STRETCHMARKS

Pa rant lang mga mommies! Kairita yung mga matatanda samin. Nagkastretchmarks kase ako simula nung mag 8 months tiyan ko. Kinamot ko daw kasi kaya ganun e hindi ko naman talaga kinamot. Ikaw ba naman 26 lang waistline noon tapos nabanat ng pagkalaki laki diba? Makikipag away pa sakin eh hahahahaha matatanda nga naman oo. Di ako stressed mga momsh. Kairita lang talaga mga paniniwala nila.

22 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Same. Ang dami ko narin stretchmarks snsbi nila ang pangit ko ndaw 🤣 pagkapanganak ko daw d naraw ako mkakashort kasi dami ko stretchmarks tas ung itim itim pa. Nagkalat sa dede, thighs, legs tsaka tiyan ko pero I don't mind. Bahala sila sa buhay nila hindi naman nla katawan to. 🤣 Ako nga d namomroblema sila pa kaya 😂 As long as healthy baby ko un ung importante para sakin.

Đọc thêm

same momsh. from 26 to 39 ba namang waistline. hindi lng mattanda nagsasabi sakin na wag kamutin, pati mga epal na feeling close nung nabuntis ako hahaha . e hindi ko naman kinakamot kasi hindi naman siya nangangati , more on mahapdi pa nga siya kahit panay pahid ako ng lotion and oil. Pero hayaan mo na. Mga mema lang mga yan . hahaha

Đọc thêm
Thành viên VIP

problema ko din po yan e hahaha biglang naglabasan nung mag 8 mos na tyan ko 😆 kaasar kala ko ligtas na sa stretch marks. ang puti ko pa naman kaya sobrang halata 🤦🏻‍♀️ nilalagyan ko naman ng lotion or baby oil ganun pa rin talaga hays.

Kaya pala nagkastretchmarks din ako kahit di ko naman kinakamot. di lang pala yun dahil sa pagkakamot. 23 kasi waistline konng dalaga tapos anlaki ng tiyan ko nong nabuntis. Buti nalang maputi ang stretchmarks ko hindi masagwa tingnan 😭

Ganyan talaga matatanda, madami silang masasabi😂 Magkamot ka man or hindi, nasa genes yan. Mom ko walang stretch marks dalawa kaming anak niya. So ako, 4th baby ko na ang ipinanganak ko last month pero wala rin akong stretch marks.

edi Sana scratch marks tnawag dun hnd stretch marks🤣 jusko parang hnd cla dumaan sa gnyan 🤣 naranasan ko dn yn hnd n daw ako mkakapgbikini . 😂😂 in reality hnd nmn tlga ako nagbibikini hnd gnun kalakas loob ko no! 🤣🤣

3y trước

scratch marks 😂😂😂

Thành viên VIP

naku ako never ako nagkamot as in. pero napaka dami kung stretchmarks. sinabi ko un sa OB ko ang sabi nya wala daw un sa pagkakamot nasa genes un. Lahat kami magkakapatid pati mama ko meron so ganun daw un

Same dami ko pa ginamit to prevent stretch marks tuwan tuwa pa ako umabot ng 7months belly ko makinis pag dating ng 8months boom labasan lahat pero who cares atleast my katibayan ako na hnd ako baog.

Thành viên VIP

doesnt matter kung may stretchmarks or wala ito yung marka ng pagiging isang ina natin❤️ be proud lang tayo mamsh as long as healthy ang mga babies natin labarn lang🤍❤️💛

Thành viên VIP

Same haha! 25 lang waistline ko before magbuntis kaya super dami ko now stretchmarks puro pa dark, damang dama ko yung pagbanat ng skin ko hahaha pero wapakels sign of motherhood naman e 🥰