Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Excited to become a mum
CS Mom Here!!
May case po ba dito na nagkaroon ng nana yung tahi after 1month ng cs? Madalas po kasi nasisipa ni baby yung tahi ko pag pinapa-burf ko sya then nakaramdam po ako ng pain kahapon sa dulo ng tahi ko malapit sa pusod ko ngayon po nakita ko may nana. Natatakot po ako magpunta ng hospital ngayon because of NCOV. Ano po kaya pwede ko gawin?
Congenital Anomaly Scan (CAS)
Pwede pa din po ba mag pa-CAS kahit 33weeks pregnant na? Mga nababasa ko po kasi is between 18-23weeks of pregnancy sya dapat ginagawa kaso di ako nasabihan ng OB ko. Gusto ko po sana ipagawa ung CAS kahit wala request ng OB. Ok lang po ba yun?
BPS Ultrasound
Hi mga mamsh! Ask ko lang po, ano ibig sabihin pag "Placenta posterior, Grade 3,No previa" nakalagay sa result ng ultrasound ko? 33weeks pregnant po ako. Thank you :)
Team FEB 2020
Hello mga mommies! Ask ko lang po normal lang po ba size ng baby bump ko for 27weeks and 4days? And nausli din po ba pusod nyo during your pregnancy? Sakin po kasi sobrang lumabas pusod ko. Feb 24 po EDD ko, kayo po?
Ascorbic Acid
Hello po mga mommies! Ok lang po ba na magtake ng ascorbic acid na 1000mg during pregnancy? Una ko po kasing ininum is 500mg pero nung naubusan na po ako iba po nabili ng husband ko. May magiging side effect po kaya kay baby pag mataas ung intake ko ng ascorbic acid? Yan po nabili ng husband ko, poten cee forte.
Prenatal Vaccine
Hi mga mommy! Ask ko lang po kung meron din dito binakuhanan para sa pusod ng buntis at pusod ni baby. Kanina po kasi sa sa health Center dito samin tinurukan ako ng bakuna at sabi ng midwife "itong vaccine na 'to para sa pusod ni baby at pusod mo" pero hindi po kasi nasabi sakin kung anong name ng vaccine na un. May nakakaalam po ba dito? Thanks
Watery Discharge
Hello mga mommies, ask ko lang po kung normal ba ung watery discharge during pregnancy? I'm 16weeks preggy and ngayon lang po ako nagkaroon ng ganitong discharge na parang tubig. During my 1st trimester po kasi ang discharge ko ay yellowish na malapot. Sana po may makasagot. Thank you
SSS Maternity Benefit
Hello po, mag ask lang po sana ako ng idea regarding my sss. Last pa po kasi sya nahulugan nung June 2018 pa. Ang balak ko po sana mag lump sum na lang ng contributions na July 2018 up to present. Pwede po ba un? Makakakuha din po kaya ako ng maternity benefits kung ganun gagawin ko? Edd ko po is feb 2020. Thanks po sa sasagot.
Suka
Ano po kaya pwede para mabawasan pagsusuka ko? Halos wala na po ako makaen dahil lahat isinusuka ko. Hindi din ako nagc-crave sa kahit anong food. 8weeks preggy na po ako today. Pahelp naman po. Thank you.
Maternity Benefit
Hi mommies, ask ko lang po, pwede din ba ko mag avail ng philhealth maternity benefits kahit di pa kami kasal ni hubby? Nakalagay po kasi need ng marriage certificates. And, ung dun po sa proof of identification kahit anong government issued ID lang po ba? Thanks in advance.