Feeling down 😩

Hi mga mommies! Umiiyak din ba kayo pag naiiwanang mag isa sa bahay? Ano ginagawa niyo para ma-avoid ito? Minsan kasi dami kong naiisip hindi ko rin alam kung dahil ba to sa hormones feeling ko kasi naiistress ako pag naiiwang mag isa ganun? Dati naman nung hindi ako buntis, gustong gusto ko mag isa lang ako sa bahay tamang chill lang. By the way, first time mom here po! I’m trying to understand lahat ng nangyayari sakin pero minsan hindi ko din maintindihan talaga wala na kong magawa kundi umiyak nalang 🥺 Please respect my post!

7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Napakainteresante ng tanong mo! Bilang isang ina rin, alam ko kung gaano kahirap ang maraming pagbabago sa katawan at damdamin habang buntis. Hindi ka nag-iisa sa nararamdaman mo. Ang hormonal changes ay maaaring makaapekto sa ating emosyon at pag-iisip. Sa aking karanasan, madalas din akong naiiyak lalo na kapag naiiwan mag-isa sa bahay. Para ma-avoid ito, isa sa mga ginagawa ko ay ang pag-set ng regular na me-time para sa sarili. Kahit konting oras lang sa isang araw na walang iniisip kundi ang sarili mo ay makakatulong na mabawasan ang stress at anxiety. Maaari mo ring subukan ang meditation o relaxation techniques para maging mas focused at peaceful ang iyong isipan. Mahalaga rin ang support system. Huwag kang mahihiyang humingi ng tulong sa iyong partner, pamilya, o mga kaibigan. Makakatulong din ang pag-attend sa mga prenatal classes o support groups para sa mga buntis. Dito mo maaaring matutunan ang iba't ibang paraan ng pag-aalaga sa sarili at pag-handle ng emosyon. Huwag mong kalimutan na mahalaga rin ang pagiging positibo sa pananaw. Kapag nadama mong malulungkot ka, subukan mong isipin ang mga bagay na ikinatutuwa mo sa buhay, o kaya ay gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo tulad ng pagbabasa ng libro, panonood ng feel-good movies, o pakikisalamuha sa mga kaibigan. Nais kong ipaalam sa iyo na normal lang ang mga nararamdaman mo at hindi ka nag-iisa. Kung patuloy kang nahihirapan at hindi mo na kayang kontrolin ang iyong emosyon, huwag kang mag-atubiling humingi ng tulong sa isang professional. Mahalaga ang iyong kalusugan pang-emosyonal at dapat itong bigyang-pansin. Sana makatulong ang mga payo ko sa iyo, mommy. Kaya mo 'yan! Kaya natin 'to! https://invl.io/cll7hw5

Đọc thêm

Hi mi, i don't invalidate ur feelings po ah pero isipin nyo po kahit papano mas maswerte pa kayo kesa saken kasi ako literal na lalabas yung baby ko na walang ama ftm pa po ako, para akong kinakain ng kalungkutan may time pa po na naiisipan kong mag suicide pero mas nangingibabaw saken takot sa Diyos at eto iniiwasan ko yun dahil ayoko na pati si baby ko na sstress, kaya ang gingawa ko po nanunuod nalang ako vlog ni ser. geybin hehe mga funny videos sa tiktok or kumakanta may mga karaoke sa tiktok eh basta binubuhos ko oras ko dun. Laban lang tayo mi 😊❤

Đọc thêm

Same mommy, hirap ang transition pero need naten ng happy thoughts always para satin at para kay baby, nag kdrama,anime, nanunuod ng funny clips o kaya mga luto luto vlog mommy para madistract at maubos time. Sound trip den pang relax at kay baby sabayan mo ng konting sayaw mommy pang boost ng happy thoughts. 💕

Đọc thêm

Hello mi same tayo ng case nalulungkot din ako pag naiiwan ako magisa sa bahay or magisa lang ako sa bahay. Since nasa probinsiya ung mga friends and family ko tumatawag ako sakanila, via video call ganon ung ginagawa ko. You can chat din sa mga kakilala mo or malalapit sayo sa location mo makipagchikahan ka ganon.

Đọc thêm

Same mamsh biglang nag overthing kung ano ano. Ginagawa ko is naglilibang ako ng mga funny videos sa tiktok and youtube, maglilinis and makikihalubilo sa kapitbahay.

normal lang po yan kapag buntis ganyan din po ako nung first and 2nd trimester.. pero pagdating ngayong 3rd trim gusto ko nang mapag isa😁

ako hindi ko alam kung anong nangyayari saken basta galit ako galit sa asawa galit sa mundo anubayan