Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Expectant Mommy
CS MOM
Bakit po yung ibang CS Moms, month after naka kilos? Ako po kasi after discharge, nabubuhat na si baby at nakakapag hugas na ng pinggan. Hindi naman po sumasakit ang tahi ko. Bakit yung iba napakatagal ng recovery?
BABY BATH
nairritate po skin ng l.o ko after ko paliguan ng Cetaphil 😭😭 ano po kaya marerecommend nyong ibang brand ng sabon?
NEWBORN BODY TEMP/8 DAYS OLD
sino po dito mommies na umiinit katawan ng l.o nila kapag sobrang init ng paligid? Parang naadopt niya yung init ng paligid? Wala po kasi kaming kisame kaya direct na direct ang init sa loob ng bahay namin
NEWBORN FEVER
Ang baby ko po is 4 days old at nag temp siya ng 38° dahil sobrang init po sa bahay namin at balot na balot pa siya. Sino po dito same experience na nagkalagnat ang newborn baby nyo? Kamusta po sila ngayon? May epekto ba ito sa utak nila?
39 weeks and 2 days/FTM
Nagkaron po ako ng very light brown discharge? Ano po kaya sign neto? Ano po ba kulay kapag nag poop na si baby sa loob? Natatakot lang po ako ma overdue at maka poop si baby sa loob. Still no sign of labor and close cervix.
39 weeks, still close cervix
Makikita po ba sa BPS Ultrasound if naka poopoo na si baby? Ano po signs na naka poopoo na siya sa loob ng tiyan? Worried lang po kasi till now, pa sulpot sulpot lang ang sakit at still close cervix pa din. Thank you!
EDD JULY 22-26
Sino po dito ka same EDD? Puro contractions na panaka naka lang and white discharge. Still close cervix pa din. Naiinip na ko at natatakot dahil baka maka poop na si baby or baka naka cord coil kaya ayaw pa bumaba. Paubos na rin pera namin na naitabi kaka check up 😥
Enlargement of Heart
Mga mommies. Sino dito lumaki ang puso habang nagbubuntis? Normal lang po ba ito saten? Sino naka experience na at okay naman ang panganganak? Natatakot kasi ako, kabuwanan ko na. Baka ikamatay ko kapag hindi ko nakayanan sakit
Phil Health
Ask ko lang po, employed po ako for almost 3 years na and ngayong May, June, July lang hindi nahuhulugan contri ko dahil sa pandemic at naka floating status na kami. Magagamit ko po kaya Phil Health benefits ko?
36 weeks and 1 Day
Hi mommies. Normal lang po ba na at this stage eh hindi na gaano magalaw si baby. May oras na lang na active siya. At kapag kinikilito ko lang tiyan ko, tsaka siya gagalaw. Nagpa BPS na ako, wala naman cord coil. Good heart rate. Nagpa fetal movement din ako, active naman and good fetal heart rate. Medyo worried lang po dahil sumasakit sakit din puson ko from time to time pero mild lang. Madalas na din paninigas. Sino po same case dito? Thank you