Advise please, buhay may asawa
Hi mommies, gusto ko lang magrant and if what I'm feeling is valid. I'm 8mts preggy, si hubby is working. Sa field sya coz he's an engineer. I also used to work full time, nagstop lang ako nung around 5mts preggy. Nasa bahay nalang ako, walang kasama and trying to make myself useful around the house and magfreelance for limited hrs lang naman. But because wala na kong stable income, si hubby talaga nagpoprovide ng everything, yung kinikita ko from freelancing is for my own bills and pinangbibili ko din ng baby needs. Wala naman syang hanash pagdating sa expenses. Lately lang, di ko alam kung inaanxiety ako, naiinggit, or naiinis kay hubby. Kasi sya nakaka labas, pwede maginom (work and leisure) hindi ko naman binabawalan. But sometimes I feel down kasi mag-isa lang ako sa bahay, the time I could talk to him is gabi lang pag uwi nya but by that time antok na ko alam nyo naman pag buntis tapos pasok nya maagang maaga. We chat naman but syempre iba yung kausap mo asawa mo. Sometimes there are things na nalilimutan nya pala sabihin saken, kala nya nasabi na nya. Or like ako pa mag ask ng details sino kasama sa ganto ganyan, san sila iinom, ano hotel nyo (work), mga details dapat kusa naman sabihin nya sakin kasi asawa nya ko. Pag andito naman sya sa bahay, updated sya magchat sa gc ng mga friends nya (kilala ko naman), when I compare it hindi naman kami ganun kadalas nga magchat. Nahihiya pa ko imessage sya minsan kasi busy sya sa work. Ayaw ko pa sabihin sa kanya what I feel kasi parang hindi valid baka feeling nagiinarte lang ako. Meron ba ditong ganito din? #advicepls