Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
mommy of two
NAGNGINGIPIN
Hi mommies! Possible kaya na nagngingipin na ang lo ko? Kahapon pa kasi sya pupu ng pupu na ganto. Parang laway pero hindi naman mabaho. Nabasa ko na din yung 11 signs yung iba don tumumpak sa lo ko. Nawoworry na kasi ako, hindi naman sya naiyak kung may masakit or what. 8 months na sya ngayon.
Baby Boy
Pangalawang baby ko na ‘to. Pero feeling ko nagiging first time mom ako sa pakiramdam ko kasi hindi ko mapatahan yung baby ko. 3 months old na sya ngayon. Malapit na din magfour months. Araw araw na lang syang sobrang umiyak. As in hindi ko na alam gagawin ko, sumusuko na nga ako eh. Pero hindi pwede kasi responsibilidad ko sya. Yung hubby ko may work panggabi, kaya di nya ako natutulungan sa pagaalaga kasi tulog sya maghapon. Manugang ko naman na lalaki nandun lagi sa gf nya kaya ako lang talaga magisang nagaasikaso sa anak ko. Minsan feeling ko wala akong kwentang mommy kasi simpleng bagay hindi ko magawa. Tips naman jan mga mommies, sobra lang talaga akong nahihirapan sa baby boy ko. No hate please.
Struggles
Hi mommies! Medyo nado-down na ako within this days, si lo kasi sobrang hirap mapatulog sa gabi tapos iyak pa ng iyak. Hindi ko na alam talaga gagawin. Pinagpapasa-pasahan na namin ng husband ko pero wala talaga mas lalong nagaalboroto. Minsan may times na maaga nakakatulog sa gabi tapos mga 5am na nagigising. Pero mas matimbang yung late na nakakatulog tapos iyak pa ng iyak. Di namin alam kung may kabag or nasakit, pero siguro naghahanap lang ng antok. Any tips naman mga mommies, sobrang nai-stress at nakakadown. Minsan mga kapitbahay nagtatanong na kung napapano daw ba baby ko.. ☹️
Success!!
Raven Drew P. Avilla EDD: January 6, 2020 DOB: December 27, 2019 Weight: 6 lbs (3.1kg) Via Normal Delivery
Kuko
Hiii. Ask lang kung pwede na ba akong mag-cut ng nails ko? 1 week na akong nakakapanganak. Naiirita na ako kasi bukod sa di pa pwedeng maligo napapasukan ng dumi yung kuko ko. Kawawa naman ang baby kapag hinawakan.
Philhealth Offline
Hello everyone! Ask ko lang sana kung offline pa din po ba ang Philhealth Trece? We really need to fix my philhealth kasi this week, pero wala kaming masagap na news kung offline pa din ba sila until now. Thankyou sa sasagot! Cavite area lang po.
Wooden Crib
Hello mommies, ask ko lang saan kaya kami pwedeng makahanap ng gantong Wooden Crib? And how much kaya ang price range? Thank u sa sasagot.
Timbang ni Baby
Ok lang po ba yung 4 pounds? 33 weeks na po ako ngayon. Hindi po kaya ako mahirapan kapag nainormal? Thankyou! ?
Maternity Benefits
Hello mummies! Kasi kanina nagpunta kami sa SSS Branch dito sa may amin, kaso hindi pa kumpleto yung mga dala kong requirements so babalik pa kami ng hubby ko tomorrow. Tapos kanina nakita ko yung amount na makukuha ko sa SSS Maternity Benefits ko which is (27k). Malaking help na din yun para samin ng hubby ko. Ask ko lang sana sa mga nakakuha na sa SSS, ilang days or months sya bago makuha? Or ang mangyayari po ba bago ako manganak and after ko manganak may makukuha ako? Pls help me. Gusto ko lang sana malaman hehe. ? Btw, due date ko is January 06, 2020.
32 Weeks and 6 days ?
My baby is getting bigger na. Next week ultrasound na natin my little one, can’t wait to see your gender. ?