DO WE HAVE TO LOVE OUR IN-LAWS?

Ako kasi, I respect my mother-in-law. But I don't love her, masakit mang sabihin, pero wala siyang halaga sakin. Nagstart ang red flag ng relationship namin about sa issue ng pera. My boyfriend's mom is pala-utang, kaliwa't kanan ang utang sa kung kani-kanino, lending at bumbay, name it. Senior na at wala namang income, pero malakas ang loob umutang. Noong wala pa ako, ang bf ko palagi ang nagbabayad ng mga utang ng nanay nya, pati lahat ng bills sa bahay nila, considering na may kapisan pa siyang kuya nyang pamilyado na. Ever since naging kami ng anak nya, wala kaming nakuhang support from her. Lahat ng decision namin, kontra sya. Nag-iba na din priority ng bf ko nung nakilala ako. Gusto namin bumukod, kumuha ng sariling sasakyan, at bahay, kasi kaya naman namin. Hindi nya kami sinuportahan. Mag bf at gf pa lang kami, hinihingi na nya ang ipon namin para pambayad ng mga lending. Lagi din nya sinasabi na wag kaming mag-baby kasi hindi daw sya mag-aalaga. Ayaw nya ding umalis ang bf ko sa house nila, with the reason na pano daw sila at paano ang mga bayadin niya. I know naman, hindi nya suportado ang relasyon namin ng anak nya kasi hindi na sya lagi mabibigyan ng pera at sinusurrender ng bf ko ang sweldo nya sakin. BTW, my boyfriend is 36 years old na, I met him last year. Mula nung nabuntis ako, wala kaming natanggap na moral support from his mom (namatay na ang dad nya last sept). Kahit kamustahin ang pagbubuntis ko, kahit kamustahin ang bf ko, wala. Makakaalala lang sya pag hihingi ng pera, uutang ng pambayad sa kung saan. Kaya, ako lalong nawalan ng amor skanya. Lalo ngayon, may gastusan kaming malaki kasi mahal manganak, panay pa din ang hingi ng pera samin, samantalang nagbibigay naman kami ng 4k a month na sustento skanya na kulang na kulang daw. Ngayon dito kami tumira sa parents ko pansamantala, kasama ang bf ko. I resigned na din kasi maselan ang pagbubuntis ko. Kahit mag-isa ang mother-in-law ko sa malaki nilang bahay, di ako nakakaramdam ng awa skanya. I know masama ang nararamdaman ko, but I can't help it. Merong guilt sa part ko kasi nanay pa din un ng boyfriend ko. Alam kong unfair din sa bf ko kasi sobrang mabait sya at responsable, pero wala akong magagawa na kundi ang maging honest skanya about how I feel sa nanay nya. Ni ayaw kong makita, at kahit ang anak ko, wala akong balak ipasyal sa nanay nya. Naishare ko lang. Is there anyone on the same boat?

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Filipino toxic traits. Alam naman natin malaki utang na loob natin sa parents natin sa pagluwal at pagpapalaki satin pero I think that's too much toxicity na. Siguro it's better to be honest with your in-law kung anong maling ginagawa nya. Never naging responsibility ng anak na buhayin ang magulang. Tulungan siguro oo. Pero di na tulong hinihingi nya. Kahit sa bible nakalagay yan.

Đọc thêm
Thành viên VIP

hugs mommy! we're not exactly on the same boat but I know how you feel. I believe we don't need to love our in-laws kasi may mga differences talaga but instead show them respect lang. In that case, you've done your part. I hope you'll feel better soon.