Naalala ko non. November 16,2021 nung nalaman kong buntis ako. At first hindi ako naniwala hanggang naka 5 pt ako na positive. First check up and ultrasound, ang EDD mo non July 21, 2022. Ingat na ingat ako sayo that time and hoping you're a girl pero boy ang binigay sakin ni Lord. Third check up ko nang malaman kong boy ka, 5 months ka pa that time pero 2.3kg kana. Sabi ni Doc need ko na mag diet kasi baka macs daw ako. July 19 nung bumisita tayo sa lola mo (mother in law ko) that time need ko na maglakad ng maglakad kasi baka maoverdue ako. Ganon din ginawa ko kinabukasan at sinabayan ko ng pagkain at pag inom ng pinya at grapes. July 21 @1pm nasa clinic ako non para icheck kung ilang cm na ako, and it turns out na 7cm na pala ako, wala akong pain na naramdaman non. Sabi sakin ng Midwife balik nalang ako pag sumakit na ng sobra ang tyan ko. 7pm non nung nag start ng sumakit kaya aligaga ang papa mo non madala lng ako sa clinic. Pag check nila still 7cm pero super lambot na daw ng cervix ko kaya tinurukan na ako ng gamot. 9pm nag start ang labor ko. Kasama ko pa ang lola (mama ko) habang naglelabor. Napapasabi ako ng ICS nalang ako dahil super sakit talaga. 11:25 nung pumasok na ako ng delivery room. July 21, 2022 @ 11:55pm. 3.8kg. lumabas ka. Hindi ka pa umiyak nung una dahiil natriple cord loop ka. Buti nalang magaling nag assist sayo. Yun ang pinakamasayang oras at araw ko, yung pagdating mo sa buhay ko, buhay namin ng papa mo. Mahal na mahal ka namin❤️. Ang bilis mo lumaki anak. Mag 2 months kana agad. Parang kelan lang #ThankYouLord
Đọc thêm