Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Momsy of 1 naughty junior
Post Partum Depression (?)
At first, I was not convinced about PPD, pero after a week of having my baby boy, I started to feel this. Ewan ko, I felt a lot of fears for my baby. After knowing my jaundice sya, I can help but feel worried for him, kada breastmilk ko sa kanya, nakakatakot baka di sya makahinga. Kada iyak nya, I felt like baka my iniinda syang sakit. I am worried, that I may not provide the best care for him. Everything about him makes me cry of fear. Tapos I started to feel pity for myself, for losing all the confidence, and not feeling beautiful. I cry too when my husband is worried of our finances (kasi si mil ang nagsusuport sa amin while my husband is looking for a job, kasi he just had his MA degree; no issue kay MIL, si hubby lang talaga, ayaw nya financial support ni MIL). Haaaaaay. Also, being a FTM, di pa nagsisink in na may anak na talaga ako.. Basta, its a weird feeling.. I pray to overcome this. I pray for those who felt the same, those who also have PPD.
Post Cesarean Recovery
Ang hirap pala mapoop after cs. Di ko alam kun ang tahi ba o ang tyan ko masakit dahil di pa ako nakapoop. Tsaka, nakaubo ako involuntarily, ang sakit pala, buti may binder.. huhuhu. CS pa more..
Jaundice
Possible jaundice ang baby ko kasi sa Blood Type incompatibility namin.. (Type O+ ako, si baby A+, from his dad). Nakakatakot, pati ang bill sa NICU. Haaaaaay. Sana sabay kami makauwi.. Please Lord.
38 weeks
Anong dapat gawin para makaanak na???
36 weeks and 3 Days
Malapit na. Wew. Lahat naman cguro FTM nag wowonder paano manganak no? Hahahaha. Bahala na si Lord. Basta healthy lang si baby.. ❤️
Ang sakit ng right part ng hita ko.
33 weeks.. ang sakit talaga. normal lang ba to?
Flu
33 weeks at may flu. Niresetahan ako ni OB ng antibiotic. Kailangan talaga inumin kasi mas dangerous pagnagkalagnat dahil sa flu. Possible admission dw. Hopefully, i get well soon. Careful sa masamang panahon mga mamshies.
28 weeks
3 months nalanggggggg. Nakakatakot isipin kun normal delivery or cs. Makakaya ko ba. Healthy ba..etc etc. God be with us.
Tamad
Sobrang tamad ko na. Gusto ko mag absent sa work. Haaaaay.
26 weeks preggy
Reading posts of childbirth experience is very scarrrryyy. Nakakatakot pero sa ganitong post din ako humugot ng lakas ng loob.. Nakaya ng mga FTM like me, so kakayanin ko rin.. Kesyo masakit or what, laban lang.. Wew.