Wala gana dumede
May same case po ba dito kagaya sakin, kailangan muna pa antukin si baby bago dumede, nawalan sya ng gana dumede 2weeks ago na, nakadalawang pedia na kami pinalitan din vitamins nya saka formula milk kaso ganun pa rin, binigyan din sya pampagana kaso wala din 😔 super stress na ko at nahihirapan kung pano sya padededein ng normal. 6months na baby ko binawal muna din ni pedia solod food sa kanya. May ganito po bang nangyari sa baby nyo at ano ginawa nyo para bumalik normal nyang pagdede. Hindi ko na kasi alam gagawin ko 😢 pagod na pagod na ko pati isip ko kung pano gagawin ko sa baby ko 😭 #pleasehelp #advicepls #firsttimemom #firstbaby