Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Got a bun in the oven
Help po ..Popo na my blood normal po ba ?
Please help me po mga ma, yun lo ko po 18 months old .. recently napansin ko pag mag Popo sya may bahid ng dugo.. ngaun midnight ng Popo sya tapos eto na my dugo pa din ..3x ko na Kasi napapansin to medjo constipated si lo ngayun at check ko nmn Ang part nya Wala nmn sugat.. ngka fever sa ung Feb. 9 then kinabukasan ng gabi nawala na.. Pina check up ko na din sya kanina Kasi my na pansino akong rashes SBI ng doc. Tigdas dw at mawawala din dw to within 3 days peronkalimutan ko nmn ipacheck un Popo nya kanina ksi kaninang umaga nmn walang gnyang dugo normal nmn.. please po Anu po dapat kong gawin.. sorry po sa pics ng Popo ni baby..
4 days di maka poopoo 15months old baby
Please help po mga mommies yung anak ko po kasi di sya nkakapopo 4 days na nagpa doctor na ako nakaraan pinainum lang sya ng castor oil at suppository.. Sinunod ko din ang payo ni doc na high fiber at juice ipainum para makapag dumi sya.. Malakas naman kumaen pero mahina uminum ng tubig
need advice po
Hi po mag ask lang po ako kung sino po ang naka experience na ang nipple ay nagsugat at pagsinisipsip ng baby ko my dugo at nana na syang kasama parang nahiwa ang nipple dahil sa pag dede ni baby at masakit din ang breast ko na makirot pagdede at pagtapos may kirot talaga sya mga 18 days na ganito ang sitwasyon ko sa pag breastfeed sa anak ko any advice naman po kung anu po ang ginagawa nyo pag ganito thank you po
pasta ng ngipin at palinis
Hi po mga momshies magtatanung lang ako kung sino po dito nkapag papasta at linis ng ngipin nila after birth? 4 months palang akong nanganak sa lo ko, at balak ko sana mag pa dentist pwede na kaya ako magpapasta at cleaning ng ngipin ko at ask ko din kung di maka affect sa breastfeeding ko sa lo ko? Breastfed kasi ako.. Thank you sa mga sasagot!
poops ni baby!
Mga mumshies! Mag ask po ako if normal po na ang popo ni lo ay basa na kulay yellow na may butil butil nka 3 change of diaper na po ako sa kanya ngayon yung dalawang diaper nya konti ang popo pero yung isa yun ang madami , nag popo sya twing uutot sya . Breastfed po ako sa kanya nag worry lang po ako baka nagtatae na pla sya 7weeks plang po si lo, sana may makapansin po nito thank you
bonnet, mittens and sock!
Hello mga mumshie! Ask lang po kung kailan pwede tanggalin or pwedeng hindi na suotan ng bonnet, mittens at sock si baby! Mag 2months na ang baby ko thank you po sa sasagot
baby popo
Mga momshies ask naman po if normal ba sa baby ang di madalas mag popo? 7 weeks old palang si lo, breastfeed po ako pero twing mag popo sya mga 3 to 5 days bago sya maka dumi .. Normal po ba to? Panay naman ang utot nya at madami naman din sya umihi.. Sana may makapansin po neto.. Thank you in advance
help po first time mom po
mga momshies sino po dito gumagamit ng gatas sa baby nila ng Nan Optipro HW sa newborn nila ? breastfeed po ako sa baby ko 1 month plang kaso dhl mahina ang gatas ko nag desisyon ako na i mixed na ang baby ko sa Nan Optipro HW hindi ko na kinunsulta ang pedia ni baby dhl gusto nya na breastfeed pa din ako niresitahan na nya ako ng pampa boost ng gatas pero hrap pa din ako na maparami ang gatas ko at problema ko pa na inverted ang nipple ko..ng try ako ng Nan Optipro HW bago lang pang 3 days ko plang syang gamit pero din 3 days bgo sya nakadumi at kulay yellow na parang my butil butil medjo basa ang dumi nya na mabaho unlike un nagpapa breastfed ako di naman maamoy.. sana maadvisan nyo po ako thank you po
ask lang po
good eve po magtatanong sana ako kung maganda ba na gatas ang NAN OPTIPRO HW kasi yan po ang binili ko para sa 1 month old baby ko breastfeed talaga ako kaso ang konti ng gatas ko halos 1 oz lang ang na pupump ko every na magdede sya .. yung baby ko nung pinanganak ko sya ang weight nya 2.8 kg tapos dahil nanilaw sya twice sya na pa phototheraphy kaya dehydrate sya nun sa hospital at ng 1st visit namin sa pedia nya ang kilo lang nya is 2.5 2week old plang sya nun dapat daw nkablik na daw ang weight nya ngaun after 3 days blik nanaman kami sa hospital para iphototheraphy sya ulet dhl madilaw pa din dhl maulan d ko pa sya napapaarawan kaya yun after namin madischarge sa hospital 1 week ff.up ulet sa pedia at nag weight gain naman sya ng 2.7kg nasya nadagdagan na ng 200mg breastfeed po ako nyan pero parang ang tagal nyang lumaki ng katawan kaya sinubukan ko na i mix ko po si baby ko ngaun so far nagdede po sya at dede sa nan na Gatas.. hihingi po sana ako ng advice po sa inyo kung maganda or hnd po ang gnawa ko na i mix na si baby thank you po
ask help?!
ask lang po kung anu magandang formalated milk sa newborn? di na po kasi nalakas ang gatas ko nagtake na po ako ng malunggay cap. kaso konti lang ang gatas na nalabas sakin.. any advice po thank you