anterior placenta
6 months preggy here. Anterior ang placenta ko sabi ng ob ko (meaning yung placenta ko in front of my uterus not at the back). Alam ko normal lang din sya pero di ko maiwasan mag worried kasi hindi ko masyado ramdam yung galaw ni baby parang mga pintig lang. Ganun ba talaga yun? Pls share your experience sa pagiging anterior placenta. First baby ko kasi hindi naman ganun, ramdam ko sya agad ng 6 months. Thank you sa mga sasagot ❤️
Mommy, ako rin po anterior placenta. Mag-8 months na po kami next week. Mga 5 months ko na po consistently naramdaman ang movements ni baby. Dahil first child ko ito at praning ako talaga, not to mention panahon pa ng pandemic, ang ginawa ko po ay bumili ako ng home fetal doppler para anytime ma-check ko 'yung heartbeat ni baby. Mura lang sila nasa 800 php pataas yata sa Shopee, reliable na klase na 'yun (I got mine secondhand from a friend). Nagpa-pelvic ultrasound or Congenital Anomaly Scan (CAS) na kayo, mommy? Baka lang po mapanatag ka kahit papano kapag nakita mo si baby na malikot sa belly mo kahit 'di mo masyadong ramdam. 😊 Sana makatulong.
Đọc thêm📎PLACENTA (inunan) ito yong nag sisilbing blood flow ni baby kadugtong ng pusod nya ito. 📌ANTERIOR: nasa harapan ng tyan mo ang inunan pwedeng hindi mo masyadong ma-feel ang pag galaw ni Baby. Baby's best position during delivery. Kaya huwag masyadong kabahan kapag di masyadong magalaw si baby kasi baka Anterior sya kaya icheck mo ang position ng placenta mo sa ultz report. 📌POSTERIOR: nasa likuran naman kaya feel na feel mo palagi ang sipa o galaw ni baby. When the baby is in posterior position, Labour can be more longer, more painful and is more likely to end with CS delivery.
Đọc thêmHi momsh same tayo anterior placenta din and 6mos preggy din pero feel ko nman movement ni baby lalo na sa madaling araw pero may mga times din na di ko sya ma feel lalo na sa umaga or minsan di ko napapansin pag busy... malaking help po ung fetal doppler na nabili ko everytime na di ko sya ma feel kaagad ginagamit ko po un para mawala ung worry ko.. or pag di ko sya ma feel mag humiga ka sa left side then mag concentrate ka para ma feel mo movement ni baby..
Đọc thêmTry mo sis kwentuhan. Kntahan. Prang nakikita mo LG sya sa harap mo.. Feel mo LG na nglalaro ka NG bby sa harap mo.. Damhin/ha plus hplusin mo NG palad mo yung tyan mo.. Mglilikot yan. 😁😁.. May time din na d mo napapansin. Naninipa na. O nag iikot ikot..3-4mnth plg nun ramdam ko na may kalikutan na sa tyan ko. Ngaun 5mnth na eh. Lalo pa naging malikot Placenta anterior ako grd I ..
Đọc thêmanterior placenta din po ako grade 1 high lying, ang movement ko lang pong nararamdaman ay sa gilid ng tyan ko then sa may puson tapos sa may parteng sikmura po hehe malikot naman po si baby napakaactive, gamit na lang din po kayo ng droppler at kick counter, sabi basta daw po di bababa ng 10movements in 2hrs ehh
Đọc thêmNo need to worry mamsh! Sabi nga sa mga research mas magandang position yan sa panganganak kaso lang may mga instances na di mo talaga mararamdaman yung mga galaw ni baby. Para kasing kinu-cushion ng placenta natin si baby na imbis sa tiyan mapunta yung mga sipa, nabo-block ng placenta.
normal lng po yun sa anterior placenta na di masyado maramdaman si baby.. ibig sabihin nka high lying yung placenta mo.. ako nga anterior placenta din pero mababa 😔 covering the os ako, nkaharang sa cervix ko kya possible na maCS ako.. 😔 praying na mabago pa ang position nung sakin..
ang mahal pa naman ng cs ngyon, 50-60k ang pinakamura 😭 kaya nag tatry ako sa public.. dhil di kaya ng budget
same here anterior at chubby kaya hindi ko maramdaman galaw ni baby until nag 24 weeks. Dun umaalon na tyan ko. pagdating ng 30 weeks, dun na malakas yung punch at kicks. Normal naman daw kahit sa mga nabasa ko kapag anterior placenta na medyo matagal maramdaman galaw ni baby.
Anterio din ako sis. pero madami akong nakukuhanan ng video kasi pag malikot sya kinukuha ko kaagad camera nya. lalo na pag busog ka sobrang likot nya. Pero ngayon kabuwanan kona hindi kona masyado sya nararamdaman minsan nalang kasi sumisikip na sa loob ng uterus.
anterior din placenta ko momsh. 16 weeks na pi feel ko na yung pintig2 sa tummy ko. Tapos pag tungtong ng 20 weeks grabe na likot ni baby parang na sisid sya tapos biglang may malakas na kicks or punch akong na pi feel. Mas intense nga ngayon na 27 weeks na 😊
mom of two ?