Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
First time mom, excited to see him.
Hair Spa
Pwede po kaya magpahair spa ang nagbrestfeed?
39weeks
Hello po mga mommy, first time mom po. Ask ko lang lung sign na po ba ng labor yung pananakit ng puson. Every 30mins po sumasakut pero wala po dark/water discharge. Thanks po sa sasagot.
Underweight ?
Full term na po ako kahapon, yung last ultrasound ko ngayon at base dun 35weeks palang ang laki nya at underweight si baby sa tummy ko. ? nasa 2.4 kgs lang sya na dapat nasa 2.5kgs -3kgs daw dapat sabi ng ob ko. Ano po bang food ang pwede kong kainin para lumaki sya ng konti at bumigat base sa weeks old nya. ? Tinanong ko kasi ob ko ano gagawin ko para maggain weaight ako, pero sabi nya wala daw ako gagawin. Antayin ko lang daw lumabas. Thanks in advance mga mommies.
36 weeks
36weeks na po ako now, isang linggo na lang full term na ako. Pero never pa naman ako nakakaramdam ng kahut ano maliban sa hirap ako gumalaw. Ano po bang normal na naramdaman pag naglabor na?
7days leave credits kay partner
Hello po ask ko lang po, nagfile po kasi ako mat1 ko last july pero di ko po nasabi sa sss na magbigay ako ng 7days na leave sa asawa ko. Pwede ko pa po bang paplitan pa yung request ko kahit nafile ko na? salamat po sa sasagot. ?
CHIA SEEDS sa BUNTIS
Hello po, ask ko lang po pwede po ba ako uminom ng tubig with chia seeds? Nagsearch kasi ako na madami health benefits sya. Sino po sa inyo nakatry nun. Pwede po makahingi ng feedback. ? salamat.
Sss Bank
Sa mga nakapagclaim na po ng mat benefits nila, ask ko lang po kung ano yung nakalagay na updated bank deposit slip from the bank? Need ko bang magdeposit sa exsisting bank na meron ako or kailangan ko magopen at magdeposit sa accredited banks ng SSS? By the way, may landbank at bpi savings account po ako.. pwede na kaya iyon?
Pangingilo
Hello po, ask ko lang po pag po ba buntis normal ang pangingilo?
Maternity Leave
Hello po sa mga working mom, ask lang po kung kailan kayo nagfile ng maternity leave? Lalo na po sa mga malalayo sa bahay nila yung office nila like me i live in rizal but nagwork ako sa clark, pampanga 4x a week ang pasok ko. Thanks po sa mga sagot nyo. ☺
Weight
Normal po ba na kahit nasa 6months na ako 2kls lang po nadagdag sa timbang ko.. Sabi kasi sa mga nababasa ko dapat daw po pag nasa 23-24weeks na ako dapat 5-6kls daw po ang nadagdag sa timbang ko. Di pa po ako nakapagultrasound sa first week pa po ng July kaya medyo nagaalala po ako.. Thanks po ?