya. Mahirap umasa sa pamilya lalu na sa oras ng panganganak mo. Yung check up meron sa health center, libre lang pati vitamins. Konti lang ggastusin niyo. Hinde mo kailangan maStress, matatanggap din nila yan. Wag ka magpapadala sa masasakit na sasabihin kase ang importante yung baby mo, at hinde panghuhusga nila

Đọc thêm

Soon matatanggap din ng parents nya yang baby nyo normal lang sa magulang yung ganun as long as nakasuporta ang magulang mo sayo at sa inyo ni bf wag ka mag alala di ka naman nila pababayaan tsaka nanjan si bf mo para sa inyo ni baby konting time pa para sa parents ni bf siguro kasi sya yung inaasahan kaya ganun ang reaction nila.

Đọc thêm
6y trước

Sa una lang yan kasi galit din sya kaya ganyan soon magiging ok lhat basta nanjan ang magulang mo para sa inyo ok lang yan..

Thành viên VIP

As long as andyan parents mo para suportahan ka momsh wag ka ng umasa sa parents ng bf mo. Medyo shock pa sila baka naman magbago isip pag nakita apo nila, pero sa ngayon focus ka na lang ke baby mo mahalaga kasama mo pamilya mo.