Rant sa MIL

Ako lang ba naiinis sa Nanay ng hubby ko? Kapapanganak ko lang kasi netong May at feeling ko talaga inaalisan niya ako ng karapatan para sa anak ko pati bakuna siya pupunta eh gusto ko naman maexperience yun as FTM. Ang dami dami niyang sinasabi minsan pinapahiya nya pa ako sa harap ng mga midwifes like 'naiintindihan mo ba yun? Tango ka ng tango jan mamaya di mo pala naiintindihan' like girl may pinag-aralan din ako noh sobrang gigil talaga ako. Gets ko naman na first apo niya di ko naman inaalisan ng karapatan ang sakin lang ako naman ang wag alisan ng karapatan kasi nung niluwal ko yun, mag-isa lang naman ako, di ko sila kasama. Rant ko lang mamshies bwisit talaga ako e

23 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Pangilan mo. May friend ako na may medyo pakialamera din na MIL, one time nauntog yung anak nya kung ano-ano na pinagsasabi sa kanya ng MIL nya as if parang wala sya kwentang nanay. Sa bwisit nya, nasagot nya pero hindi pabalang. Parang nilagay nya lang ba sa pwesto, "Lola ka at ako ang INA". After that sinabihan nya husband nya about it which nakinig naman sa kanya, ilang months din yata silang hindi dumalaw sa bahay ng MIL nya meaning ilang months nya din hindi nakapiling anak at apo nya. Nung naging okay na lahat, ayun bumait. Napag-isip isip din siguro nung MIL kung san sya dapat lumugar. Set boundaries momsh, karapatan mo yan dahil ikaw ang INA. You know what's best for your kid :) Lastly, kausapin mo yang asawa mo, sya dapat ang unang mamagitan sa inyo ng nanay nya.

Đọc thêm
5y trước

Thank you mamsh 💕 yan talaga ang dapat na iniisip niya kasi lola lang naman siya, di naman siya nagluwal sa anak ko pero siya tong makaasta na parang nanay kabadtrip.

Kausapin mo mamsh ang asawa mo. Siya ang dapat pumapagitna sa inyo. Siya ang dapat nakikipagusap sa nanay niya at pumigil sa nanay niya. Asawa ka niya,tapos ginaganun ka ng nanay niya. Knowing na maselan ang sitwasyon mo ngayon dahil kakapanganak mo palang. Dapat nga sensitive sila sa mga sinasabi sayo at kung paano ka pakikisamahan kasi kakapanganak mo palang. Kausapin mo ng mahinahon ang asawa mo at hayaan mo siya ang magayos niyan sa nanay niya.

Đọc thêm

Isa to sa mga iniisip ko e kaya bumukod talaga kami ni hubby. Ang kaso ngayong pa lang na buntis pa ko may mga plano na yung MIL ko na dito daw sya magstay sa bahay namin once na manganak na daw ako buti sana kung napakalaki ng bahay na inuupahan namin. Thankful nalang din ako na babae tong pinagbubuntis ko dahil kung lalaki daw to kukunin daw nila sa amin ng hubby si baby at sila daw mag aalaga yun ang ayae ko mangyari.

Đọc thêm
5y trước

@Nica kala naman ni MIL mo ang dali gumawa ng baby 😂

Naku buti ikaw sa MIL, ako sa nanay ko. Kanila na daw ang bata pagkaanak ko. Siya daw mag aalaga at dahil may work ako. Pag umuwi daw kami ni hubby sa bahay namin ay kami lang iwan daw si baby sa knila dw matutulog si baby. Di ko naman masagot na di pwede, baka mahurt ang feelings. Pero si ako papayag kasi ftm din ako, gusto ko naman maexperience.

Đọc thêm
5y trước

Same sis pero sa MIL ko. Sakanya nalang daw baby ko jusko

Thành viên VIP

Hays. Anak mo yan sis kausapin mo yung mother in law mo, sumagot ka kung alam mo namang nasa tama ka. Yung tungkol sa pagdala sa center okay lang naman na siya magdala sa center pero sana tanungin ka muna kung okay lang ba sayo? Di yung nagdedesisiyon siya ng sarili niya or kung gusto niya dalawa nalang kayong pumunta.

Đọc thêm
5y trước

Kapal naman niya, siya ba magulang siya ba nagdala ng 9 na buwan at siya ba nanganak

Talk to your husband about it. Make sure din accurate yung mga kwento mo and be objective and calm pag nagkwento ka kay hubby para mas maintindihan ka niya. Pag may instance na kasama mo si mother-in-law isama mo ang asawa mo para din marinig at makita niya yung experience mo. Mas maganda na siya ang magsabi sa mother niya.

Đọc thêm
5y trước

I will po. Thank you sa advise 💕

Hindi naman ganyan yung sakin pero ang kinakainisan ko is yung part na sila magdedesisyon sa pangalan ng magiging baby ko!! Nakakainis, ftm din ako at gusto ko ako magpangalan kay baby. Nangunguna pa sila eh may mga naisip na kong pangalan ipipilit pa yung gusto nila!!!! Arghhh!!

5y trước

Sis ganyan family ko. 😂 Sakit sa ulo. 3 times na ako nagpalit ng pangalan ni baby kasi puro sila may ayaw at ganito ganyan daw sana dapat name ni baby. Ang daming rason tapos ngayon wala pa rin name si baby dahil back to zero ako ulit. Hay.

Kasama mo ba sya sa bahay? Parang mas maganda nakabukod kayo. Pag kasi lagi mo sya kasama wala ka nalang magawa lalo na nakikisama ka. Kausapin mo nalang hubby mo in a nice way para hindi naman sya masaktan kasi nanay nya yun

Sumagot ka. Anak mo yan, ikaw may karapatan dyan. Ikaw humawak, wag mo ipaalam sched nyo ng check up. Pag pinapahiya ka, taasan mo ng kilay. Set boundaries. Wag mong pasanayin na ginaganyan ka.

Thành viên VIP

Normal lang yan prro pde ka nmn sumagot sa way na mahinahon para alam nya na naapektuhan ka ng gngawa nya tgnan mo po matatauhan din sya iparamdam mo lng lagi na ikaw nanay😊👍🏻

5y trước

Were same mommy ganyan din aq pero sa panahon po kc ngyon lalo na mommy na tau meron nmn way na pde tau sumagot pero nasa mahinahon na way 😊👍🏻