forgiven but never forgotten

Hi momshies ? Just want to share this . buntis ako ngayon 34 weeks na. I was cheated by my partner a lot of times pero kami parin hanggang ngayon nag lilive-in kami at dito kami nakatira sa amin. When we were about 4 mos in a relationship may nalaman ako na may babae cya tinitext nya chinachat nya at nagtatawagan sila at hindi lang yon may nangyayari sa kanila dahil ang babae pumupunta sa kanila noon. Kinumpronta ko cya about sa kanila noong babae at sabi nya matagal lang daw nyang kakilala at never naman daw cya nanligaw sa babae yong babae lang daw ang nag a assume na may label sila kasi nga sumasama ito pag nag babasketball cya at pumupunta nga sa kanila at may nangyayari sa kanila dahil natutukso cya (yan ang sabi nya). Kinumpronta ko rin ang babae at talikwas sa sinabi nang partner ko ang sinabi nya. Hindi ko alam kong sino paniniwalaan ko sa kanila pero mahal ko kasi kaya pinalagpas ko akala ko dahil sa kumprontahan namin nang babae at nag partner ko ay natigil na sila pero mali ako. Isang araw nanganak ang asawa nang kapatid nang partner ko at dahil friend nang lalaki yong babae pinakiusapan nya ito na bantayan ang isang anak nito at hindi nalang sasabihin sakin para iwas sa gulo eh timing naman na pumunta ako sa bahay nila at nagkita kami, doon pala cya natulog na naman nag away kami at grabe ang iyak ko non. Umalis kami nang partner ko umuwi kami sa amin at sa bahay cya natulog pero nag away kami noon kasi akala ko tapos na wala nang ibang babae nag explain cya at ako naman tong si tanga naniwala na naman, nagpatawad na naman (pero for sure may nangyari na naman sa kanila ). November 2019 i was 2 mos. pregnant galing kaming bukidnon dahil pinakilala ko cya sa side nang lola ko, kakauwi lang namin non at dahil kakampi ko ang boung angkan nya sinabi nila sakin ang nangyari noong wala kami sa CDO may babae raw na pabalik.2 sa bahay nila at sinasabing buntis cya wala akong ibang na isip na babae kun di cya lang talaga kaya umiyak na naman ako para akong pinagsakluban nang langit at lupa sa sakit mas tumindi pa ang galit ko nang pariha kami nang kabuwanan nandilim paningin ko pinagsasampal ko ang partner ko halus patayin ko cya sa bugbug, mura at kinuwenta ko lahat mula sa una. Umiyak din cya at sabi nya ako naman daw mahal nya at paninindigan nya ang anak ko at hindi yong sa babae dahil wala nga daw cyang nararamdaman don. Uminom ako nang pills young 1 stab talaga inubos ko sa galit ko gusto kong mawala ang baby ko. Araw.2 akong umiiyak hindi alam nang pamilya kahit nang mga kaibigan ko. Kinimkim ko lahat nang sakit dahil baka mapatay cya nang pamilya ko. Tinanggap ko parin cya sa kabila nang lahat, at dahil ayaw nyang ipalaglag ko ang baby lumipat cya sa amin dinala nya lahat nang gamit nya kaya nagsasama na kami ngayon. Noong araw na nalaman ko yon chinat ko yong babae at inaway kona naman sa kalaunan ay sinabi nya na hindi nya kami guguluhin at hindi rin nya pipilitin na magpapakaama yong partner ko sa anak nya, hindi rin nya ipapadala sa bata ang aprlyedo. Kahit subra.2 ang galit at sakit na naramdaman ko parang may 1 tinik na nabunot sa dibdib ko sa sinabi nya at right there and then binlock nya kaming dalawa sa lahat nang social media accounts nya. Hanggang ngayon iniisip ko parin yong nangyari, yong sakit, yong galit, lahat lahat na ginawa nila sakin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Naglilive-in kami pero wala na akong tiwala sa kanya, mahal ko parin naman pero mas iniisip ko nalang na gusto kong may kalakihan at may kilalaning ama ang anak ko. Hindi ko alam kong hanggang kilan ko kayang hawakan yong mga salita nya at kong umabot man sa punto na hindi na talaga mag work yong relasyon namin papalayain ko cya nang walang pag aalinlangan at magpapasalamat pa ako sa kanya sa angel na binigay nya at sa lahat nang nangyari mabuti man o masama because it makes me the woman who i am today, strong and wiser than yesterday at na test ko yong pagiging tao ko na sa kabila nang lahat kaya kong paring magpatawad at mag mahal. P.S. Whatever may happen lets put all our worries unto the lord. God bless everyone

forgiven but never forgotten
36 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kung kaya mo siya napatawad,ay dahil sa mahal mo,kaya ba ng pagmamahal mo na pagkatiwalaan siya ulit ng buo? Ngayong napatawad mo siya,ang puso mo ba ay kampante na,na hindi niya na ulit gagawin ito? Ang lahat ng pagaalinlangan sa ngayon,ay understandable. Pero etong alinlangan na ito,dapat may hangganan din. Kung buo ang pasya mo na maging pamilya ulit kayo,kailangang maisaayos nyo ang lahat ng buong buo. Kasi hanggat mY nararamdaman kang pagaalinlangan,hindi ka patatahimikin nito,at hindi din patatahimikin ang relasyon nyo.

Đọc thêm
5y trước

Thank you po 😊