Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
PCOS mom
iron
Hi tanong ko lang kung ang iron na vitamins kailangan pa ipa consult sa pedia or pwedeng sundin nlng yung nasa kahon? 6months na baby ko and pure breastfeeding kame, sa mga nabasa ko kase maliit lang ang iron content ng bm and sa app na to sa age nya sabe kailangan nya ng iron supplement...meron ako kase ferlin dito i dont know if sundin ko lang yung dosage sa box para sa age nya or kailangan pa sa pedia...sino dito ang may vitamins baby na ferlin or sangobion or any iron supplement pwede po ba pa share kung ano sabe ng pedia...if kailangan sa pedia dadalhin ko naman si baby gusto lang makahinge ng opinion.thanks!
hair treatment while breastfeeding
Hi may i ask. Amg kera protein ba ay same lang sa keratin and brazillian? I know ang breastfeeding ay pwede mag pa rebond but noy keratin and brazillian....pero yung kera protein? Thanks sa makakasagot
injectable
Hi may i ask may mga nababasa kase ako na kahit naka iinjectable sila sa family planning nabubuntis padin....bakit po kaya? Saan kaya ang problem?
puson
Hi ask ko lang sa mga exclusive breastfeeding mamas dito. Na fefeel nyo ba yung puson nyo every time ma mag breastfeed kayo na parang sumasakit tapos parang may gagalaw sa loob...hndi ko alam kase kung normal ba or kailangan ko na mag pacheck up...mag papacheck up parin naman ako pero gusto ko lang malaman if talga bang may ganito nangayayare
biglang tanggal
Hello breastfeeding mommies ask ko lang kase yung anak ko turning 4mons pag tulog na sya bigla nya tatanggalin ng may pwersa yung bibig nya sa nipple ko tapos para sya nalulunod...ganon ba talga??
tamad na bata
Hello mommies mula kase nag 3mons anak ko naging antukin sya, btw breastfeeding kame direct latch. 1-2 months halos ayaw matulog kase pag ilalapag gigising na, kung makatulog man gising agad tapos dede na sya sakin. Kaya nag sidelying kame kase super pagod magpadede sa may growth spurt. Nasanay na sya until.now na mag sidelying lang kame mag hapon.minsan ihehele ko sya. May playtime pa naman sya kase minsan nasa mood pero ngaun kinuha ko sa kama para makakaen naman ako pero nag iiyak antok na antok padin 10am na nga ako kumaen. Nag play lang saglit pero gusto tulog nanaman...kaya ngaun naka sidelying kame, anong oras na mag 3 na ayaw pa nya bumangon. Panay tulog tapos naka salpak lang dede ko sa kanya incase na gugutom dede nlng sya...wala naman sakit. Napansin ko lang sa gabe sya alive na alive na halos mag 2 and half hour sya nakikipag laro at daldalan. Normal lang ba to mommies baka kase panay higa sya hndi na sya na eexercise. Panay tulog nlng
balik alindog
Hello mommies na nag bbreastfeed sino po sa inyo ang active sa gym before and after magkababy...tanong ko lang pag ako po ba ay nag gym ulit (kick boxing po ang sports and some weights and circuit training) eh nag bbreastfeed po ako sa 6mons ko hihina ba supply ko?
feeding
Hi po turning 3mons na baby ko and im planning to mix feed him just for a very short time lets say 2-4 mons max. Yung pag dede nya ng formula hndi naman whole day....mga 5-6hrs lang. TaNong ko po kokonti kaya supply ng gatas ko sa maiksing panahon na yun? Tnx sa sasagot
jaundice
Mga mommies ang baby ko po 1 month and 1week na mejo madilaw pa po sya pati gilid ng mata...may improvement naman sya kase nung bago anak plng sya madilaw talga lalo mata nya buong mata ma yellow, ngaun gilid nlng. Npacheck up na po namen si baby at mataas yung indirect bilirubin nya yung sa dugo daw po nya is madaling nasisira yung red blood cells nya madame daw factors, pwede daw sepsis or may antibodies si baby. Kukuhanan pa nga sya ulit dugo kase may test pa gagawin. Araw araw naman sya napapaarawan. Ganito po kase si baby mag 1 month na hndi dumudumi. Nung pina check up namen sabe lagyan lang daw ng glycerin ang pwet pra matae. Tinanong ko ang pedia kung hanggang kailan paano pag hndi padin sya natae ng kusa nya. Sabe dalhin daw ulit sa kanya ipapa evacuate na sya...may alam po ba sa inyo paano yun?. Isa pa po feeling ko kase si baby kaya mabagal yung pagkawala ng yellow nya sa skin at mata kase hndi sya matae. May nabasa kase ako na ang pure brestfed na baby dapat tumatae araw araw lalo 1month plng sya at para mailabas nya yung nag papadilaw sa kanya yung tinatawag na bilirubin. Pag hndi daw kase nakakatae si baby ibig sabhn konti lang gatas na naiinom nya..yung breastmilk alone lang daw kase laxative na daw yun. So pag hndi natae si baby yung bilirubin nirereabsorb lang sa katawan at paikot ikot lng da dugo kaya madilaw padin. Si baby naman po hndi yellow na yellow.mapapansin mo lng na may yellow pa sya at sa mata naman nya onti onti na nag lilight. Pure brestfed din, hndi naman sya umiiyak malakas dumede hndi nilalagnat hndi din matigas ang tyan. Pala ire lang talga sya tapos uutot.. Ano po ba dpat gawin para matae na sya naka 2 pedia na kase kame yun iisa lang sinasabe. Tapos mild jaundice pa sya gusto ko lng tignan sana kung makatae na sya regular eh baka mawala na pagka yellow nya, pag ganun kase hndi ko na sya ibbalik sa doctor kukuhanan kase sya dugo nakakaiyak pag makita mo si baby tutusukan ng karayom. Ano po insight nyo mga mommies
baby poop
Hello po mga mommies ano po gagawin ko 4days na hndi dumudumi baby ko mag 1month na sya sa 18. Sabe nila tusukin ko daw..paano po yun ano ipantutusok ko...panay utot at ire sya eh naaawa nako