Postpartum

Ganito ba talaga pag first time mom.. Ang hirap pala talaga maging nanay 😭 natural lang ba sa baby ang hindi nagpapatulog sa gabi? 10days na baby ko. Naiiyak nalang ako kasi di ko alam gagawin ko pag umiiyak sya at pag hindi agad nakakatulog. Gabi gabi rin akong puyat 😭#firsttimemom

36 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

first time mom din ako momsh and kagaya mo sobrang hirap din ako. Mag 2weeks na baby ko gabe gabe din akong puyat at kagabe talaga ko napaiyak grabe yung pagod sakit ng katawan lahat na sabe ko napakahirap pala talaga maging nanay sabe ko nun ok lang saken mapuyat kahit gabe gabe pa pero yung kapag umiiyak sya at di mo na alam panu sya matitigilin sobrang nakakaiyak feeling ko hindi ko sya naaalagaan ng maayos. Gigising sya 12am hanggang 5-6am na yun yung halos wala ka talagang tulog tapos pag tulog sya hindi mo pa sya pwedeng sabayan sa byenan ko kase ako nakatira kaya ayun dagdag hirap. Sana malampasan namin ni baby yung ganitong phase. Basta ang importante saken di nagkakasakit yung anak ko kakayanin ko lahat...hindi lang talaga naten maiwasang mapagod o umiyak talaga minsan

Đọc thêm
2y trước

Sobrang hirap momsh yung asawa ko inaaway ko na dahil sa pagod at sakit ng katawan ko tapos wala kapang kapalitan o katuwang mapaumaga man o gabe gising ka puyat ka pagod ka. sobrang hirap pero kinakaya para sa anak

laban lng mommy.. im a mom of a toddler 3yrs old and a 3 month old baby.. ang marerecommend ko po kapag gabi na i dim nyo po ung lights ng room tsaka magplay kayu ng lulluby music kahit mahina lng tapos i prepare mo po si baby bago magsleep.. kayu po gagawa ng routine nyo para d po kayu napupuyat.. kapag magpapadede po kayu sa gabi.. padedein nyo lng wag nyo po mashado kausapin para after nila magdede matutulog ulit kasi kapag po nilaro nyo po or kinuwentuhan ang tendency magigising ang diwa nila.. kaya dapat po dede, burp, hele.. para po d rin kayu mapuyat.. ganyan po ginagawa ko sa mga babies ko never po clang namuyat.. gigising lng ng konti dedede tapos matutulog ulit.. hope this help..

Đọc thêm

Ako nun gabi gabi umiiyak. Lalo na nung sumabay na ung sakit ng tahi, nipples, katawan plus walang tulog. Dumating na sa point na nagseself pity ako kasi sabi nila MIL bawal daw magreklamo. 😩😩 isip isp ko, gusto ko lang naman umaray, hindi naman reklamo un. Dun ko talaga naramdaman, actually hanggang ngayon, na iba pa rin pag nanay mo ang kasama mo 😔😔😔 tho hindi naman ako pinapabayaan nila hubby dito pero basta, iba talaga

Đọc thêm

ok lang yan mii normal yan..nag aadjust pa kasi si baby eh..mga ilang months pa magiging ok na den oras ng tulog nya..di mo mamamalayan lumalaki na yung baby mo..mas ok na enjoyin mo lang kasi minsan lang sila baby, mamimiss mo yang ganyang moment nyo together 😊 junior high school na anak ko kaya nakaraos raos na ko sa ganyan and namiss ko din magka baby kaya eto preggy ulit 😊😁🥰 good luck and God bless mommy ❤️😘

Đọc thêm

Yes Mii, super puyat po talaga pag ganyan. Matagal pa po makikipag puyatan si baby hehe. Ganyan din po ako noon halos walang tulog talaga. Lalo na breastfeeding pa ko kaya ako lang talaga ang obligado gumising at magpadede sa baby ko. Kaya mo yan Mii,lahat naman tayong mga nanay danas talaga yan. Inom ka din po marami water, eat healthy foods, drink milk para may lakas ka po. Makakaraos din po sa puyat tiis po muna para kay baby.

Đọc thêm

Same mommy. Minsan gigising yan ng 2am tapos matutulog 5am na. What I did was inintroduce ko sakaniya yung night and day. Pag gabi, dim lights lang. Pag morning nakaopen ang windows para maliwanag. Try niyo po. 2 months na siya ngayon, di na din po ako napupuyat. Plus malaking help na breastfed siya kasi di ko na kailangan bumangon sa madaling araw pag nagugutom siya. Side lying lang kami. Kaya mo yan Mii.❤️

Đọc thêm

Yes, Momma! Grabe ang puyat ko din noon kay LO. Sa madaling araw siyang gising tas iyak pa ng iyak. Pag ganon na umiiyak check nyo diaper kung puno, kung matigas ang tyan baka may kabag, kung pinag papawisan o kung nagugutom. Kung lahat nacheck muna at okay naman siya... baka need nyo bilan ng duyan, rocker or crib. Swaddle nyo din siya pag naturulog sa gabi.

Đọc thêm
2y trước

@Kelly, ako po lagi kong binubuhat non si baby. Basta kung kailangan nya ako. Need nya kasi ng atensyon ko, gusto nya ng amoy at init ng katawan ko pero yung 2 year old ko lagi ko na hinahabol. Nagpapakarga lang sya sakin pag matutulog or natatakot. Basta wag nyo lang din sspoilde-din si baby. Minsan lang naman silang baby. 🥰

ganyan talaga, nangangapa pa kasi, ako noon hindi na nakatulog 2nd day palang ni baby, inabot nako ng umaga mulat parin ako eh breastfeed siya syempre saken naka depende gatas niya tapos wala pa akong gatas non, tulog kapag karga ko, ihihiga ko palang iiyak na, wala akong kahalinhinan, solo parent ako, nanay ko wa pakels, wala akong matawag, wala akong masandalan, naaawa ako sa sarili ko non.

Đọc thêm
2y trước

same po tayo, nanay ko rin wapakels. nag iiyakan na kaming mag ina, hindi pa rin nya makuhang silipin kami sa kwarto hehe

Thành viên VIP

Yes po, normal po yan, body clock po nila ung gumigising every 2-3 hrs kasi need nila magdede. Need nyo lang po strategy and get to know ur baby. Grabe din puyat and pagod namin nung first days ni baby. Ginawa po namin nun, shifting kami ni hubby, ako ung gising sa gabi, tapos sa chest ko natutulog si baby kasi dun sya nakakatulog ng mahimbing. Safe naman po un basta dapat gising tayo.

Đọc thêm

Normal yan momsh. nag iiba talaga ang sleeping hours ni baby.. tiis2 lang momsh..base sa nababasa ko at sa experience ko every month nagche change sya ng sleeping time. gising sa umaga-tulog sa gabi or vice versa.. swerte ko lang sa baby ko kasi di iyakin pero na.experience ko naman na gising sya ng madaling araw hanggang 7am.. i suggest momsh na sabayan mo sya ng tulog.

Đọc thêm