Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Hoping for a child
Tigdas .....
Hello po mga mommies. Ask ko lang po... Nilagnat po kasi yung baby ko ng ilang araw, may ubo't sipon din sya tapos after ng lagnat nya tinubuan sya ng mga rashes sa leeg at pwet hanggang sa kumalat na katawan at mukha nya. Sa tingin nyo po simpleng rashes lang po ba ito? Nagwoworry po kasi ako baka tigdas na ito, di pa po kasi completo sa vaccine yung baby ko. 🙁🙁🙁 Sana po may sumagot pls. Thank you.
Biscuit for 10months old baby
Hello po mga momsh ask ko lang po if pwede po ba ang biscuit for 11months old baby? Yung nanay po kasi ng partner palagi nyang pinapakain yung baby ko ng biscuit like hansel na may palaman tuwing umaga. Worried lang po ako kasi baka yun yung dahilan kung bakit sobrang tigas ng poop ni baby.
Maternity benefits
Hello po ask ko lang po if di pa po ba late payment sa matben if mag hulog ng nov. 2020 to feb 2021? October po ang due date.
Mixfeeding
Hello po mg momsh pahelp naman po kung ano bang pwedeng gawin para dumede sya bote? Kung ano ano na pong nipples ang nabili ko ayaw nya talaga mag dede sa bote hays plano ko sya imixfeed para makapag work na po ako. Thank you po.
Flexing my baby❤️❤️
Flex ko lang po baby ko na 3months old na!! 😍😍😍 Team October po kami, Magkabday kami ng baby ko hehe ❤️❤️
First time mom breastfeeding
Hello po first time mom po ako ask ko lang po if anong pwedeng gawin para mawala agad yung sakit ng utong pag nagpapadede, sobrang sakit na po kasi eh umiiyak na ako tuwing pinapapadede sya 14 days old na po sya.
Labor naba ito
Hello po, 40 weeks na po ako nagpacheck up ako kahapon sakto pag dating ko sa lying naninigas saka sumasakit na tyan ko tapos in-ie ako pero 4cm palang tapos sinalpakan ako sa pwerta ng apat na evening primrose saka pinauwi tapos pag uwi ko ng bahay simula 3pm sumasakit na yung puson ko paakyat ng tyan tapos naninigas paikot ng balakang ko pero seconds lang po yung pain nya pero pabalik balik every 8-10mins hanggang ngayon 5:00am na pero kaya ko pa naman po yung sakit. Labor na ba ito??
36 weeks 2 days pregnant
Hello po, ask ko lang po if normal ba na sumasakit yung puson? Ang sakit po kasi pag nakahiga ako tapos tatayo kahit dahan dahan lang tas minsan di ako makalakad ng ayos. Ilang araw na po kasi eh pero di naman consistent. Nag ask na kasi ako sa midwife sa baranggay eh sabi nya mag tubig lang daw ako tapos ni request nya ko ng urinalysis, normal naman daw po. Thank you.
Suggest Name
Ano pong maganda name combination ng Dianne Mae and Radsan?? Thank you po sa sasagot. For baby girl po.
Puyat
Meron po ba dito same case ko inaabot ng madaling araw like 4:00am kakapuyat, kakacp at kakanood ng movie tapos maghapon tulog? Ano po kaya effect nun kay baby? Pinipilit ko naman po matulog ng maaga kaso di talaga makatulog eh.