Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
mom of two ?
baby out! ❤️
Gideon Reu V. Guillermo EDD: May 22, 2020 DOB: May 29, 2020 @ 8:41am 3.3kgs via NSD Just wanna share my birth story. He's my 2nd child. And it'a been 40 weeks and day 5 hindi pa sya lumalabas so we're kinda worried na. Bago mag day 6 pinag pray over na ko ng parents ko na sana manganak na ako kasi tomorrow din nun magpapa-appointment na ako for CS (my first child was NSD also). So after the pray over that night, may 28 ng madaling araw ng start ako makaramdam ng contractions pero binalewala ko kasi baka braxton hicks nanaman. Morning ng may 28 nagpunta parin kami ng ospital para magpacheck up ang paappointment na din sana for CS. Sinabi saakin nung OB after nya ako naIE na 1cm at mataas parin pero that day continous parin ako nakakaramdam ng contractions pero dedma lang ako. And then sinabi na namin concern namin na I'm overdue na, wala pang signs, papacs na ko... Tapos si OB hiningan muna nya ako ultrasound para malaman lahat lahat. So ginawa namin, ang kaso 29 pa daw tlaga bibigay result ng ultrasound so we have no choice talaga kundi ipagpabukas na lahat. Umuwi kami ng mom ko(husband ko nasa work na kasi) na mejo disappointed sa ospital pa nga kasi pano kng urgent na pala biyakin and everything kasi willing na talaga ako pabiyak dahil worried na ako. So 28 ng gabi humihilab parin tyan ko, nagtry ako magpoop baka kako mawala pero di sya nawala... dedma parin ako kasi lagi ngang puro ganun lang si baby pero di naman natutuloy sa totoong labor. Eto na nung 29 ng madaling araw, sunod sunod na ang contractions inorasan ko na sya every 5-7mins ang contractions and lasting 30-40 sec. Pero dinedma ko parin kasi baka umaasa lang ako o baka di lang ako mapoop pero andsakit na talaga. Tugon na hanggang balakang. Then mga 5 am dun na talaga ko naconvince kasi sobrang sakit na, so sinabihan ko na hubby ko na wag na sya pumasokng work and ung parents ko na eto naa talaga. Bago nila ako sinugod may lumabas na sakin na bloody show. Then dinala nila ako sa ER ng ospital 7:30 na inexamin ako doon and IE at full dilated na so inakyat na agad ako ng delivery at 7:55 am. Niready na lahat ng midwife at nurse (sila lang ng paanak sakin) and then waiting lang na bumaba pa ng konti and then boom at 8:41am nailabas na din si Senyorito hahaha... Thank God at nakaraos din. Salamat din sa pray over ng parents ko napaka-effective. Nawalan na talaga ako pag-asa na ma-normal pa sya. Willing na talaga ako ma-cs para mapanatiling ligtas lng sya. Gayak na talaga sarili ko mabiyak pero di ako pinabayaan talaga ni Lord. ?
diarrhea
I'm 28 weeks now. Normal ba sa buntis na ngkakaroon ng diarrhea?
Breech baby
Mga mommies, I'm currently 6 months preggy next week 7 months na ako and last check-up ko sabi ni OB breech pa din daw si baby pero sabi nya iikot pa daw. Di ko maiwasan magworry kasi gusto ko normal delivery ulit dito sa 2nd child ko. Any advice po mga momsh? May tendency pa po ba talaga syang umikot? Thank you po sa mga sasagot. ?☺️
moriamin forte and calcium
Mga momsh pwede ba sila pagsabayin? Kasi niresetahan ako ng OB ko ng moriamin pero wala sya nilagay na calcium. Pero may multivitamins pa ulit syang nireseta. Nakakuha kasi ako ng libreng calcium sa center dto saamin. Ganun kaya tlga yun? Pwede kaya aako uminom ng calcium at moriamin?
not gaining weight (maintained weight)
24 weeks na ako pero sabi ng OB ko hindi daw ako nag gain ng weight. Same parin ang timbang ko from last month. Niresetahan nya ako ng dalawang multivitamins ung isa with amino acid 2x a day ang inom tas pinababalik nya ako sa feb 25 kng nag improve ang timbang ko. Okay lang ba un mga momsh? Worried kasi ako na baka tumaba naman ako ng sobra at ma-cs.
anterior placenta
6 months preggy here. Anterior ang placenta ko sabi ng ob ko (meaning yung placenta ko in front of my uterus not at the back). Alam ko normal lang din sya pero di ko maiwasan mag worried kasi hindi ko masyado ramdam yung galaw ni baby parang mga pintig lang. Ganun ba talaga yun? Pls share your experience sa pagiging anterior placenta. First baby ko kasi hindi naman ganun, ramdam ko sya agad ng 6 months. Thank you sa mga sasagot ❤️
boy o girl?
Mommies, nung naglilihi ba kayo san kayo mahilig sa matamis o maasim? Kasi nuon mahilig ako sa sweets sa baby girl ko. Ngayon pregnant ako sa second ko, gusto ko naman maasim or anything na sinasawsaw sa suka. Totoo ba na pag sweets daw hilig girl anak (proven ko na to) at pag maasim daw boy? Hehe...
ubo at sipon
Hi mga mamsh! Ano kaya pwede kong inumin para mapabilis ang wala ng ubo at sa sipon ko? Yung natural lang. I'm currently pregnant with my second at nataon naman na uso ngaun anng ubo at sipon. Di naman na ko pwede uminom ng gamot. More on water lang ako. 5 weeks and 4 days pa lang ako now. Thank you sa mga sasagot! ❤️