Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
♥️
Katoji Wooden Crib
Hi mga mommies! Okay po kaya itong crib na ‘to? 😊 Sana po may maka pansin. Thank you po!
SSS MAT1 FILING
Question po, I’m on my 4th month na po ng pregnancy. And nakapagpasa na po ako ng requirements ko sa HR namin kaso via email lang. Then nag reply po siya i-submit ko raw yung hardcopy once ECQ is lifted. Nagwoworry ako kasi baka anong petsa na, di pa rin nafa file yung MAT1 ko. Is there any other way po ba para nakapagfile nun? Sana po may maka notice. Thank you!!!! ❤️
10 weeks and 3 days
Hi mga momshies! Tulungan niyo naman po ako. Nahihirapan na po ako sa sitwasyon ko. Madalas akong gutom, at parang ang dami dami kong gustong kainin, pero pag kakain na, either maduduwal ako, or hindi ko maubos ang pagkain. Worse, isinusuka ko lang ang kinakain ko. Pag kakain naman ako ng biscuit or tinapay, mag iiba lasa nang bibig ko. Parang maglalasang metal. Mga momshies, ano po kayang magandang remedy? Nahihirapan na po kasi ako ? Salamat po, sana mapansin ❤️
Breast pain and other symptoms - almost 6weeks
Hi mga mommy! Ftm here. Mejo nawe weirdohan lang po ako sa sarili ko. Madalas po pag kakain ako, nasusuka ako. Pakiramdam ko maraming tubig yung tyan ko. Pero never pa naman ako nagsuka, madalas lang ako palaging masusuka. Then, minsan naman painful yung boobs ko. Minsan naman po, wala akong nararamdaman na kahit anong sakit pero nararamdaman ko po na bumigat ang boobs ko. Normal lang po ba ‘tong nararamdaman ko? Please enlighten me po. Hehehe maraming salamat po mga mommy ❤️
Laban pa
I’m on my 6th week, and may brown discharge. Went to my OB and sabi niya, possible hindi mag progress or mag develop si baby. Kasi when I was on my 5th week, sac and yolk pa lang meron. Natatakot ako na baka hindi na mag develop si baby. Please pray for us. Especially for my baby. Sana malagpasan namin ‘to. Thank God din at very supportive ang husband ko. Pahingi naman din po ng mga pamplakas ng loob diyan ♥️
Hi po, I’m 5 weeks pregnant. And sumasakit po ng mejo light yung puson ko. And meron din po akong nafi feel na parang nadudumi ako. Normal po ba yun?
Worried lang po ako. First time lang po kasi. Thank you so much in advance po. God bless!