Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Got a bun in the oven
Home Remedies for elbow crease rashes
Hi mommies, pahelp naman po. Nagkaroon po ba si baby niyo ng ganto? Ano po ginawa niyo? Napagcheck up ko na siya sa pedia niya may nireseta pong cream kaso 7 days lang siya iaapply nawala na siya konti kaso bumalik nanaman yung pamumula. Thank you sa sasagot.
Home Remedies for Sipon
Hi mommies, ask ko lang ano po pwedeng inumin gamot or pwedeng home remedies para sa sipon. Btw, nagbebreastfeed po ako gusto ko sana uminom ng neozep kaso nabasa ko bawal siya sa breastfeeding. Thanks.
Gamot/Home Remedies for Baby Rashes
Hi Mommies, any suggestion/recommendation para mawala yung sa mukha ni baby? Rashes po ba yan? 18 days na po siya lumabas siya nung ika 15 days niya. Yung una niyang sabon is Johnson baby soap tapos nagchange kami ng Lactacyd effective naman po nawala yung sa pwet, braso, at sa likod niya. Btw, yung sa braso niya tuyo na po yan and namamalat kaso parang may tumutubo nanaman. 😔 Thank you.
Patulong naman po. Thank you.
Hi po. Ask ko lang saan kayo nagbabase ng EDD niyo? Sa Transvi, OB, or BPS? Paiba iba po kasi sakin medyo nakakaparanoid din kasi dahil sa OB ko 40 weeks and 6 days nako, sa Tranvi ko 39 weeks and 4 days, at sa BPS is 38 weeks and 4 days. Sa lying in kasi ako manganganak ngayon nirefer nako ng OB sa hospital dahil 40 weeks na closed cervix pa din ako. Thank you sa sasagot.
40 weeks but still no sign of labor
Hi Mommies, ask lang sana ako ano pong pwedeng gawin 40 weeks na po kasi ako ngayon kaso no sign of labor and close cervix pa din. 1st baby ko po medyo kinakabahan ako kasi baka ma CS ako and yun nga dapat sa Lying in ako kaso nirefer nako sa hopsital. Baka may alam din po kayo public hospital sa QC na tumatanggap kahit walang record sa kanila or pwede po magpacheck. Thank you.
Please help po.
I just want to share lang po wala kasi akong mapagsabihan normal lang ba na maramdaman mo na wala masyadong care yung mister mo sayo at sa baby? Nasa tabi ko naman siya pero may hinahanap ako na pakiramdam feeling ko kasi nagiisa lang ako hindi ko maramdaman na natutuwa siya or excited siya first baby namin btw. Medyo nahihirapan din kasi ako kasi feeling ko nagiisa ako. Nasa tabi ko siya pero hindi ko maramdaman kapag na samin siya puro cellphone yung inaatupag kapag nasa labas kami halos hindi ko maramdaman na masaya siya. Kinausap ko naman siya pero sabi niya excited naman siya at masaya kaso parang hindi kasi hindi ko maramdaman. Please I need your advice. Thank you.
Breech Pregnancy
Hi Mommies, I'm currently 28 weeks ngayon medyo nagalala kasi ako baka hindi umikot si Baby. Pero mga gantong case ba na kagaya sakin ngayon dito? Any suggestion po na pwedeng gawin. Mahal kasi ma CS. Thank yooou.