utang

need some advice. super stress na po ako sa husband ko. palagi nyang bukang bibig e UTANG. pero kung tutuusin naman e sakto lang yung sinasahod nya kada kinsenas. sumasahod sya ng 10k-up kada kinsenas, 1k to 1500 lang binibigay nyang allowance sameng mag.ina..(nandito kami ng anak ko sa parents ko while sya nagtatrabaho at nangungupahan sa ibang lugar). palagi nyang sinasabi na wala na daw syang pera. one day naopen ko email nya, nalaman ko na lubog na lubog sya sa utang. nakasanla atm nya, madaming online loan ang inuutangan nya at kung kani-kanino pa. palagi nalang kami nagtatalo tungkol sa utang. wala daw akong kwentang asawa dahil hindi ko sya matulungan (gusto nya umutang ako ng 40k sa pinsan ko na balikbayan) which is kinontra ko. simula noon hnd na nya ako kinakausap. ni hnd manlang kamustahin kung nkakakain paba kami, kung nakapag pacheckup naba ako (3mons po akong preggy). hinamon nya din ako ng hiwalayan. hnd ko na po alam ang gagawin ko. sobrang stress na ko, nagwoworry ako dito sa ipinagbubuntis ko..baka maapektuhan sya.

9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

1.5k lang binibigay sainyo?? grabe na yan mommy. e pampacheck up saka prenatal vitamins lang yan eh. tanungin mo sya kung saan ba napupunta yung mga inutang nya kasi husband ko, ganyan din sweldo. pero ang natitira na lang sa kanya allowance na lang kasi lahat binibigay nya sakin. kausapin mo sya ng masinsinan at kapag sinabi nya nanaman ang hiwalayn, sabihin mo edi sige. wag na syang magpakita kahit kailan. mastress ka lang jan..

Đọc thêm
5y trước

wala na syang parents, wala naman na fin nahingi sa mga kapatid nya, lahat may pamilya na. saka sa pagkakaalam ko never sya nagbigay sa mga kapatid nya

nakakaduda nman cz kung san napupunta yung inutang ng asawa mo sa liit ng binibigay nyang sustento..pra maliwanagan ka tanungin mo asawa mo,baka nagsusugal n yan,nagda drugs,nagpapa party sa inuman or worst bka m ibang pamilyang sinusustentuhan..walang mngyayari kung evrytime tanungin mo eh galit lng pairalin nya..kung ayaw nya i explain sayo hiwalayan mo na..

Đọc thêm

Naku naku, idadamay ka pa niya sa kalokohan niya. Tanggap ko pa kung sa inyo ni baby napupunta ung inuutang niya pero 1500 lang naman binibigay sayo. Hayaan mo na yan. Kung gusto niya hiwalay edi go. Basta ikaw magpaka healthy ka para sa inyo ni baby. Don't mind him. At wag na wag kang uutang para sa kanya.

Đọc thêm

Alam mo sis dapat eh inuusisa mo.. Kasi kung hindi mamaya di mo alam nakasanla kna din pala... "kidding" pero tatlo lang ang posibilidad sa kwento mo.. 1. Yung partner mo ay nagsusugal. 2. Yung partner mo eh nagdrugs. 3. Sumakabilang Bahay. :) OR all of the above!

Đọc thêm
5y trước

feeling ko po 1 at 2 lang. ganyan din po sabi ng mga tita ko, wag ko na daw sya puntahan sa apartment, baka mamaya nakasangla na din ako.

Thành viên VIP

Wg mxado pkastress though nkkstress nga yan kwento mo.. Hnd mgnda lagi mei utang at sanay mangutang.. Hmmn san nman npupunta mga inuutang ng asawa mo mga loans etc., tas 1 - 1500 lng bnbgay senio? Anyways stress dn husband mo for sure.. Kelangn nio mgusap ng maayos..

5y trước

nastress po sya siguro kase d nya alam san kukuha ng ibabayad sa lahat ng utang nya. gusto nya ako naman ang umutang para matakpan yung mga utang nya.

san nmn nya dinadala inuutang nya eh ang liit lng ng sustento nya sayo lalo at buntis ka.. panu po un nagkakasya... tutal andyan k nmn s parents mu much better cgro mkpghwlay k nlng kesa nsstress ka.. msma pa nmn s buntis stress

5y trước

i will po. thanks po mommy.

mag usap kayo ng hindi mainit ang ulo.. proper communication is the key to solve problems.. check mo rin sis kung may magagawa ka bang ibng paraan pra makatulong bukod sa pangungutang sa pinsan mo

Wag kang magpapadala Sa kanya, hayaan Mo sya , baka ano pa mangyari sayo.focus ka nalang Kay baby, mag tinda ka nalang para may magamit ka para panganak Mo, wag pa stress, 😊 God bless po🙏

5y trước

may negosyo naman ako ngaun sis. may printing service ako dito sa bahay. kaya mejo nasusustentohan ko ang panggatas ng panganay ko.

😭