forgiven but never forgotten

Hi momshies ? Just want to share this . buntis ako ngayon 34 weeks na. I was cheated by my partner a lot of times pero kami parin hanggang ngayon nag lilive-in kami at dito kami nakatira sa amin. When we were about 4 mos in a relationship may nalaman ako na may babae cya tinitext nya chinachat nya at nagtatawagan sila at hindi lang yon may nangyayari sa kanila dahil ang babae pumupunta sa kanila noon. Kinumpronta ko cya about sa kanila noong babae at sabi nya matagal lang daw nyang kakilala at never naman daw cya nanligaw sa babae yong babae lang daw ang nag a assume na may label sila kasi nga sumasama ito pag nag babasketball cya at pumupunta nga sa kanila at may nangyayari sa kanila dahil natutukso cya (yan ang sabi nya). Kinumpronta ko rin ang babae at talikwas sa sinabi nang partner ko ang sinabi nya. Hindi ko alam kong sino paniniwalaan ko sa kanila pero mahal ko kasi kaya pinalagpas ko akala ko dahil sa kumprontahan namin nang babae at nag partner ko ay natigil na sila pero mali ako. Isang araw nanganak ang asawa nang kapatid nang partner ko at dahil friend nang lalaki yong babae pinakiusapan nya ito na bantayan ang isang anak nito at hindi nalang sasabihin sakin para iwas sa gulo eh timing naman na pumunta ako sa bahay nila at nagkita kami, doon pala cya natulog na naman nag away kami at grabe ang iyak ko non. Umalis kami nang partner ko umuwi kami sa amin at sa bahay cya natulog pero nag away kami noon kasi akala ko tapos na wala nang ibang babae nag explain cya at ako naman tong si tanga naniwala na naman, nagpatawad na naman (pero for sure may nangyari na naman sa kanila ). November 2019 i was 2 mos. pregnant galing kaming bukidnon dahil pinakilala ko cya sa side nang lola ko, kakauwi lang namin non at dahil kakampi ko ang boung angkan nya sinabi nila sakin ang nangyari noong wala kami sa CDO may babae raw na pabalik.2 sa bahay nila at sinasabing buntis cya wala akong ibang na isip na babae kun di cya lang talaga kaya umiyak na naman ako para akong pinagsakluban nang langit at lupa sa sakit mas tumindi pa ang galit ko nang pariha kami nang kabuwanan nandilim paningin ko pinagsasampal ko ang partner ko halus patayin ko cya sa bugbug, mura at kinuwenta ko lahat mula sa una. Umiyak din cya at sabi nya ako naman daw mahal nya at paninindigan nya ang anak ko at hindi yong sa babae dahil wala nga daw cyang nararamdaman don. Uminom ako nang pills young 1 stab talaga inubos ko sa galit ko gusto kong mawala ang baby ko. Araw.2 akong umiiyak hindi alam nang pamilya kahit nang mga kaibigan ko. Kinimkim ko lahat nang sakit dahil baka mapatay cya nang pamilya ko. Tinanggap ko parin cya sa kabila nang lahat, at dahil ayaw nyang ipalaglag ko ang baby lumipat cya sa amin dinala nya lahat nang gamit nya kaya nagsasama na kami ngayon. Noong araw na nalaman ko yon chinat ko yong babae at inaway kona naman sa kalaunan ay sinabi nya na hindi nya kami guguluhin at hindi rin nya pipilitin na magpapakaama yong partner ko sa anak nya, hindi rin nya ipapadala sa bata ang aprlyedo. Kahit subra.2 ang galit at sakit na naramdaman ko parang may 1 tinik na nabunot sa dibdib ko sa sinabi nya at right there and then binlock nya kaming dalawa sa lahat nang social media accounts nya. Hanggang ngayon iniisip ko parin yong nangyari, yong sakit, yong galit, lahat lahat na ginawa nila sakin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Naglilive-in kami pero wala na akong tiwala sa kanya, mahal ko parin naman pero mas iniisip ko nalang na gusto kong may kalakihan at may kilalaning ama ang anak ko. Hindi ko alam kong hanggang kilan ko kayang hawakan yong mga salita nya at kong umabot man sa punto na hindi na talaga mag work yong relasyon namin papalayain ko cya nang walang pag aalinlangan at magpapasalamat pa ako sa kanya sa angel na binigay nya at sa lahat nang nangyari mabuti man o masama because it makes me the woman who i am today, strong and wiser than yesterday at na test ko yong pagiging tao ko na sa kabila nang lahat kaya kong paring magpatawad at mag mahal. P.S. Whatever may happen lets put all our worries unto the lord. God bless everyone

forgiven but never forgotten
36 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Same here paulit ulit narin akong niloko ng asawa ko.. totoo nga pala tlaga na nawawala ang pagmamahal mo sa asawa mo kpag paulit ulit nalang.. pero ayaw kong Magkaroon ng broken family ang mga anak ko kaya eto nagdagdagan pa 🤣🤣 pagiging martir is real!! Pero now dahil alam na nya na kaya kong wala sya sa buhay ko parang sya na ung aso na hahabol habol sa akin at ramdam ko na mas mahal na nya ako kesa sa pagmamahal ko skanya. Kaya maging matapang ka momsh 👍

Đọc thêm

alam mo khit mahal mo kung wala ka ng trust hindi na woth it na mag sama pa kayo... isa pa... khit maging maayos kayo... sa plagay u lubos kang sasaya na may isang bata n nwalan ng ama kc mas pnili mong awayin ung babae kesa sa sabihan u ung partner u na magpaka ama sa mga anak nia... kung ako nsa sitwasyon u... ilelet go ko n lng xha kc wala na akong trust sa knia basta magpaka ama lng xha sa anak ko at sa anak nia dun sa girl... ang kawawa kc dyan ung mga bata...

Đọc thêm
4y trước

Sabihin na na selfish ako pero sa ginawa nila no one can blame me kong bakit ako nagkaganito. Pinuprotektahan ko ang anak ko at ang future nang anak ako at magpapaka selfish ako nang paulit.ulit para sa anak ko.

Hi mommy . Una sa lahat alam ko namn na mahal mo ang partner mo , kaso hindi sya ganun kafaithful syo . I suggest na kausapin mo sya ng masinsinan at sbhn mo ung about sa mga agam agam mo. Yan lang ang makakalutas nyan , wag mo isipin ung nga bagay na gusto mo lang tanggapin sya dhl gusto mong may kilalaning ama ang anak mo . Magiging maayos din ang lahat . Magpray ka lang . Basta magusap kayo. Mhrap mgstay sa bagay na di mo namn alam kung stable pa ba or shaky na.

Đọc thêm
4y trước

Welcome and goodluck . Always protect the family you built .

Pareho tayo sis. Ilang beses ko na nahuli ang LIP ko na may kachat. Una, yung ex nya na hndi nya makalimutan. May ibang babae din. Kahit masakit yung ginawa nya, hndi ko alam bakit binibigyan ko pa sya ng chance. Siguro kasi mahal ko. Pero naniniwala ako na pag paulit ulit nilang magloloko at magchecheat, mapapagod din tayo eventually. Pag nangyari yan, ikaw na mismo ang susuko at aalis. Wala ka na mararamdamang galit kasi. Acceptance nlang.

Đọc thêm
4y trước

A simple advice huwag na po pakampante at eadvance niyo na ang acceptance na hinde kayo magsasama ng 4ever kaya dapat magipon para sa sarili para pag dumating ang time na kinakailangan monang umalis d gaanong masakit at mabigat kc accept mona at may pera ka pwede ka magliwaliw.. Gagagan pa pakiramdam mo.

Magkakaiba kasi tayo ng pananaw. Ako, kung sakin nangyari yan, baka magpatawad din ako. Pero not to the point na paulit ulit na. Yung sakit, yung stress. Di bale ng kami lang 2 ng baby ko kesa may ama nga pero makakalakihan nya naman na hindi kami maayos. Aminin mo man o hindi, may lamat na relasyon nyo. Kahit ilang taon pa kayo magsama, di mo na makakalimutan mga ginawa nya. At yung tiwala, unti unti ng natutunaw

Đọc thêm

Para sa akin lang.. sana mas bigyan mo ng halaga ang magiging baby mo. Once nagloko ulit yung ka live-in mo hayaan mo na lang kung hindi nya talaga kayang magbago pra sa magiging anak nyo. Buntis ka pa nman bawal ka mastress.Kasi mas kakaibang saya ang dala ni baby pag naisilang mo na yan lalo na kung kya mo nman syang buhayin nang ikaw lang. 😊 Kaya mo yan alam ko magiging mabuting ina ka pra sa kanya. 😊

Đọc thêm

Moms share naman kung paano mo pinapakisamahan LIP mo sa kabila ng ginawa niya? Same kc tayo ng situation nagcheat din sa akin ang husband ko pero legally married kami.. Diko kc alam kung paano ko siya pakisamahan na dahil nawala din ung tiwala at tespeto ko sa kanya and hinde ko narin alam kung mahal ko pa siya.. Nahirapan lang ako magdecesion na lumayo dahil kasal kami.Pero nahihirapan din ako na pakisamahan siya.

Đọc thêm
4y trước

May nagpayo din sa akin na ganyan ang gagawin ko pweo natatakot ako na ulitin lang niya ulit at mas lalong magtake advantage dahil sa kabila ng ginawa niya ay mapatawad ko parin siya. . Yan ung dahilan kung bakit matigas ako sa kanya kc gusto kung makita niya epekto ng ginawa niya na ung dating masaya naming pagsasama ay misserable na ngayon. At un po talga sitiation namin at parang ako lang ung nahihirapan at siya parang iba pa pagkaintinde niya sa pinapakita ko sa kanya. Ewan wala ata talga siyang kunsensiya.. Kaya Plan ko ng tuluyan siyang iwan after ng ECQ hirap na hirap na kc ako wala ng tigil ng iyak ko 😭sobrang nangangayat narin ako. Anyway, Thanks po.. And Godbless 😇

Hanga ako sayo sis. You are a strong woman. Alam mo yun? Hindi lahat kagaya mo na malakas. You're an inspiration. I hope one day, you'll able to forgive fully your partner. Not because for him, but for yourself to have peace on your mind. Ang hirap siguro talaga makalimot pero sana your partner will work much hard na mapalitan ng good deeds lahat ng nagawa nyang kasalanan sayo. Hugs to you warrior mommy!

Đọc thêm

Iniisip mo na magpakaama sa sa anak mo pero dimo inisip na yung isang bata lalaking walang ama. Anyway can't judge you sino ba naman ako sila naman tong gumawa ng mali sayo pero sana balang araw dumaying yung araw na kahit yung bata lang makilala niya yung tatay niya at sana makita mo yung totoong pagmamahal sayo ng taong kasama mo ngayun kung totoo talaga.

Đọc thêm

Good luck soon sis para sa baby mo, yes! Masakit man ang karanasan mo mas naka gaan pa rin sa loob ang magpatawad ka kahit na mahirap. Nakagaan sa loob at Di mo man maramdaman ang saya sa ngayon, darating ang araw na fully masaya kana sa piling ng anak mo. Gawin mong inspiration ang baby mo. May God Bless and guide you all the way. Stay strong po. 🙏🙏🙏💪💪

Đọc thêm
4y trước

Thank you po 😍😘