Baka sakali lang po mga mommy, baka po meron dito madaming gatas na breastmilk baka pwede nyo po bahagian yung baby ko dehydrated na po sya pang 2days na nya hindi dumedede ayaw na nya sa formula hindi po kasi ako nabiyayaan ng gatas kaya ngayon hirap na hirap yung baby ko gutom na. Nakailang punta na kami sa pedia lahat ng sinasabi nila hindi umepekto kay baby kaya nagbabakasakali po ako dito. Awang awa na kasi ako sa anak ko lubog na ilalim ng mata at namumula sa puyat at gutom 😭 maraming salamat po #pleasehelp #firstbaby #firstmom
Đọc thêmMay same case po ba dito kagaya sakin, kailangan muna pa antukin si baby bago dumede, nawalan sya ng gana dumede 2weeks ago na, nakadalawang pedia na kami pinalitan din vitamins nya saka formula milk kaso ganun pa rin, binigyan din sya pampagana kaso wala din 😔 super stress na ko at nahihirapan kung pano sya padededein ng normal. 6months na baby ko binawal muna din ni pedia solod food sa kanya. May ganito po bang nangyari sa baby nyo at ano ginawa nyo para bumalik normal nyang pagdede. Hindi ko na kasi alam gagawin ko 😢 pagod na pagod na ko pati isip ko kung pano gagawin ko sa baby ko 😭 #pleasehelp #advicepls #firsttimemom #firstbaby
Đọc thêmHello mga ka mommy, baka po may gusto ng Dr. Browns bottle 1month nya lang to nagamit 1500 po original price nya 2pcs wide neck 5oz, 600 ko nalang po ibigay. And sino po dito nan optipro milk ng baby may 600grms si baby na sobra 0 to 6months 400pesos nalang po, 680+php po ang 400grms ng nan optipro. Sa interested po pm nyo lang ako sa messenger Aizah Ramos profile ko si baby. Negotiable po ang shiffing fee. Thank you 😊 #firsttimemom #FTM #firstbaby
Đọc thêmMay same situation ba ako dito mga mami. Yung baby ko simula mag 3months sya ang hirap na padedein sinubukan ko na lahat ng pwede palit gatas palit bote palit water ganun pa rin 4 to 5hrs bago sya dumede and 3oz lang nauubos nya 4months na sya kahapon 😓 yung timbang nya ang hina tuloy tumaas. .7 lang dinagdag sa timbang nya after 1month haist nakakastress na grabeee gusto ko na maiyak 😢😢😢 #firsttimemom #firstbaby #pleasehelp #advicepls
Đọc thêmMga mamsh may same case ba sakin dito mag 3months lo ko sobrang hirap padedein kahit anong pilit kapag dede time na nya ayaw nya magdede kailangan antok na antok sya bago dumede hays nakaka stress na kung nagsasawa naman sya sa gatas di nya iinumin yun kahit gutom na gutom na sya di ba? Babalik pa kaya sa normal dede routine nya? 😩 #pleasehelp #firsttimemom #firstbaby #FTM
Đọc thêmShare lang mga mommy.. FTM ako at cs delivery yung baby ko 1month 6days na. Simula pag ka panganak nya until now sobrang iyakin, pinatingnan ko na din sya sa dalawang pedia at wala silang makitang problema. Araw gabi grabe syang umiyak nakakabaliw na, ginawa ko naman lahat chinecheck ko din kung may dumi sya o puno na diaper ng ihi, kung nilalamig ba sya o naiinitan I'll always make sure din na hindi sya gutom pero bakit ganun ayaw nya pa rin tumigil sa pag iyak mula umaga hanggang gabi karga ko sya iiyak sya lalo pag binababa ko. Napapagod na rin ako at alam ko hindi dapat pero yun yung nararamdaman ng katawan ko 😭 masakit na katawan ko kahehele at kabubuhat sa kanya wala na rin ako boses sa pagkanta para lang kumanta sya. Hindi ko na alam gagawin ko feeling ko hindi na kakayanin ng utak ko baka mabaliw ako 😭😭😭 napaka dali sabihin na tyaga lang ganyan talaga mga baby pero hindi e kakaiba parang di na normal pero normal naman ayon kay pedia. Sumisigaw na yung utak ko na hindi ko na kaya gusto ko ng sumuko pero hindi ko pwedeng gawin yun kase kawawa naman baby ko 😭 #firsttimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby
Đọc thêmMga mommy 35weeks na ko pero 1.9kg pa lang si baby ok lang po kaya yun? Sabi naman ng mga kakilala ko ok lang daw para di ako mahirapan manganak at mapunitan pag dating ng due ko. Binigyan ako vitamins ng ob ko para daw madagdagan pa ng tumbang si baby for a couples of weeks bago ang due ko.. Dapat kaya akong magworry mga ka mami 🤔 #advicepls #1stimemom #firstbaby #septemberbaby
Đọc thêm