my mom controls me and my baby
kwentuhan po tayo, my mom financed the birth of my child kasi wala kami pera ng bf ko. Happily, si mom ay love ang baby ko sobra and she told me na sa bahay muna nya kami ni baby magstay and dalaw nalang ang bf ko every weekends. Sa plano pala ni mommy, ganun ang gusto nyang set up hanggang si baby dito na lumaki sa custody nya. As for sa amin naman ni bf, gusto namin iuwi si baby sa nirerentahan namin. When we told our mom na hihiramin muna namin si baby, ayaw nya daw ng ganun. If gusto dw nya, si bf nalang ang lilipat sa amin pero not kami ni baby kay bf. Ayaw ni bf mg move in dito dahil syempre di kami makka function like we used to. Hayy nasasakal ako sa situation namin. Mahal ko si mommy and i tried talking to her na gusto namin bumukod, nagalit siya at first but then she told us na okay na daw, she understands but her actions show na talagang wala sa plano nya na aalis kami ni baby dito sa bahay. And i am at an age na more than legal na bumuo ng pamilya kaya lang financially unstable pa rin. Pls give me some advice on how to handle the situation. Salamat po.
wag mo na patagalin bumukod na kau. ung iba nga 5anak nakabukod na kahit kulang ang budget kc no.1 ang panalangin sa Diyos. mauuna ang awa ng Diyos. makakaya nyo yan. sa tingin mo lang kapos kau pero dapat magsumikap c bf mo para d maging rason ang kapos sa budget. maganda kaya ang magkasama kaung pamilya kahit simple ang buhay. mahirap kc na lagi ka sa tabi ng nanay mo lahat pakikialaman nakakasakal. d ka makapagdecide para sa anak mo. baka ipagbawal pa nya na paluin ang anak mo pag may gnawang mali. para kang robot. naranasan ko yan. nakabukod naman ako kaso magkatabi kami ng tinitirahan. nakakastress. at hahantong pa sa away.
Đọc thêmMomshy since nasabi mo na point mo kay mommy mas mabuti na gawin mo na yung plan nyo ni bf kahit alam mong ayaw ni mommy, di naman ibig sabihin nun eh wala ka nang respeto sa kanya. First and foremost anak nyo naman si baby so kayo dapat magdedesisyon sa lahat pag tungkol sa baby. Pangalawa nararapat lang na bumukod na kayo since bumubuo na kayo ng sarili nyong pamilya. Ngayon kahit na magalit si mommy mo, dapat ipakita mo pa din na buo yumg desisyon mo at sa desisyon mo na yun eh mag ggrow kayo ni bf. Sure ako na naiintindihan ka naman ni mommy kaya kahit ayaw nya eh pumayag na sya. Mahal nya kasi kayo ni baby mo.
Đọc thêmWe have the same situation, ganon rin ang gusto ng mama ko na sa custody nya ang apo nya dahil ayaw nya lumaki dito sa manila, pero pumayag parin sya na ipadala samin si baby dito sa manila. Ang kaso wala kaming makuhang yaya na mag aalaga kay baby since pabalik na ko sa work at to be honest kahit may work kami parehas ng partner ko, minsan nauubusan din kami ng budget kaya iuuwi ulit namin si baby sa province at don nalang sya sa lola at lolo nya, kami nalang ang magsasacrifice na umuwi weekly kesa naman magutom si baby, ayaw naman natin mangyari yon but we cannot say what will happen in the future.
Đọc thêmwe have the same situation. pero ako i live with my boyfriend pero my mom makes the rules kasi sya ung gumastos nung nanganak me so i don't defy her. siempre gusto ko rin na kami na bahala sa anak namin. na mabuhay kami 3 na kami ni hubby magdedecide para kay baby. pero wala pa ko sa posisyon to say kasi wala pa kaming stabled income ni hubby. Kaya until then i let my mom decide. Fair naman sya tska may say ako kaya okay lang. hindi sya complelety incontrol pero alam mo ung feeling mo di ko free. Pero ayun nga. Nirerespeto nalang namin until kaya na namin talaga ni hubby to completely care for baby
Đọc thêmMay stable job naba si hubby? Ma cacater niya lahat ng needs niya, mo, and baby? Makaka bayad naba siya ng renta, tubig, at kuryente? Kumpleto naba gamit niyo sa nirerentahang bahay? (May ref, stove, bed, etc?) Makaka kain naba kayo ng 3beses sa isang araw? May naitatabi naman kayong savings? At marami pang factors ang dapat niyong intindihin bago bumukod. Oo tama si bf mo po na hindi talaga kayo makaka kilos ng at ease if duon kayo tumira sa inyo. Pero ang gusto lng siguro ng mama mo is yung best. Baka nakita niya na hindi pa stable yung boyfriend mo or what kaya ayaw niyang bumukod kayo.
Đọc thêmI think momshie hind po yun pangcocontrol sa inyo ni mommy u. She just love you n your baby. Minsan KC momshie feeling ntn na dahil ang magulang ntn ang nasusunod kinokontrol n nila Tau..peo hind Yun sa gnun kundi gusto nila mapabuti Tau. Hind Lang natin un nakikita KC ang gusto ntn Yung sa atin ang masunod. Kaya ang ending hind maganda ang kinalalabasan. Mahalaga ang makinig muna Tau sa ating mga magulang Alam nila Kung ano ang mas makakabuti para sa atin. Mag obey muna tau n in God's perfect time everything will be ok.😊 Good bless you!
Đọc thêmKung kaya nyo nman bumukod why not, dpat lang may stable job pra maprovide lahat ng needs, mahirap yun isa lng ngwwork, pero di nyo nman malalaman yan hanggat di nyo susubukan. Bata p din kami ngAsawa ng hubby ko, right after college so samin din kmi tumira pgkapanganak ko, provided ng parents ko needs ko habang buntis may katulong pa kmi, in short wla ko problem..pero eventually umalis ako khit ayaw ng papa ko, pinili ko asawa ko kht wala matino work..ako ngwork at sya ngAlaga sa baby nmin..aftr 12yrs we are stable with decent jobs
Đọc thêmKahit na nasa tamang edad ka na, ibalik natin ung sinabi mo na yan. Nasa tamang edad ka na bat di kayo gumawa ng paraan para sa financial nung bata, diba mommy mo gumastos lahat? Masakit ung ganon pag narinig ng mama mo, nasa tamang edad na ko, wag ganon. Kahit bilang tao pakita nio naman ung utang na loob nio. Ipaintindi mo sa bf mo, Isipin mo nalang na siguro nag aalala lang mommy mo sa inio. Mahal na mahal ng mommy mo ung bata kaya ganon nalang ang desisyon nia. Tsaka na kayo bumukod pag kasal na kayo.
Đọc thêmmaiintindihan mo rin ang side ng mommy mo pagdating ng panahon. sabihin mo na din sa mommy mo bubukod kayo upang bigyan ng karampatang responsibilidad ang asawa mo sa pagbuo ng pamilya, ipaintindi mo rin sa.kanya na kahit bumukod kayo papasyal at papasyal kayo sa kanya ng anak mo. at kung maari lang maghanap kayo ng maaring suporta sa inyomg sarili at sa maging anak nyo. ipakita nyo sa kanya na kaya nyo na talagang bumukod hindi lang sa tirahan kung hindi pati ang financially
Đọc thêmhindi mo naman maiaalis sa mom na sumama ang loob niya pag umalis kayo, kasi siyempre since born si baby kasama niyo na siya,ibig sabihin sanay na siya na andiyan kayo sa tabi niya.. think first before u move: kung aalis kayo sa poder ng mom mo at mag re rent ng bahay, makakaipon kaya kayo? isipin mo muna mabuti sis, kasi habang lumalaki si baby, lumalaki din ang gastusin. why not try na mag move in muna si bf sa inyo tapos pag financially stable na di saka kayo lumipat..
Đọc thêm